Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: Baofeng on August 10, 2024, 04:16:05 AM
-
Na simula nung mga raid sa POGO ay parang nabawasan ang mga spam/scam text message?
Napansin ko lang to na halos talagang wala ng dumating na ganitong mga text message sa kin, hindi katulad dati na talagang sa isang araw eh ang dami mong matatanggap na text.
So ibig sabihin talaga tong mga POGO na to eh may illegal na ginagawa sa dami ng cellphone na nakuha sa kanila.
-
Oo nga kabayan, napansin ko nga din yan. Wala ng nagtetext sa akin na spam at yang mga POGO na yan hindi talaga POGO kundi scam hub na ang target ay tayong mga pinoy at baka pati mga taga ibang bansa ay target din nila. Mabuti nga nawala na yang mga yan pero kung ako sa gobyerno, may mga lehitimo naman talaga tapos yun lang ang aprubahan nila dahil may kaukulang mga permits at dapat may random inspection sila para makita kung pogo operations ba talaga sila o baka patuloy lang na scam hub.
-
Halos sakto sa iniisip ko ., noon halo 2-4 text spams ang na rereceive ko daily pero now? as in zero na for the whole week kung meron man eh halos suntok sa buwan na.
malamang yan ang problema dahil hindi alang sa Bamban kundi lahat ng Pogo sa pinas eh part ng scam and hacking .

At makalipas ang isang buwan, wala na talagang dumadating sakin na text, hehehe. Kaya siguro tama rin ang hinala na tin na talagang yung POGO na to ang source na mga text na phishing or scam or invite ka sa gambling platform nila kuno.
Ngayon ang napapansin ko eh may lumalaganap naman sa Facebook ads about kay Manny Pacquiao na meron daw syan online games. So ingat ingat lang at baka ma biktima tayo nitong mga scammers na to.

Mukhang tama nga ang conclusion ng bawat isa na galing lahat sa POGO at ngayon wala na din akong narereceive na mga scam text messages at may time pa nga na tinawagan ako pero halatang scam job application ang tinawag sakin.
Ngayon ang napapansin ko eh may lumalaganap naman sa Facebook ads about kay Manny Pacquiao na meron daw syan online games. So ingat ingat lang at baka ma biktima tayo nitong mga scammers na to.
Nako, suki talaga si Pacquiao sa mga ganyang scam kasi mabait at malapit sa puso ng maraming tao lalo na ng mga matatanda at may mga ibang politiko at celebrities din ang nagagamit sa ganiyan.
-
...
So ibig sabihin talaga tong mga POGO na to eh may illegal na ginagawa sa dami ng cellphone na nakuha sa kanila.
Yep, 2 weeks ng ma ban sila, ay halos wala ng spam text e.g. casino relate text ang na re-receive ko although bihira lang talaga ako maka receive niyan pero unlike before halos wala na, even this date parang wala na.
About sa ph numbers, may mga database sila niyan, malamang na saved as back up na nila ito, then will use it for another opportunity or na ibenta na nila as leads sa ibang company :-X
-
About sa ph numbers, may mga database sila niyan, malamang na saved as back up na nila ito, then will use it for another opportunity or na ibenta na nila as leads sa ibang company :-X
Ganito nga nangyayari sa mga database o mga numbers na nakarecord. Naalala ko sa past work ko matagal na tagal na, parang kapag election may lumalapit sa boss ko para sa mga numbers ng contact center na pinagwoworkan ko. At yung boss ko naman may connection na tao sa mga telcos na may mga database ng active numbers ng mga customers nila. Parang normal lang na kalakaran yung ganito sa kanila.
-
Na simula nung mga raid sa POGO ay parang nabawasan ang mga spam/scam text message?
Napansin ko lang to na halos talagang wala ng dumating na ganitong mga text message sa kin, hindi katulad dati na talagang sa isang araw eh ang dami mong matatanggap na text.
So ibig sabihin talaga tong mga POGO na to eh may illegal na ginagawa sa dami ng cellphone na nakuha sa kanila.
Palagay ko sila yong may gawa sa mga scam messages na matatanggap natin kasi pansin ko rin na wala na rin akong masyadong text na natatanggap para kumbinsihin ako na sumali or pumusta sa kanilang website, illegal POGO pala yon ngayon ko lang na-connect ang mga pangyayari hehe.