Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Baofeng on July 25, 2024, 11:38:14 AM

Title: Gcash: BitBulaga
Post by: Baofeng on July 25, 2024, 11:38:14 AM
(https://www.talkimg.com/images/2024/07/25/4omTf.png)

Natanggap ko lang tong email na to at baka may interesado sa inyong umattend.

To be honest, hindi ko kilala tong mga speaker na to ah. And it's from GCash pala, so wala akong inindorse sa mga to hehehe. Baka lang kako may interesado lang sa mga members dito.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: TomPluz on July 25, 2024, 12:25:45 PM

Akala ko naman eh konektado ito sa Eat Bulaga hahaha...iba pala at naka-focus sa cryptocurrency na isa sa mga tinutukan din ng Gcash ngayon as one of the profit centers nila into the future. Wala akong kilala sa kanilang mga speakers pero alam ko eh marami rin naman talaga ang interesado dito sa ating bansa sa cryptocurrency at malaking tulong itong event na to na sponsored ng Gcash. At maganda ang topic ng event which is "building a balanced and profitable crypto portfolio for every crypto market" na ang ibig sabihin maging bullish man o bearish eh dapat tuloy-tuloy lang at wag kabahan. Sayang wala ako sa Metro Manila so di ako makapunta...sana may online version din sila para mas malaki ang reach.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: bhadz on July 25, 2024, 01:03:18 PM
Nakareceive din ako niyan, si Luis kilala ko yan na crypto personality sa bansa natin pati yang si Tito Vlogs, kapatid ata ni Tito Vlogs yang kuyang gerome. Yung 4chun, parang kailan ko lang nabasa name niya sa social media. Wala na akong gana umattend sa mga ganyang event kasi parang wala namang bagong sinasabi. More on speaking engagements nalang talaga yan sila pero kung sa newbie at gustong matuto, ok din yan kung may oras ka. Maganda sana makipag network diyan kaso para sa akin alanganin yung schedule. Ingat nalang din sa mga pupunta dahil maulan at may bagyo pa atang dadating ngayong weekend.

@baofeng, kung ikaw speaker diyan baka mas madami ka pa masabi at mashare sa karamihan sa kanila.  :P
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: 0t3p0t on July 25, 2024, 01:45:42 PM
Kilala ko tong una at pangatlo nakilala ko to sa YouTube pero yan si Crypto 4chun yan palagi ko pinapanuod lalo na sa trading, airdrops at NFT's tapos si Luis naman parang dumaan lang sa feeds ko yan. Nice partnerships between GCash and those influencers pero goods lang din naman umattend dyan for additional knowledge kung ano man yung isishare nila sa kanilang mga viewers. Pero wrong timing since marami siguro mga kababayan nating crypto enthusiasts na apektado sa hagupit ng bagyo na sure ako wala silang time manuod or di muna nila priority since malaki pa problema nila ngayon. 
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: Zed0X on July 25, 2024, 04:41:19 PM
Since matagal-tagal na din tayo sa crypto, okay lang siguro mag-attend ng mga ganyan ngayon kung ang goal mo ay mapalawak ang network mo for future business deals. May mga bago pa ba silang i-discuss na hindi na natin narinig o nabasa? Wala na siguro. Depende na lang din kung gusto mo ng parang refresher/reminder.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: Mr. Magkaisa on July 25, 2024, 06:36:04 PM
    -    Yung tatlo dyan maliban kay luis sa aking pagkakaalam ay mga youtuber o content creator at nakapanuod narin ako ng ilang beses na sa kani-kanilang mga channels, at sa aking assessment, mas malawak pa kaalaman ng iba dito sa forum kesa sa kanila, dahil puro panghahype lang naman din yung ginagawa nila, hindi ko masasabi na malalim o malawak kaalaman nila sa cfypto sa totoo lang.

Lalo na si crypto 4chun madalas magclickbait yan at panghahype lang din ang ginagawa nyan, ginagamit lang nila ang kanilang platform sa youtube para palabasin na malawak kaalaman nila sa Bitcoin o crypto pero ang totoo hindi para sa akin, mas may sense pa nga yung tutorial ng ibang members dito sa forum natin pagdating sa trading discussion.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: jeraldskie11 on July 25, 2024, 06:42:34 PM
Since matagal-tagal na din tayo sa crypto, okay lang siguro mag-attend ng mga ganyan ngayon kung ang goal mo ay mapalawak ang network mo for future business deals. May mga bago pa ba silang i-discuss na hindi na natin narinig o nabasa? Wala na siguro. Depende na lang din kung gusto mo ng parang refresher/reminder.
Kadalasan mga basics lang talaga tinuturo nila. Alam din kasi nila na maraming mga baguhan ang sasali sa ganitong mga events kaya kinokonsider din nila. Parang wala naman sila makukuha kung magagaling na ang kanilang tuturuan kaya focus talaga sila dun sa mga wala pang kaalaman tungkol sa crypto. Siguro kung malapit lang yan sa amin pupuntahan ko yan.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: robelneo on July 25, 2024, 11:34:05 PM
Ginagawa ito ng Gcash kasi may Gcrypto sila at ito ay additional profit kung marami sila mga users na gagamit ng platform nila para mag buy and sell ng Cryptocurrency.

Magandang move ito para bigyan ng magandang image ang Cryptocurrency sa ating bansa kasi sa totoo lang marami pa rin ay negative ang tingin sa Cryptocurrency, pero dahil naka attach ito sa Gcash na iimpart yung magandang reputation ng Gcash.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: PX-Z on July 26, 2024, 01:38:53 AM
This is good initiative, sa mga gustong pumunta this is good mag halubilo ang iba sa community make sure lang na iwasan ang mag overshare, and kep your privacy. About sa location alam ko how disastrous yung recent effect ng bagyo pero sana okay na diyan at sa mga dadalo wag na tumuloy pag masyado ang ulan lalo na if galing pa malayo.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: TomPluz on July 26, 2024, 03:57:28 AM
Magandang move ito para bigyan ng magandang image ang cryptocurrency sa ating bansa kasi sa totoo lang marami pa rin ay negative ang tingin sa cryptocurrency, pero dahil naka attach ito sa Gcash na iimpart yung magandang reputation ng Gcash.

Ang maganda sa Gcash eh ang dali bumili ng mga coins na nasa listahan nito basta may pundo ka lang na pera sa account mo...unlike sa traditional crypto exchanges na need pa ng credit or debit card na mas hassles sa mas nakakaraming mga Pilipino at idagdag pa na ang daling mag cash-in sa Gcash kahit saan sa Pilipinas. Sana magkaroon ng Gcash ng ganitong mga events regularly para mas maraming kababayan natin ang sumali sa cryptocurrency. Mabuhay ang Gcash...sana nakikinig ang Maya para naman meron din silang crypto events sa mga susunod na mga buwan.

Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: bisdak40 on July 26, 2024, 05:28:11 AM
    -    Yung tatlo dyan maliban kay luis sa aking pagkakaalam ay mga youtuber o content creator at nakapanuod narin ako ng ilang beses na sa kani-kanilang mga channels, at sa aking assessment, mas malawak pa kaalaman ng iba dito sa forum kesa sa kanila, dahil puro panghahype lang naman din yung ginagawa nila, hindi ko masasabi na malalim o malawak kaalaman nila sa cfypto sa totoo lang.

Lalo na si crypto 4chun madalas magclickbait yan at panghahype lang din ang ginagawa nyan, ginagamit lang nila ang kanilang platform sa youtube para palabasin na malawak kaalaman nila sa Bitcoin o crypto pero ang totoo hindi para sa akin, mas may sense pa nga yung tutorial ng ibang members dito sa forum natin pagdating sa trading discussion.

Tama ka dyan kabayan, ginagamit lang nila yong youtube channel para magmukhang matalino pero sa totoo hindi naman pala hehe. Naka-subscribe ako dati dyan kay crypto 4chun pero nag unsubscribe ako dahil wala akong natutunan sa mga videos na ini-upload niya sa youtube.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: Baofeng on July 26, 2024, 06:31:58 AM
baofeng, kung ikaw speaker diyan baka mas madami ka pa masabi at mashare sa karamihan sa kanila.  :P

Hindi tayo pwede, shy type eh, hehehe. Pero ok lang titingnan ko nga tong mga magsasalita. Wala namang masama kung investigate natin at baka may karapatan naman talaga silang humarap dahil sa experience nila sa crypto.

Promotion na rin talaga to ng Gcash para maraming pumasok sa Gcrypto nila at mag invest at siyempre negosyo para kumita sila.

At baka nga mas malawak pa talaga ang mga experience ng iba dito sa mga yan ah, hehehe.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: bhadz on July 26, 2024, 07:28:30 AM

Hehe, baka sa susunod ikaw na maging isa sa mga crypto influencer.  :P
Ang pinaka staff talaga diyan ng Gcrypto ay si Luis. Advocate talaga siya ng crypto bago pa man siya mapunta diyan kay Gcash/Gcrypto.

At baka nga mas malawak pa talaga ang mga experience ng iba dito sa mga yan ah, hehehe.
Totoo yan, ayaw lang maging public figure ng iba dito o kaya sa kabila.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: Crwth on July 26, 2024, 07:53:59 AM
I have watched some of their videos and commentaries well and I think they have great insights on the market. They probably have a lot of information to share at that conference. Feeling ko sulit pumunta diyan lalo na meron silang pa airdrop. Malay mo, it will be free money for those who attend.

I think ang importante dito is it's free.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: 0t3p0t on July 26, 2024, 09:02:22 AM
I have watched some of their videos and commentaries well and I think they have great insights on the market. They probably have a lot of information to share at that conference. Feeling ko sulit pumunta diyan lalo na meron silang pa airdrop. Malay mo, it will be free money for those who attend.

I think ang importante dito is it's free.
Yeah yun naman talaga ang importante kabayan lalo na sa isang tulad ko na mahirap lang kaya kapag may nakikita akong mga paid seminars or workshops ekis na kaagad yan pero since free itong sa GCash I think marami talaga manunuod dyan lalo na at marami ang gumagamit ng kanilang services marami ang mga baguhan na maging curious dyan so nice move ito ng gcash para mapalawak pa yung awareness ng mga users nila.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: jeraldskie11 on July 26, 2024, 02:46:31 PM

Kadalasan sa mga free seminars ay napakalimited lang na mga informations ang kanilang binibigay, minsan hindi nila ginagalingan at parang walang saysay yung mga binibigay nilang impormasyon. Kaya yung mga inpormasyon na kinakailangan natin kadalasan nakukuha talaga sa paid seminars kaya sumasali ako sa mga ganyan. Pero sabi ni Crwth na marunong talaga sila kaya worth it talaga pumunta dyan, bihira lang kasi yung ganyan.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: bhadz on July 26, 2024, 03:49:47 PM
Malay mo, it will be free money for those who attend.

I think ang importante dito is it's free.
Meron talaga silang pagiveaway pero huwag asahan na lahat mabibigyan. Pa laro nila yan at hindi lahat maambunan pero who knows kung malaki laking bibigay niyan. Not bad na talaga lalo na kung manalo ka pa. May pa foods din siguro yan kasi naka attend na ako sa mga ganyang event dati pero hindi related kay gcash. Kung malapit ka sa area at ganyang oras, okay lang mag commute pero sa panahon ngayon kahit ganyang oras at uwian na, parang super stressful kung malayo layo ang lakbayin mo.
Title: Re: Gcash: BitBulaga
Post by: Mr. Magkaisa on July 26, 2024, 04:59:08 PM
I have watched some of their videos and commentaries well and I think they have great insights on the market. They probably have a lot of information to share at that conference. Feeling ko sulit pumunta diyan lalo na meron silang pa airdrop. Malay mo, it will be free money for those who attend.

I think ang importante dito is it's free.
Yeah yun naman talaga ang importante kabayan lalo na sa isang tulad ko na mahirap lang kaya kapag may nakikita akong mga paid seminars or workshops ekis na kaagad yan pero since free itong sa GCash I think marami talaga manunuod dyan lalo na at marami ang gumagamit ng kanilang services marami ang mga baguhan na maging curious dyan so nice move ito ng gcash para mapalawak pa yung awareness ng mga users nila.
Kadalasan sa mga free seminars ay napakalimited lang na mga informations ang kanilang binibigay, minsan hindi nila ginagalingan at parang walang saysay yung mga binibigay nilang impormasyon. Kaya yung mga inpormasyon na kinakailangan natin kadalasan nakukuha talaga sa paid seminars kaya sumasali ako sa mga ganyan. Pero sabi ni Crwth na marunong talaga sila kaya worth it talaga pumunta dyan, bihira lang kasi yung ganyan.

         -     Well, kahit mga paid seminars pa yan madami prin sa mga attendees ang hindi naman nila nagets din yung mg narinig nila sa session o seminar. Minsan pa nga may mga ibang attendees din na parang nagsisisi pa sila kung bakit sila umattend sa paid seminars na ang discussion ay about sa crypto.

Dahil nga hindi nameet yung expectation nila na maririnig sa session dahil madalas more on hype and motivational ang ginagawa ng ibang mga speakers para magmukha silang mas may alam sa mga dumalo, kaya para sa akin talaga hindi ako bilib sa tatlong guess nila dyan, mas bilib pa ako sa mga ibang elders na dito sa forum kesa sa kanila kung malalim na understanding sa bitcoin o crypto ang pagbabatayan ko.

Kaya gusyo ko lang din linawin na hindi ko ito sinasabi para siraain sila kundi nagsasabi lang ako ng totoo, subukan nio panuorin yung mga content n ginagawa nila, dun nio sabihin sa akin na malawak kaalaman nila sa bitcoin o crypto, at kung bakit nila ginagawa na gumawa ng content about sa crypto, makikita ninyo yung intensyon at motibo nila.