Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Zed0X on September 16, 2024, 11:35:08 PM

Title: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Zed0X on September 16, 2024, 11:35:08 PM
Title copied directly from this article (https://bitpinas.com/business/chainalysis-ph-drops/)
Quote

Key details:

- 2022: The Philippines ranked 2nd in the Chainalysis Global Crypto Adoption Index, driven by the popularity of platforms like Axie Infinity, DeFi usage, and strong engagement in crypto trading.
- 2023: The country dropped to 6th, influenced by the global bear market, FTX’s collapse, and a reduction in crypto value received (from $8 billion in 2022 to under $5 billion in mid-2023).
- 2024: The Philippines now ranks 8th, reflecting strong participation in centralized services and retail crypto usage. DeFi remains an essential part of the ecosystem, though other emerging markets have gained more momentum.

As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin. Kahit hindi basahin yung article or yung report, obvious naman na malaking dahilan yung pagiging matumal ng P2E games (lalo na Axie) kaya bumaba lalo mga crypto activities sa Pinas. Wala na yung mga pa-good morning manager ;D
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 17, 2024, 02:51:21 AM
Tingin ko isang factor din yung tungkol sa binance at sec na binan sila kaya bumaba ang ranking. Pero para sa karamihan ba dito sa atin, mahalaga ba itong mga rankings na ito? Kasi para sa akin hindi naman at parang wala lang yan kung tutuusin basta hindi mahigpit at gobyerno natin as a whole.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PrivateKayla on September 17, 2024, 03:25:57 AM

Parang proof na hindi ganun ka-seryoso sa crypto yung mga nag Axie. Di rin naman natin masisisi dahil kailangang kumita.

Tingin ko isang factor din yung tungkol sa binance at sec na binan sila kaya bumaba ang ranking. Pero para sa karamihan ba dito sa atin, mahalaga ba itong mga rankings na ito? Kasi para sa akin hindi naman at parang wala lang yan kung tutuusin basta hindi mahigpit at gobyerno natin as a whole.

Malaking bagay din ang pag-ban sa Binance. Para sa akin, ang rankings ay nagbibigay sa atin ng idea kung ano ang outlook ng bansa natin as a whole tungkol sa crypto. Nakakalungkot na bumaba tayo. Ibig sabihin medyo malayo pa ang full acceptance, na expected naman din. Marami pa ang nags-struggle hanggang ngayon sa digital fiat payments at malamang mas mahihirapan sila sa crypto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 17, 2024, 05:18:42 AM

Huwag natin asahan ang full acceptance kung wala pa talagang malinaw na batas ang gobyerno natin. Sa dami kasing problema na dapat laanan ng oras, mahirap isingit yan dahil may mga priorities ang mga mambabatas. Pero isang batas lang na papabor sa mga crypto exchanges at users, siguradong aangat yang mga ratings na yan kapag tungkol sa adoption rate sa bansa natin. Pero overall, goods pa rin naman ang kalagayan ng crypto sa bansa natin.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bettercrypto on September 17, 2024, 09:06:44 AM
Title copied directly from this article (https://bitpinas.com/business/chainalysis-ph-drops/)
Quote

Key details:

- 2022: The Philippines ranked 2nd in the Chainalysis Global Crypto Adoption Index, driven by the popularity of platforms like Axie Infinity, DeFi usage, and strong engagement in crypto trading.
- 2023: The country dropped to 6th, influenced by the global bear market, FTX’s collapse, and a reduction in crypto value received (from $8 billion in 2022 to under $5 billion in mid-2023).
- 2024: The Philippines now ranks 8th, reflecting strong participation in centralized services and retail crypto usage. DeFi remains an essential part of the ecosystem, though other emerging markets have gained more momentum.

As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin. Kahit hindi basahin yung article or yung report, obvious naman na malaking dahilan yung pagiging matumal ng P2E games (lalo na Axie) kaya bumaba lalo mga crypto activities sa Pinas. Wala na yung mga pa-good morning manager ;D

Ako ang nakikita ko dyan yung pangunahing reason bakit nagkaganyan ay marahil yung laging binabalita na scam o ginagamit sa pang-iiscam ang cryptocurrency sa mga nabibiktima na ating mga kababayan, at pangalawa dyan ay yung pagban sa binance dahil malaking factor naman kasi talaga ang naging effect nito sa mga crypto enthusiast natin dito sa bansa.

Then yung pangatlong reason ay yung mga axie community ay talagang nawala bigla sa field na ito ng cryptos space at nagsibalikan lang nung pumutok ang mga tap mining games sa telegram na mga pa airdrops.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bisdak40 on September 17, 2024, 10:41:33 AM
As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin. Kahit hindi basahin yung article or yung report, obvious naman na malaking dahilan yung pagiging matumal ng P2E games (lalo na Axie) kaya bumaba lalo mga crypto activities sa Pinas. Wala na yung mga pa-good morning manager ;D

Oo nga, yong Axie lang talaga yong nagpasikat ng iilang crypto sa bansa natin at pagkatapos ng Axie ay wala na, matumal na pero baka dadagsa na rin yong mga tao na tatangkilik sa crypto lalo't ngayon ay maraming nagsusulputan na mining airdrop kagaya ng Hamster at Tomarket.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on September 17, 2024, 02:13:53 PM
Sa ngayon hindi talaga maipagkakaila na unti-unting bumabalik yung mga dating community sa axie way back 2019 na kasagsagan ng mga play to earn games. Na sa mga pagkakataon na ito ay nagrise-up naman ang tap mining games sa mga telegrams dahil sa tagumpay na nakamit ng Notcoin. Na sa sobrang daming naglabasan after ng Notcoin success ay sinundan ito ng DOGS, then after a weeks ay sumunod naman ang CATS at itong lately lang ay CATI naman na parang katulad naman ng Pixel airdrops na madaming nadismaya.

Kaya naman I am pretty sure din na magpapatuloy pa ang ingay ng tap games na ito na nagpapa-airdrops sa telegram at malamang magtatagal pa ito hanggang sa kapanahunan ng bull run, at habang bull run ay sumabasabay itong tap mining games sa trend ay maaring isa ito sa mga pwedeng maging dahilan na umangat ulit yung ranking adoption ng crypto sa ating bansa.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: 0t3p0t on September 17, 2024, 04:14:37 PM
As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin. Kahit hindi basahin yung article or yung report, obvious naman na malaking dahilan yung pagiging matumal ng P2E games (lalo na Axie) kaya bumaba lalo mga crypto activities sa Pinas. Wala na yung mga pa-good morning manager ;D

Oo nga, yong Axie lang talaga yong nagpasikat ng iilang crypto sa bansa natin at pagkatapos ng Axie ay wala na, matumal na pero baka dadagsa na rin yong mga tao na tatangkilik sa crypto lalo't ngayon ay maraming nagsusulputan na mining airdrop kagaya ng Hamster at Tomarket.
Mga NFT games talaga nagdala nung biglang akyat rankings natin sa crypto kabayan dahil nationwide yung kalampag noon at nung nadismaya at naluge yung ibang financer at mga players lumipat s aibang NFT games na di naman masyado gumawa ng records like Axie tapos mas lumala pa nung nagkaroon ng isyu ang Binance at ibang mga unregistered exchanges dito sa ating bansa dahil pinuntirya sila nang SEC which is masakit din para sa mga nakasanayan nang gamitin ang exchange na yan for airdrops at listings.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 17, 2024, 06:22:53 PM

Agree din ako na ang Axie talaga ang mas nakapag-ingganyo ng mga tao na pumasok sa crypto kasi sa aming lugar ako lang ang may kaalaman sa crypto tapos dumating ang panahon na biglang naging maingay sa aming kapitbahay yung about sa Axie na isa daw to laro tapos cryptocurrency daw yung ibibigay na maiicoconvert sa peso. Nung time na yun, wala akong alam sa laro na sinasabi nila, at dun ko lang talaga nalaman ang about sa Axie pero late na ako, nasa top na yung presyo ng Axie. Siguro ngayon masasabi ko yung tap mining apps na naman sa telegram.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Zed0X on September 17, 2024, 11:06:17 PM
Tingin ko isang factor din yung tungkol sa binance at sec na binan sila kaya bumaba ang ranking.
Ito din yung tinignan kong dahilan maliban sa P2E games pero doubtful ako na tumigil ang mga tao sa trading dahil sa pag-ban ng Binance. Marami naman naging alternative ng mga dating users nila. Yung sa mga NFT games talaga ay marami nadismaya at malamang natigil lalo na nung napasok nila mga exit scam games.

Pero para sa karamihan ba dito sa atin, mahalaga ba itong mga rankings na ito? Kasi para sa akin hindi naman at parang wala lang yan kung tutuusin basta hindi mahigpit at gobyerno natin as a whole.
Hindi importante sa mga trading lang ang habol pero tingin ko ginagamit ito ng mga business owners (lalo na mga cex), regulators, at malay natin pati mga policy makers.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: TomPluz on September 18, 2024, 05:36:47 AM

Sa totoo lang wala ako pakialam sa ranking na yan kasi wala naman yan epekto sa aking ginagawa sa crypto ngayon...ang pinakamahalaga ay di pa nakikialam masyado ang ating gobyerno except yung nangyari sa Binance. Di naman ata bibigyan ng medal ang top 3 dyan...tulad ng sa Olympics at tulad ng kay Carlos Yulo. Sa ngayon, di pa tayo nagbabayad ng tax sa ating mga trading activities at di pa talaga naghahabol ang BIR sa mga kumikita sa crypto ng malaki na wala namang filed na income tax returns hehehe. Ang importante eh buhay ang cryptocurrency sa Pilipinas at sana di maisipan ni BBM at ng kanyang mga "red minions" na maging "death bringer" sa ating umuusbong na industriya.

Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 18, 2024, 09:14:06 AM
Tingin ko isang factor din yung tungkol sa binance at sec na binan sila kaya bumaba ang ranking.
Ito din yung tinignan kong dahilan maliban sa P2E games pero doubtful ako na tumigil ang mga tao sa trading dahil sa pag-ban ng Binance. Marami naman naging alternative ng mga dating users nila. Yung sa mga NFT games talaga ay marami nadismaya at malamang natigil lalo na nung napasok nila mga exit scam games.
Pero kung pagiging unwelcoming ng SEC natin sa bansa baka nakabawas ng index kung anoman ang basehan nila para tumaas ang ranking sa crypto adoption ng isang bansa.

Pero para sa karamihan ba dito sa atin, mahalaga ba itong mga rankings na ito? Kasi para sa akin hindi naman at parang wala lang yan kung tutuusin basta hindi mahigpit at gobyerno natin as a whole.
Hindi importante sa mga trading lang ang habol pero tingin ko ginagamit ito ng mga business owners (lalo na mga cex), regulators, at malay natin pati mga policy makers.
Kasi ang iniisip ko basta hindi naman totally ban ang crypto, kahit maliit lang ang movement sa bansa natin, ok lang naman. Magkakaroon palang ng parang full rules sa crypto pero hindi ko din masabi na kung tututukan ba talaga yan ng policy makers natin.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: 0t3p0t on September 18, 2024, 01:05:55 PM

Sa totoo lang wala ako pakialam sa ranking na yan kasi wala naman yan epekto sa aking ginagawa sa crypto ngayon...ang pinakamahalaga ay di pa nakikialam masyado ang ating gobyerno except yung nangyari sa Binance. Di naman ata bibigyan ng medal ang top 3 dyan...tulad ng sa Olympics at tulad ng kay Carlos Yulo. Sa ngayon, di pa tayo nagbabayad ng tax sa ating mga trading activities at di pa talaga naghahabol ang BIR sa mga kumikita sa crypto ng malaki na wala namang filed na income tax returns hehehe. Ang importante eh buhay ang cryptocurrency sa Pilipinas at sana di maisipan ni BBM at ng kanyang mga "red minions" na maging "death bringer" sa ating umuusbong na industriya.
Yeah naiiisp ko din tong sitwasyon na ito kabayan about sa income tax return na yan which was narinig ko na dati sa mga vloggers but not yet included ang crypto correct me if I'm wrong. Ang importante lang naman sa atin ay hindi maging restricted ang crypto na nagbibigay income sa ating mga crypto enthusiasts dito sa Pilipinas. Di ko rin pansin yang ranking na yan kahit dati pa noong kasagsagan ng mga NFT's yung surge lang ng mga naglalaro ang napapansin ko.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on September 18, 2024, 04:38:03 PM

Sa totoo lang wala ako pakialam sa ranking na yan kasi wala naman yan epekto sa aking ginagawa sa crypto ngayon...ang pinakamahalaga ay di pa nakikialam masyado ang ating gobyerno except yung nangyari sa Binance. Di naman ata bibigyan ng medal ang top 3 dyan...tulad ng sa Olympics at tulad ng kay Carlos Yulo. Sa ngayon, di pa tayo nagbabayad ng tax sa ating mga trading activities at di pa talaga naghahabol ang BIR sa mga kumikita sa crypto ng malaki na wala namang filed na income tax returns hehehe. Ang importante eh buhay ang cryptocurrency sa Pilipinas at sana di maisipan ni BBM at ng kanyang mga "red minions" na maging "death bringer" sa ating umuusbong na industriya.

Oo nga naman, wala nga naman matatanggap na medal yang mga yan hahaha... anyway, ienjoy nalang natin yung mga Pagkakataon ngayon na kumikita tayo ng crypto na wala pang binabawas na tax sa atin ang gobyerno natin, medyo matagal-tagal narin tayong nakikinabang sa crypto na walang tax sa totoo lang.

At tama ka rin na buhay na buhay nga ang cryptocurrency sa bansa natin kahit sa kabila ng lahat na panay ang balita sa mainstream media na mga crypto scam sa mga nabibiktima ng mga scammers.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: target on September 18, 2024, 05:37:19 PM

Eto yung indicator hinihintay ng bulls. Kapag uninterested na ang mga tao na mag invest sa crypto saka naman magsi-bilihan yung mga bulls para sa preparasyon sa bull season.

Parang nangyayari naman ata ito every bear market dahil ang mga investors nagsisi alisan rin naman sa crypto kapag wala gaanung activity at purong red ang market.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: robelneo on September 18, 2024, 06:22:37 PM

Huwag natin asahan ang full acceptance kung wala pa talagang malinaw na batas ang gobyerno natin. Sa dami kasing problema na dapat laanan ng oras, mahirap isingit yan dahil may mga priorities ang mga mambabatas. Pero isang batas lang na papabor sa mga crypto exchanges at users, siguradong aangat yang mga ratings na yan kapag tungkol sa adoption rate sa bansa natin. Pero overall, goods pa rin naman ang kalagayan ng crypto sa bansa natin.

Sang ayon ako dyan bro wala tayong pulitiko na tutok sa paggawa sa Cryptocurrency adoption dito sa ating bansa, nagkakagulo lahat sa pulitika at ang hirap makakuha ng mga ihahalal na marunong sa Cryptocurrency.

Pero on good note hindi naman sobrang strict ang bansa natin pagdating sa Crypto kaya lang hindi dapat bumaba ang adoption gayung ang buong mundo ay mabilis ang adoption sa Cryptocurrency.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 18, 2024, 08:10:44 PM

Kaya nga para sa akin, mas okay na yung ganitong estado ng crypto sa bansa natin. Kasi hindi naman banned, at hindi din classified as ilegal. At kung magkaroon ng batas, baka onti onti na tayong madismaya kasi baka pati ito patawan na din ng malaking tax katulad sa Indian, 30% ata ng crypto profits ng isang mamamayan doon ay mapupunta lang sa tax. May mga sides na papabor tayo pero yung ganitong neutral lang, mapa mataas man ang rankings o hindi, okay naman na.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: electronicash on September 18, 2024, 08:32:37 PM

wala rin namang kakayahan ang goberno ng Pilipinas na mangolekta ng tax unless i ban nila lahat at pdax at coinsph lang talaga ang paraan baka makita pa nila lahat ng traders at magkano kinita nito. binance nila yung banned. pero baka hindi magtagal baka itotally ban nila binance. at walang no choice ka kundi sa coins.ph na kayang kayang takotin ng administrasyon.

totoo rin talagang nung panahon ng axie saka naman nag todo ang adoption sa atin. mga gamers lang ata magpapalaganap ng crypto adoption sa atin.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 18, 2024, 09:34:02 PM

Malaki naging influence ng mga gamers at streamers kaso nga lang ang masasabi ko doon, nakatutok lang ang mga naimpluwensiyahan nila sa salitang "profit" pero yung risk, hindi nila masyadong naemphasize kaya ang ending ay madaming baguhan ang nagkaroon ng losses. Kahit mga matagal na din sa scene ay mas losses dahil sumali sa bandwagon ng mga NFT games katulad ko haha guilty ako diyan. Pero sa totoo lang, yung sa point ng mga local exchanges, madaling madaling imanipula yan ng gobyerno natin at para doon lang lahat ng point of contact lahat ng mga naghohold ng crypto sa atin para iwithdraw thru fiat at irequest nila yung mga records ng mga users para sa tax compliance katulad ng nangyayari sa ibang bansa, US - coinbase, etc.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: electronicash on September 18, 2024, 10:36:24 PM

hindi pa sigurong gagawin ng goberno sa ngayon yan dahil gusto pa nilang maging kampante ang mga coiners dahil sa luwag ng batas. saka na nila gawin yan kapag meron nang magtulak ng batas sa senado at may dahilan haalimbawang palabaasin nilang si Alice Gou ay gumamit ng BTC para maglaunder ng POGO money. sa ganitong issue baka titingnan talaga ng goberno ang tax law ng crypto at maghihigpit na sila.

ang nakaguilty sa akin is that ako ang nagconvince sa bayaw ko na mag-axie kaya napagastus ng 70k para sa team niya. sa tingin ko naman ay nakabawi sya ng konti before pa man bumagsak lahat.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on September 18, 2024, 11:00:04 PM

Eto yung indicator hinihintay ng bulls. Kapag uninterested na ang mga tao na mag invest sa crypto saka naman magsi-bilihan yung mga bulls para sa preparasyon sa bull season.

Parang nangyayari naman ata ito every bear market dahil ang mga investors nagsisi alisan rin naman sa crypto kapag wala gaanung activity at purong red ang market.

       -       Kaya nga tinatawag na unpredictable ang value ng isang coins dahil nga sa pagiging volatile nito, kaya hindi talaga maiwasan na lahat ng crypto ay very risky at nasa atin nalang talaga kung okay lang ba na magtake tayo ng risk sa isang crypto assets.

Kaya nga dalwang uri lang ang risk na nakikita qu eh, ito ay ang magrisk ka na may involve na pera o magtake ka ng risk na walang involve na pera pero yung effort and time naman ang isusugal natin kung masasayang ba o hindi.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 19, 2024, 08:00:13 AM
Malaki naging influence ng mga gamers at streamers kaso nga lang ang masasabi ko doon, nakatutok lang ang mga naimpluwensiyahan nila sa salitang "profit" pero yung risk, hindi nila masyadong naemphasize kaya ang ending ay madaming baguhan ang nagkaroon ng losses. Kahit mga matagal na din sa scene ay mas losses dahil sumali sa bandwagon ng mga NFT games katulad ko haha guilty ako diyan. Pero sa totoo lang, yung sa point ng mga local exchanges, madaling madaling imanipula yan ng gobyerno natin at para doon lang lahat ng point of contact lahat ng mga naghohold ng crypto sa atin para iwithdraw thru fiat at irequest nila yung mga records ng mga users para sa tax compliance katulad ng nangyayari sa ibang bansa, US - coinbase, etc.

hindi pa sigurong gagawin ng goberno sa ngayon yan dahil gusto pa nilang maging kampante ang mga coiners dahil sa luwag ng batas. saka na nila gawin yan kapag meron nang magtulak ng batas sa senado at may dahilan haalimbawang palabaasin nilang si Alice Gou ay gumamit ng BTC para maglaunder ng POGO money. sa ganitong issue baka titingnan talaga ng goberno ang tax law ng crypto at maghihigpit na sila.
Posible talaga yan dahil laging nababalita na ginagamit ang crypto sa mga text scams at sa mga pogo kaya posibleng magkaideya na sila tungkol diyan. At ang dapat lang nila gawin ay pag aralan muna o di kaya magtawag ng isang expert sa industry tulad ni Wei o kaya ni Nichel ng PDAX para sa totoong inquiry patungkol sa gagawin nilang batas. Mas magiging pabor ito sa mga local exchanges pero medyo matagal tagal pa siguro yan.

ang nakaguilty sa akin is that ako ang nagconvince sa bayaw ko na mag-axie kaya napagastus ng 70k para sa team niya. sa tingin ko naman ay nakabawi sya ng konti before pa man bumagsak lahat.
Kung nakabawi siya walang problema. Madaming mga nauna na natalo pa rin kahit very optimistic, ako din olats diyan kahit na may experience sa crypto pero dahil bago sa NFT gaming, nadale pero lesson learned naman na.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on September 20, 2024, 09:10:57 AM

Hindi talaga nila iemphasize yung risk dahil for sure kapag ginawa nila yun ay wala silang market profit na makukuha sa kanilang mga viewers, saka yung pagsasagawa nila ng live streaming ay isa talaga yan sa kanilang marketing platform kung saan sila nakakakuha ng profit.

At hindi naman sila makakakuha ng mga advitisers kung wala silang malaking bilang ng mga followers, in short yung kanilang profit ay nakasang-ayon sa bilang o dami ng kanilang mga followers din talaga.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 21, 2024, 01:59:09 AM
As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin.
Relation sa adoption, I don't think na "bumagal" sa atin, it's just that na bumilis ang adoption ng ibang bansa for X reasons that's why PH ranking goes down at tumaas ang ibang bansa. Pero yes, p2e have huge effect pero dati pa ito wayback 2021 pa. Sa pag hype ng mga potential earner airdrops ay parang maraming bumalik na users. The stats maybe consider the close and banned exchanges kaya na-consider na kaunti nalang users dito, which is not the case.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 21, 2024, 08:34:22 AM
Posible talaga yan dahil laging nababalita na ginagamit ang crypto sa mga text scams at sa mga pogo kaya posibleng magkaideya na sila tungkol diyan. At ang dapat lang nila gawin ay pag aralan muna o di kaya magtawag ng isang expert sa industry tulad ni Wei o kaya ni Nichel ng PDAX para sa totoong inquiry patungkol sa gagawin nilang batas. Mas magiging pabor ito sa mga local exchanges pero medyo matagal tagal pa siguro yan.

Hindi talaga nila iemphasize yung risk dahil for sure kapag ginawa nila yun ay wala silang market profit na makukuha sa kanilang mga viewers, saka yung pagsasagawa nila ng live streaming ay isa talaga yan sa kanilang marketing platform kung saan sila nakakakuha ng profit.

At hindi naman sila makakakuha ng mga advitisers kung wala silang malaking bilang ng mga followers, in short yung kanilang profit ay nakasang-ayon sa bilang o dami ng kanilang mga followers din talaga.
Yun ang mahirap, transparency ang kulang sa kanila dahil profit ang focus nila. Hindi naman natin din sila masisi dahil kahit papano gumagawa sila ng paraan para magkaroon ng contribution sa market sa ganyang paraan. Pero kapag naanalyze natin ay parang hindi masyadong impactful yung ganun, mahirap din naman maging critico nalang kaya kung may ambag naman kaso may agenda silang nasusunod, mas okay na siguro yun.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Baofeng on September 21, 2024, 10:04:27 AM
As stated sa report, mas tumaas daw ang adoption ng crypto on the global scale pero mas bumagal dito sa atin.
Relation sa adoption, I don't think na "bumagal" sa atin, it's just that na bumilis ang adoption ng ibang bansa for X reasons that's why PH ranking goes down at tumaas ang ibang bansa. Pero yes, p2e have huge effect pero dati pa ito wayback 2021 pa. Sa pag hype ng mga potential earner airdrops ay parang maraming bumalik na users. The stats maybe consider the close and banned exchanges kaya na-consider na kaunti nalang users dito, which is not the case.

Palagay ko ganito nga rin ang nangyari kaya parang sa data eh bumagal tayo on the other hand sa ibang bansa eh humahabol na sila. In any case, I think malaki parin ang adoption ng crypto dito sa tin sa pinas.

At kung may masasalubong ka eh tiyak may alam tungkol sa crypto, so hindi tayo bumababa, on the contrary baka kako saturated na rin mismo ang market natin dahil nga ilang taon na ang adoption natin.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on September 21, 2024, 12:33:25 PM

Huwag natin asahan ang full acceptance kung wala pa talagang malinaw na batas ang gobyerno natin. Sa dami kasing problema na dapat laanan ng oras, mahirap isingit yan dahil may mga priorities ang mga mambabatas. Pero isang batas lang na papabor sa mga crypto exchanges at users, siguradong aangat yang mga ratings na yan kapag tungkol sa adoption rate sa bansa natin. Pero overall, goods pa rin naman ang kalagayan ng crypto sa bansa natin.

Sang ayon ako dyan bro wala tayong pulitiko na tutok sa paggawa sa Cryptocurrency adoption dito sa ating bansa, nagkakagulo lahat sa pulitika at ang hirap makakuha ng mga ihahalal na marunong sa Cryptocurrency.

Pero on good note hindi naman sobrang strict ang bansa natin pagdating sa Crypto kaya lang hindi dapat bumaba ang adoption gayung ang buong mundo ay mabilis ang adoption sa Cryptocurrency.
Kaya nga para sa akin, mas okay na yung ganitong estado ng crypto sa bansa natin. Kasi hindi naman banned, at hindi din classified as ilegal. At kung magkaroon ng batas, baka onti onti na tayong madismaya kasi baka pati ito patawan na din ng malaking tax katulad sa Indian, 30% ata ng crypto profits ng isang mamamayan doon ay mapupunta lang sa tax. May mga sides na papabor tayo pero yung ganitong neutral lang, mapa mataas man ang rankings o hindi, okay naman na.

       -     Alam mo sa sinabi mo na ito mate mas gugugustuhin na nga na ganito ang sitwasyon ng crypto sa bansa natin na hindi man ganun napagtutuunan ng pansin ng mga opisyales ng gobyerno natin ay maluwag naman ang crypto business dito sa bansa natin, at nakakapagtransact naman tayo ng maayos sa isang dekada narin ang lumilipas.

Kesa nga naman na bigyan pansin nga ng gobyerno natin tapos kapag merong mga mambabatas o may mataas na opisyal ng gobyerno natin ang sumilip in the end tayo namang mga crypto enthusiast ang mapag-initan sa mga kinikita natin sa crypto assets na ating hinahawakan.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 21, 2024, 01:16:05 PM

Kaya nga kabayan. Kapag napagtuunan ng pansin yan, mas malaking taxation ang puwedeng mangyari. Sa ngayon naman, okay ang adoption, hindi sobrang higpit, hindi din naman sobrang luwag dahil sa mga exchanges palaging nagtatanong ng tungkol sa kyc kapag medyo unsure sila kung saan galing ang funds ng user. Kaya sana nga mas tumagal na ganito at tamang suporta lang ang BSP at gobyerno sa crypto adoption na nangyayari sa bansa.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 21, 2024, 05:09:11 PM

Kung gagawin nila yan siguradong marami ang titigil sa pagkicrypto lalo na yung mga baguhan. Hindi naman kasi madali kumita ng pera sa crypto eh kahit nga tayong matagal na dito nahihirapan pa rin kumita ng malaki, at tsaka mas marami ang nalulugi kaysa mga nagiging mayaman dito. Hindi makakatulong sa adoption ng cryptocurrency sa Bansa natin kung may malaking taxation. Tama na siguro yung mga CEX yung kukunan nila ng tax hindi yung individual para magiging maayos yung crypto adoption sa bansa natin. Pero sa tingin ko sa ngayon, hindi pa siguro nila yan pakikialaman.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 21, 2024, 05:28:12 PM
Kesa nga naman na bigyan pansin nga ng gobyerno natin tapos kapag merong mga mambabatas o may mataas na opisyal ng gobyerno natin ang sumilip in the end tayo namang mga crypto enthusiast ang mapag-initan sa mga kinikita natin sa crypto assets na ating hinahawakan.
Possible sa add-on taxations sila mag fo-focus pag malaman nilang merong mga bansa or say US ang mag implement ng ganyan, alam mo na, copy-copy lang. Which is obviously babalik sa ting mga users ang mga kagustuhan nating gumawa ng hakbang ang gobyerno natin sa crypto. If ako tatanungin, mas mabuting ganitong setup nalang since free naman tayong nakakapag transact sa ibang platforms, unlike sa mga local exchanges na ang tataas ng rates, worst CS, malaki withrawal rates, etc.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 21, 2024, 06:00:22 PM

Agree ako dyan. Pero if ever na mangyayari yan in the future I think mahihirapan sila na maimplement yan lalo na't napakaraming paraan para makapag-withdraw ng crypto into peso. Sa tingin ko kailangan talaga nila yang pag-aralan bago nila ito i-implement. Noon pa man, gumagana na yung P2P na walang intermediary dito sa atin at sa tingin ko babalik tayo dyan if ever hindi natin makayanan yung laki ng fee. Thankful pa tayo ngayon kasi pwede tayo makapagwithdraw kahit walang fee.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 21, 2024, 06:10:28 PM
Pero if ever na mangyayari yan in the future I think mahihirapan sila na maimplement yan lalo na't napakaraming paraan para makapag-withdraw ng crypto into peso. Sa tingin ko kailangan talaga nila yang pag-aralan bago nila ito i-implement.
If gusto nila ang ganyang setup, mag strikto sila, technologically. Banned all unregulated exchanges, no VPNs allowed accessing the internet (with coordination ng lahat ng PH ISP), TIN ID/number is required upon exchanges registration sa new users and required it sa mga old users, automated tax calculations sa platforms either by trading (buy/sell order,) and withdrawals or even sa deposits din lol. Upon implementing this, syempre digitally accessible na ang BIR forms, info, payments, calculating taxes through programs na connected sa BIR database para di na need pumunta pa sa BIR office for whatever reasons.
Pero syempre we live in the Philippines, hindi mangyayai yan, siguro mga 20 years ahead pa lol.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 21, 2024, 06:19:47 PM

Indeed. I think marami pang iba ang hindi mo pa namention kabayan, isali na rin natin yung mga merchants at banks na tumatanggap ng Crypto. Pero gaya ng sabi, napakaimpossible na magawa nila yan lahat sa madaling panahon lalo na ngayon napakadaming problema ang Bansa natin. Maliliit na cases nga napapatagal, lalo na yung malalaki. Mga proyekto sa gobiyerno ang tagal matapos minsan nagkakaroon ng delay, lalo na kung sa crypto, hindi magiging madali ito.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 22, 2024, 11:31:38 PM
Kaya nga kabayan. Kapag napagtuunan ng pansin yan, mas malaking taxation ang puwedeng mangyari. Sa ngayon naman, okay ang adoption, hindi sobrang higpit, hindi din naman sobrang luwag dahil sa mga exchanges palaging nagtatanong ng tungkol sa kyc kapag medyo unsure sila kung saan galing ang funds ng user. Kaya sana nga mas tumagal na ganito at tamang suporta lang ang BSP at gobyerno sa crypto adoption na nangyayari sa bansa.
Kung gagawin nila yan siguradong marami ang titigil sa pagkicrypto lalo na yung mga baguhan. Hindi naman kasi madali kumita ng pera sa crypto eh kahit nga tayong matagal na dito nahihirapan pa rin kumita ng malaki, at tsaka mas marami ang nalulugi kaysa mga nagiging mayaman dito. Hindi makakatulong sa adoption ng cryptocurrency sa Bansa natin kung may malaking taxation. Tama na siguro yung mga CEX yung kukunan nila ng tax hindi yung individual para magiging maayos yung crypto adoption sa bansa natin. Pero sa tingin ko sa ngayon, hindi pa siguro nila yan pakikialaman.
Totoo yang mas madaming nalulugi kumpara sa mga kumikita. Sa mga kumikita nga parang chamba pa sa iba yan lalong lalo kung galing sa airdrops at trading. Madaming magaling magtrade pero hindi naman laging panalo diyan at mas madalas pa ang tao. Kung mag implement sila ng malaking taxation, wala tayong magagawa at baka yung iba sa atin dito na set for life na ay baka tumigil nalang din tapos ihold nalang din hanggang sa retirement na nila.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Zed0X on September 22, 2024, 11:38:38 PM
~ Sa ngayon, di pa tayo nagbabayad ng tax sa ating mga trading activities at di pa talaga naghahabol ang BIR sa mga kumikita sa crypto ng malaki na wala namang filed na income tax returns hehehe.
Hindi ba may mga statements o paalala na nilabas ang BIR nung kasagsagan ng Axie na kailangan magpa-register lalo na yung mga managers? Naalala ko may mga posts dati na kumuha sila ng mga permits. Napaginitan bigla dahil and dami mga pa-hype sa social media at pinapakita yung mga profit daw nila (paldo!). It shows na pwede maghabol ang Gobyerno pero pinipili lang yung mga malalaki ang kinikita.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 23, 2024, 01:50:11 AM
Hindi ba may mga statements o paalala na nilabas ang BIR nung kasagsagan ng Axie na kailangan magpa-register lalo na yung mga managers?..
Kahit nga yung time na may revelation sa profit ng mga socmed influencers nag announce din ang BIR diyan. Pero nasa tao pa rin if ide-declare nila profits nila. Hahaha. So wala pa ring magagawa BIR diyan, kahit sabihin na tax evasion yan. Sa malalaking corp. sila magfocus for tax evasion related case, for sure marami yan.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: target on September 23, 2024, 06:16:51 AM
Hindi ba may mga statements o paalala na nilabas ang BIR nung kasagsagan ng Axie na kailangan magpa-register lalo na yung mga managers?..
Kahit nga yung time na may revelation sa profit ng mga socmed influencers nag announce din ang BIR diyan. Pero nasa tao pa rin if ide-declare nila profits nila. Hahaha. So wala pa ring magagawa BIR diyan, kahit sabihin na tax evasion yan. Sa malalaking corp. sila magfocus for tax evasion related case, for sure marami yan.

Sa pagkakaalam ko meron silang panukala na yong mga online sellers ay sisingilin nila ng tax. Hindi gaanong nabalita pero malamang maraming tumutol nito. Kahit ako tutol sa panukala dahil madadamay lahat nito pati ng nagbebenta ng coins sa P2p.

At lalong bababa ang adoption ng crypto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 23, 2024, 06:35:39 AM
Kahit nga yung time na may revelation sa profit ng mga socmed influencers nag announce din ang BIR diyan. Pero nasa tao pa rin if ide-declare nila profits nila. Hahaha. So wala pa ring magagawa BIR diyan, kahit sabihin na tax evasion yan. Sa malalaking corp. sila magfocus for tax evasion related case, for sure marami yan.
Sa pagkakaalam ko meron silang panukala na yong mga online sellers ay sisingilin nila ng tax. Hindi gaanong nabalita pero malamang maraming tumutol nito. Kahit ako tutol sa panukala dahil madadamay lahat nito pati ng nagbebenta ng coins sa P2p..
It's normal kase business, using online platform nga lang. Lahat ng online platform like shopee and lazada requires na ang BIR certs ng mga shops, kaya matic mag fa-file mga sellers quarterly for their tax. Yung 1% na withholding tax naman is for +500k na annual sales na sellers ang papatawan nun, matic sa shopee and lazada may deduction na yun kaya need i-consider ng mga sellers nun.

As for crypto tax as long na walang required na tax deduction ang mga platform like coins.ph and other exchanges, malaya ang mga users na hindi mag submit and mag file ng tax declaration nila sa BIR. Its the same sa mga socmed influencers, except if may required na ang Meta for this requirements na auto deduct yung payment ng paying influencers para sa tax deduction every pay outs, in which pagkaka alam ko wala pa. Ini-encourage lang ng BIR na need ng influencers to declare their tax since considered sila as self-employed like freelancers like us.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: target on September 23, 2024, 07:40:39 AM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 24, 2024, 04:10:20 PM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.
Magandang hakbang talaga ang ginawa ng mga bansang yan kasi matatawag pa rin silang early adopter ng Bitcoin. Mas malaki ang kikitain nila at sa develop ng ekonomiya kapag dumating na sa point na maging legal na ang Bitcoin sa buong mundo. Magagawan din naman kasi ng paraan na matrace yung mga transactions kung sino-sino ang mga tao sa likod nito, gaya nalang dito sa Bansa natin. So kung mas hihigpitan nila yan, possible na malilimitahan ang galaw ng mga masasamang tao. Volatile pa rin ang Bitcoin pero nakikita natin na mas lumiliit ang risk kasi mas lumiliit ang volatility nito.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bitterguy28 on September 25, 2024, 01:18:40 AM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.
tingin ko ay dahil napakarami pa nating kailangan habulin napagiiwanan tayo sa madaming bagay na ang bitcoin education at adoption ay hindi ganoong magiging madali na iimplement sa bansa

mayroong educational crisis ang bansa nabasa ko noon na pinagiisipan ata ng deped na iinclude ang coding sa basic education pero ni basic comprehensive skills nga wala ang mga pinoy paano pa kaya ang coding?

well anyway sana nga ay makahabol tayo para naman hindi mas maging kawawa ang bansa
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: target on September 25, 2024, 06:37:55 AM

Ang government Sana natin ant magpasimuno ng adoption at bumili Ng BTC para mahikayat rin ang mamamayan na eto ant future ng finance gaya ng ginagawa Ng ibang bansa.

Sa kasalukuyan naman mering mga artistang nag-eendorse ng crypto. Nakikita natin coins.ph ay may sailing ad na si yasse pressman.

Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on September 25, 2024, 03:00:13 PM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.

       -       Uu nga nabasa ko nga yang bhutan country na kung saan ay nalaman ko na mas malaki pa ang holdings nila kesa sa El Salvador na mas nauna pang ginawang legal tender ang bitcoin samantalang ang bhutan ay parang hindi naman ganun pero madaming hawak na Bitcoins.

tapos kung sakaling ituloy nga din yung panukala na magbabawas ng taxes sa mga online sellers ay makakaapekto yun sa atin siyempre na madalas gumagawa ng transactions via p2p, gayunpaman malawak na usapin at madaming hindi sasang-ayon sa panukala na yan, at kung sinuman yung nagpapanukala nyan edi huwag na sana nating iboto pa yan sa susunod na pagtakbo nyan sa election, sino ba yung nagpanukala?
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on September 25, 2024, 05:05:23 PM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.
tingin ko ay dahil napakarami pa nating kailangan habulin napagiiwanan tayo sa madaming bagay na ang bitcoin education at adoption ay hindi ganoong magiging madali na iimplement sa bansa

mayroong educational crisis ang bansa nabasa ko noon na pinagiisipan ata ng deped na iinclude ang coding sa basic education pero ni basic comprehensive skills nga wala ang mga pinoy paano pa kaya ang coding?

well anyway sana nga ay makahabol tayo para naman hindi mas maging kawawa ang bansa

Ang government Sana natin ant magpasimuno ng adoption at bumili Ng BTC para mahikayat rin ang mamamayan na eto ant future ng finance gaya ng ginagawa Ng ibang bansa.

Sa kasalukuyan naman mering mga artistang nag-eendorse ng crypto. Nakikita natin coins.ph ay may sailing ad na si yasse pressman.
Kung hindi ako nagkakamali may lugar sa ating Bansa na nag-invest sa Cryptocurrency pero hindi sa Bitcoin, hindi ko na maalala kung anong coin yun, nabasa ko lang kasi yun sa isang article.

Mapapaisip lang din ako kung bakit napakanegative nila sa Bitcoin, ikakabagsak ba ng ekonimiya kapag nag-invest sila dito?
Wala naman talaga kasing ingay yung cryptocurrency kahit may konting kaalaman na sila tungkol dito.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bettercrypto on September 27, 2024, 04:26:28 PM

^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.

Ini-encourage nila ang mga maliit na bansa na bumili ng BTC gaya ng Bhutan at El Salvador pero ang Philippines mukhang makukulelat na naman sa blockchain tech kapag hindi nag adopt ng crypto.

Alam mo sa totoo lang sa mga napapanuod ko sa balita dito sa bansa natin, hindi naman gipit ang gobyerno natin pagdating sa fund na meron tayo. Nagigipit lang ang gobyerno natin dahil madaming kurap na mga pulitiko, lalo na sa congress sobrang daming buwaya sabi nga nila which is true talaga. Bakit ko nasabi? tulad nalang nung DEPED Secretary pa si VP Sarah meron siyang proposed budget sa deped before para sa 2025 budget na nasa 5B php, anung ginawa ng mga kalaban nya na congressmen/congresswomen talagang pilit siyang pinupulitika, pilit na binabalik yung sa confidential fund eh tapos na yung hearing dun at pinaubaya na sa kanila, hindi inaprubahan yung 5B budget para sa Deped, pero nung hindi na siya ang Deped Secretary at pumalit na si Angara dahil kaalyado ng admin ngayon ay inaprubahan agad yung budget para sa deped na nasa 793B php napakalayo sa 5B lang na proposal nung si VP Sarah pa ang Deped Secretary.

Tignan mo 793B inaprubahan agad nila ibawas mo sa 5bilyon proposal kay VP Sarah nung siya pa Secretary nasa 788B yung sobra. Ang Tanung kanino kaya mapupunta yung pondo na yan? imposibleng sa isang tao lang yan. Eh kung yang pondo na kahit yung 1/4 lang nyan iallocate nila sa Bitcoin at ihold magkano kaya yun pag ganun? nakuha nio yung punto ko? Iilan lang talaga yung merong puso na masasabi na merong pagmamalasakit sa mamamayang pinoy. Kaya Sang-ayon ako sa sinabi ni @Tompluz na wala rin akong pakialam sa ranking na yan dahil wala rin impak yan sa totoo lang.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Zed0X on September 27, 2024, 05:57:00 PM
^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.
Naniniwala ka ba dyan? Sa current admin, mas naniniwala akong ginagamit nila ang kaban ng bayan para pambili ng boto o kaya panuhol sa mga mambabatas. Ang daming pera ang napupunta sa mga ayuda kahit matagal ng tapos ang pandemic.

Kung maging batas man yung pagpataw ng buwis sa mga foreign crypto exchanges sa loob ng 3 taon, malamang dun din papunta mga makokolekta nila. Baka tiba-tiba nanaman sila kapag tumaas ulit trading volume dito sa Pinas.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: PX-Z on September 28, 2024, 06:57:44 PM
... Ang daming pera ang napupunta sa mga ayuda kahit matagal ng tapos ang pandemic.
Tama pansin ko din ang daming ayuda na pinamigay lately, okay lang sana kung sa mga deserving na ibibigay pero pucha sa mga kapamilya lang at kakilala ni Kap or ni kagawad na pupunta. Di naman ako nag re-reklamo na di ako nabigyan, dahil sa subrang introvert ko eh sa bahay lang ako, 'la pake sa mga nangyayari sa labas, except kung mgay gulo lol. At hindi din ako registered voter sa current address ko (well di naman talaga registered voter in general) kaya malaki chance na di talaga ma bigyan.
Kaya sa mga dapat ibibigay  na ayuda, malaki chance na talaga na di na bibigay lahat yan, nasa record lang na done na sa lugar na ito lol
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Crwth on September 28, 2024, 07:04:16 PM
Probably because of people who are more interested in the Philippines is profit and not entirely making the system sufficient. Alam naman natin lahat na marami dito sa atin na gusto padamihin ang pera ng sarili instead of makatulong sa iba. Kaya alam na madaming corrupt talaga.

I do hope na mag bago ito at mag improve ang Pilipinas.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 28, 2024, 11:45:26 PM
Probably because of people who are more interested in the Philippines is profit and not entirely making the system sufficient. Alam naman natin lahat na marami dito sa atin na gusto padamihin ang pera ng sarili instead of makatulong sa iba. Kaya alam na madaming corrupt talaga.

I do hope na mag bago ito at mag improve ang Pilipinas.

Mukhang matatagalan pa bago tayo mapunta sa ganyang improvement ng bansa natin. May mga improvements naman bawat administrasyon at yun nalang muna ang tignan ng bawat isa sa atin. Kaso nga lang parang habang tumatanda tayo ay nakikita natin ang mga problema at kung ano ba ang kulang sa ginagawa ng gobyerno natin. Sana nga mas tumaas din ang adoption ng crypto sa mga paparating na ibig sabihin lang niyan, mas madami din ang nagiging tutok sa technology.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Baofeng on September 29, 2024, 01:57:46 AM

Oo, mukhang focus talaga ng Pinoy eh magpadami ng pera at hindi ma improved ang bansa. Although meron din naman talaga pero wala to s pulitika katulad ng San Miguel.

Kaya lang kung iilan ilan lang sila eh hindi mababago ang Pinas.

Kasama na rin dito ang patungkol sa crypto, pera parin ang hindi ang technology behind.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on September 29, 2024, 10:52:41 PM

Yan ang motivation ng mga pulitiko at parang naging norm na sa atin basta naluklok sa pwesto ay siguradong yayaman sila. Ang hirap lang ng ganyan kasi parang naging normal na ang corruption sa bansa natin pero tayong mga mamamayan, todo kayod ay walang kalaban laban sa mga yan. Ang maganda lang sa nangyayari sa atin na mga individual, tama ka bukod sa technology ay motivation din talaga ang pera, pero dahil din sa nangyayari na yan ay mas madaming nagiging open sa mga ganitong bagay, crypto at investing.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bettercrypto on September 29, 2024, 11:41:27 PM
Sana hangga't maaari ay matuto na yung mga botante na huwag ng iboto yung mga datihan ng mga pulitko lalo na sa congress sobrang talamak talaga ng mga congressman at congresswoman kung ichecheck mo yung mga lisfestyle nila.

Tapos pagnakaupo wala na talagang inaatupag if pano sila makakalumbat ng pondo sa kaban ng bayan. At kapag meron naman mga panukala sa mga cryptocurrency o blockchain akala mo naman ang lawak ng kaalaman dito pero huwag ka hindi naman nila talaga naintindihan ang crypto industry na ating ginagalawan. Na sila pa yung number one na sumasalungat.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: 0t3p0t on September 30, 2024, 01:21:02 PM
Probably because of people who are more interested in the Philippines is profit and not entirely making the system sufficient. Alam naman natin lahat na marami dito sa atin na gusto padamihin ang pera ng sarili instead of makatulong sa iba. Kaya alam na madaming corrupt talaga.

I do hope na mag bago ito at mag improve ang Pilipinas.
Yeah yan din ang gusto kong mangyari kabayan yung magkaroon ng kahit konting pagbabago. Saka yang korapsyon na yan,  yan talaga ang ugat ng lahat kaya mabagal usad ng pag-asenso ng bansa. Yang crypto adoption sa atin totoo na lahat ay gustong kumita talaga kaso yung government nayin imbes na suportahan tayo iba yung pananaw nila sa at hindi din nila priority yan na kung tutuusin ay kikita ang gobyerno natin sa tax.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on September 30, 2024, 05:40:47 PM

Simple lang naman yan, kung alam naman natin at nakikita naman natin din yung mga ginagawa nila ay huwag ng iboto, ay palitan na ng iba na bago at lawyer hangga't maari.

kasi tayo din ang kawawa talaga sa huli, lahat naman din tayo ay ayaw ng mga pulitikong kurap, kaya lang madami ang bumoboto ng mali ang nailuluklok nating pulitiko at kapag nakita natin na wala namang nagbago sa term ng niluklok natin ay huwag ng iboto baka isang mamaya makaluklok tayo ng tamang pulitiko na bukas sa ganitong adoption sa crypto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on October 01, 2024, 04:46:37 PM

Hindi naman yan ganun kadali kabayan kasi hindi araw-araw may eleksyon. Kung dumating man yung eleksyon na yun hindi ka makakasegurado na hindi iboboto ng mg tao yung ayaw mong makaupo sa pwesto. Marami rin kasing mga anumalya na ginagaw sila, gaya ng pagbabayad ng mga boto, at isa itong epektibong paraan lalo na't malaking pera ito para sa mga mahihirap. And I think may corruption naman na ginagawa ang lahat, hindi lang siguro same ang laki at pamaraan nila.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on October 02, 2024, 02:28:34 PM

         -      Kaya nga mahalaga na ang isang boto para sa kinabukasan ng mga anak at kaapu-apuhan natin, bumoto ng tama at kilalanin mabuti yung taong iboboto natin huwag yung dahil lang naabutan tayo, o kilala ng kakilala mo o natin, dapat tayo mismo inaalam natin yung performance o nagawa nito sa lungsod man yan, distrito senado, hanggang sa pagkapangulo.

Huwag na huwag na tayong bumoto ng mga artista utang na loob, parang awa nio na please lang hahaha.... madala na tayo at matuto kay mr. I move, I move, or yung isa na senador na " You are lying" hahaha at higit sa lahat yung mr. grandstanding naqu po nagmumukhang circus ang senado at congreso naman nagiging crocodile farm putek na yan.. Kaya walang puwang ang crypto sa mga tolongges na karamihan dyan eh..
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on October 03, 2024, 11:16:32 AM
^ Nangangahulugan nga talagang gipit na government natin gaya lang din sa mga bansang nagkahirap hirap ngayon don sa EU at America.
Naniniwala ka ba dyan? Sa current admin, mas naniniwala akong ginagamit nila ang kaban ng bayan para pambili ng boto o kaya panuhol sa mga mambabatas. Ang daming pera ang napupunta sa mga ayuda kahit matagal ng tapos ang pandemic.

Kung maging batas man yung pagpataw ng buwis sa mga foreign crypto exchanges sa loob ng 3 taon, malamang dun din papunta mga makokolekta nila. Baka tiba-tiba nanaman sila kapag tumaas ulit trading volume dito sa Pinas.

Kada eleksyon naman madalas ganyan ang nangyayari diba yung ginagamit ang kaban ng bayan para mabili nila ang isang boto ng mamamayang pinoy, pero sana naman matauhan na mga kababayan natin at magising na sa katotohanan. Siguro okay narin yan, as long as na makikinabang naman din yung mga ka lokal natin na nasa crypto industry at mga papasok palang sa field na ito.

Kesa naman sa ngayon na nagsasuffer tayo sa mga lokal exchange natin na ang malalaki yung spread na ginagamit nila o pinapataw sa kada transaction na ginagawa ng kanilang mga users tulad ng sa coinsph, at sa iba pa na mabagal pa yung paglipat ng pera natin sa mismong destination na ating nilagay.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on October 03, 2024, 03:16:15 PM

Hindi natin kontrolado ang kanilang mga utak at yung mga corrupt na nasa pwesto ay gagawa pa rin ng paraan para mabrainwash ang mga tao. May mga magaganda rin naman nagawa yung mga admin kaya lang hindi pa rin naging sapat ang mga ito. Kung papasok lamang mga ito sa field ng crypto na may masamang balak ay mas mabuti huwag nalang nilang ituloy.

Sa tingin ko sa problemang yan, kailangan lang ng karamihan ng sapat na kaalaman tungkol sa crypto kasi marami naman paraan para maiwasan ang ganyan kalaking spread eh. Kung alam nila na pwede makapagconvert ng crypto with zero fees at makapagwithdraw to peso na zero fees ay malaki ang masisave nilang pera.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on October 03, 2024, 06:52:55 PM
       -      Pero ito napapansin ko lang naman yung mga crypto caravans na group na naglilibot sa iba't-ibang lugar sa pinas ay patuloy na nagpapalaganap ng pagpapaliwanag o pagtuturo tungkol sa blockchain, though yung bitcoin at solana blockchain yung madalas nilang itinuturo sa mga paggaganapan nila ng session.

Hindi ko lang alam kung meron silang singil na ginagawa kasi madalas sa mga campus o academy nila ito kinaconduct na mangyari, pero yung masasabing in public ay hindi o wala namang ganung set-up.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: jeraldskie11 on October 04, 2024, 09:29:03 AM
       -      Pero ito napapansin ko lang naman yung mga crypto caravans na group na naglilibot sa iba't-ibang lugar sa pinas ay patuloy na nagpapalaganap ng pagpapaliwanag o pagtuturo tungkol sa blockchain, though yung bitcoin at solana blockchain yung madalas nilang itinuturo sa mga paggaganapan nila ng session.

Hindi ko lang alam kung meron silang singil na ginagawa kasi madalas sa mga campus o academy nila ito kinaconduct na mangyari, pero yung masasabing in public ay hindi o wala namang ganung set-up.
Kung ganon naman pala, isa itong magandang balita. Kahit ganito lang ginagawa nila sa ngayon malaking tulong na rin ito kasi yung mga nakakuha ng knowledge about sa Blockchain sila na naman yung magtuturo sa mga kakilala nila. Kaya lang dito sa amin, wala pa akong narinig na may ganyang event or any event tungkol sa crypto. Pero feeling ko sa susunod makakarating din yan sila dito sa aming lugar.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on October 04, 2024, 11:34:06 AM

Malamang ito ang grupona tinutukoy nya na nagkaconduct ng caravan sa iba't-ibang lugar sa pinas, itong yung grupo dati ng NEM group sa bansa natin na ngayon ay nasa SOLANA group na sila at wala na sila sa NEM dahil hindi na trend at SOL na ang trending sa ngayon.
https://bitpinas.com/business/date-set-for-blockchain-campus-conference-2024-mindanao/

Pero yung istilo na ginagawa nila ay kung ano ginagawa nila before nung nasa Nem Ph pa sila ay ganun parin naman ngayon dahil puro academy school yung target market nila palagi sa aking pagkakaalam.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: robelneo on November 13, 2024, 10:47:55 PM
Grabe ang biglaaang pag taas ngayun ng Bitcoin at yung marami pang Cryptocurrency sa tingin ko dahil sa pagtaas na ito maraming mga pinoy ang biglaang magkakaroon ng interest sa Cryptocurrency maglalabasan na naman yung mga kababayan natin na mangiingit sa kinita nila sa Cryptocurrency ng dahil lamang sa paghohold ng.
Iba talaga ang dating ng bull run nakakapag pataas ng interest ng mga nagdadalawang isip na mga investors.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: BitMaxz on November 14, 2024, 12:36:37 AM
Kaya lang naman naging 2nd ang Pilipinas sa crypto adoption nung time ng 2022 dahil na rin sa pandemic nuon na halos ang mga pinoy umaasa sa axie nuon daming nabigyan ng scholar at maraming nag kakaron ng pag asa kumita sa online sa pag lalarulang ng games na yun. Chaka wala naman ibang gagawin ang mga tao nun kundi subukan axie dahil marami kasing balita nuon na nakakahikayat sa ibang mga tao na mag invest at mag adopt ng crypto kaya dumami pa ng dumami halos buong pilipinas ata nag aabang para lang sa scholar at mag karon ng kita sa paglalaro lang.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on November 14, 2024, 06:58:37 AM

Oo tama ka dyan dude, kahit mga walang alam talaga sa cryptocurrency dahil naging scholar sila ay feeling nila alam na nila ang bitcoin at cryptocurrency. Kumbaga nung panahon ng kainitan ng axie naging madali sa karamihan dito sa bansa natin na mapabilang yung mga karamihang pinoy na nakatambay lang sa bahay na mainvolved sa crypto space dahil sa pandemic nga yung panahon na yun.

Pero ngayon iba na yung sitwasyon dahil iba narin ang administrasyon na kung saan parang pabaya narin sa ganitong mga bagay, parang kanya-kanya na nga lang tayong gumagawa ng sarili nating paraan para kumita ng crypto o bitcoin yan ang facts na nangyayari talaga sa kapanahunang ito.

Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on November 14, 2024, 08:15:29 AM
Kaya lang naman naging 2nd ang Pilipinas sa crypto adoption nung time ng 2022 dahil na rin sa pandemic nuon na halos ang mga pinoy umaasa sa axie nuon daming nabigyan ng scholar at maraming nag kakaron ng pag asa kumita sa online sa pag lalarulang ng games na yun. Chaka wala naman ibang gagawin ang mga tao nun kundi subukan axie dahil marami kasing balita nuon na nakakahikayat sa ibang mga tao na mag invest at mag adopt ng crypto kaya dumami pa ng dumami halos buong pilipinas ata nag aabang para lang sa scholar at mag karon ng kita sa paglalaro lang.
Totoo yan, madaming nag in sa hype na dala ng axie at kahit walang alam sa crypto ay pinasok na din ang paga-axie. Ang kinagandahan lang din ay madaming natuto maginvest sa crypto at naunawaan nila ang volatility sa ganyang way. Nawala na ang slp at axs sa radar nila mula noong natuto na sila at saka nag hanap ng mga altcoins na posibleng tumaas. BUmaba man o tumaas ang crypto adoption index sa bansa natin basta ang mahalaga ay hindi magkakaroon ng ban sa crypto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: Mr. Magkaisa on November 14, 2024, 12:50:34 PM

       -      Yep tama ka naman din dyan kabayan, kaya madami din ang nag-isip na hindi maganda ang cryptocurrency after nilang pakinabangan ang axie matapos nilang maging skolar sa kanilang mga managers, dami kung nakita na ganyan na kakilala ko.

Ang sinabi pa nga sa akin hindi raw nila linya pero nag-aaply sila ng pagiging skolar sa manager, ang galing ng mindset nila hehehe... Pero ganun pa man ang naiwan parin sa crypto space ay yung mayy malalim na pang-unawa.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on November 14, 2024, 07:36:11 PM

Yung mga nakita yung opportunity sa crypto at nag stay, sila na ngayon yung pumapaldo. Kaya may maganda din namang naidulot yan sa karamihan sa mga kababayan natin. Pero sa mga naging manager at nag invest ng malaki, yung talo talaga nasa kanila. Kaya isipin nalang na parang dinistribute nila ang wealth nila sa mga scholars nila na kumikita at nag grind din naman ng paglalaro.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: BitMaxz on November 15, 2024, 09:54:17 AM
Yung mga nakita yung opportunity sa crypto at nag stay, sila na ngayon yung pumapaldo. Kaya may maganda din namang naidulot yan sa karamihan sa mga kababayan natin. Pero sa mga naging manager at nag invest ng malaki, yung talo talaga nasa kanila. Kaya isipin nalang na parang dinistribute nila ang wealth nila sa mga scholars nila na kumikita at nag grind din naman ng paglalaro.

Cguro yung mga nahuling mga investor ang talagang talo pero sa palagay ko hindi naman siguro kasi my presyo parin ang mga token ng axie lalo nung march umakyat presyo ng mga token ng axie at yung mga alaga nila forever naman sa kanina yun unless kung binenta na nila ng mura kasi pwede pang paramihin yun.

Nung time na yan yung alam nilang crypto lang ay yung axie at sabi pa jila maraming yumaman sa axie kaya dun nag simula yung iba magresearch hanggang sa crypto at na diskubre nilang pwedeng mag invest sa crypto parang ginto.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: gunhell16 on November 15, 2024, 02:18:02 PM

Siguro hindi naman sa term na madaming yumaman, marahil pwede pa umunlad ang buhay o umusad dahil sa manager sila sa axie at nagpapa-iskolar sila ay kalamangan naman talaga kahit saan natin tignan, bagama't nung mga panahon na yan ay masyadong mahal ang axie pa nun.

Kung hindi lang talaga nila binago yung sistema nila for sure ay edi sana maganda parin yung flow ng axie, dahil sa greediness kasi na pinairal ng mga taong nasa likod ng axie ay ayun bumagsak sila at hindi nila pinagtuunan ng pansin yung long-term.
Title: Re: PH Crypto Adoption Ranking Declines
Post by: bhadz on November 15, 2024, 04:50:43 PM
Yung mga nakita yung opportunity sa crypto at nag stay, sila na ngayon yung pumapaldo. Kaya may maganda din namang naidulot yan sa karamihan sa mga kababayan natin. Pero sa mga naging manager at nag invest ng malaki, yung talo talaga nasa kanila. Kaya isipin nalang na parang dinistribute nila ang wealth nila sa mga scholars nila na kumikita at nag grind din naman ng paglalaro.

Cguro yung mga nahuling mga investor ang talagang talo pero sa palagay ko hindi naman siguro kasi my presyo parin ang mga token ng axie lalo nung march umakyat presyo ng mga token ng axie at yung mga alaga nila forever naman sa kanina yun unless kung binenta na nila ng mura kasi pwede pang paramihin yun.

Nung time na yan yung alam nilang crypto lang ay yung axie at sabi pa jila maraming yumaman sa axie kaya dun nag simula yung iba magresearch hanggang sa crypto at na diskubre nilang pwedeng mag invest sa crypto parang ginto.
May loss pa rin pero hindi naman total zero kaso sobrang bagsak ng losses at capital ng mga nahuli na. Yung mga axie na pagkakamahal dati, ngayon sobrang baba na parang 99% ang ibinagsak kaya doon palang sobra sobrang talo na. At kung magbenta ang karamihan sa kanila ngayon, hindi na rin worth it. May bumalik man parang pakunswelo de bobo nalang yun dahil libo libo na capital, parang barya nalang ang balik kung magbebenta.