Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: Angkoolart10 on July 10, 2018, 05:03:22 AM

Title: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on July 10, 2018, 05:03:22 AM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: fortescorde21 on July 10, 2018, 02:15:09 PM
Magandang idea na ituro ito sa mga estudyante aside na natulungan mo silang kumita matututunan din nila maging responsible para kumita at mag sikap para sakanilang kinabukasan.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: WolfwOod on July 10, 2018, 03:19:22 PM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.
Kung sa loob ng klase bro, di pwede yan kasi paglabag yan sa rules ng paaralan ng kolehiyo. Pero kung magtuturo ka sa mga students mo sa labas na ng paaralan about crypto currency, Ok na Ok yan bro. Kikita kapa jan lalo na kung May referral ka.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Mekong on July 10, 2018, 07:01:58 PM
pwede eto okay para sakin ang education sa cryptocurrency para sa mga bata kasi lahat ng kabataan ngayon ay may kaalaman sa teknolohiya at pwedeng maging gabay eto para naman ma divert ang kaisipan nila sa mas makakatulong sa kanila in future.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: sirty143 on July 10, 2018, 08:48:17 PM
Hindi marahil uubra. Ang alam ko may curriculum silang sinusunod... Kapag ginawa yan ng IT teacher at na-pick up ng media outlet, lalo ng bradcast media, biglang superstar ang IT teacher at tiyak sisante siya.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angel16 on July 11, 2018, 03:53:18 AM
Kahit magandang idea ito para makatulong sa mga kabataan  para mayrong pagkakitaan sa tingin ko hindi talaga ito pwedi sa loob ng klase.kasi hindi ito part sa curriculum na dapat ituro ng ITteacher.sa labas sa klase ceguro pwedi ito ituro ng IT teacher doon sa kanyang mga studyante..
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: eldial on July 11, 2018, 12:53:14 PM
Siguro maari rin ito ituro sa mga estudyante kapag ito ay pinag usapan sa mga miyembro nang ating kabinete sa gobyerno kung ito ay mayrong malaking dulot nang kaalaman sa mga estudyante kaya sa akin sang ayon ako.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on July 11, 2018, 01:26:03 PM
unga ppo oala meron curriculum, ibig ko ko sabihin dito ay pagtapos po ng class. sorry kulang paliwanag ko.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: arielcryp on July 12, 2018, 08:13:28 AM
Maganda itong naisip mo kabayan, isa din ako sa nais matoto about sa crypto, ang alam ko sa ibang bansa mayron ng nagtuturo about sa crypto world.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Ryanpogz on July 12, 2018, 09:15:32 AM
magandang plano yan ka bayan.. Sigurado na kikita ka at same time kikita ka rin yung mga student naka tulong kapa sa economy ng ating bansa. Tanong kulang bakit ka napa tanong ng ganito, IT teacher ka ba o nag aaral pa ng IT.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: sharecel on July 12, 2018, 10:02:56 AM
Magandang ideya na ituro ito sa mga estudyante lalo na sa mga business students. Ito ay makapagbibigay sa kanila ng magandang opportunidad balang araw.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on July 12, 2018, 10:09:26 AM
magandang plano yan ka bayan.. Sigurado na kikita ka at same time kikita ka rin yung mga student naka tulong kapa sa economy ng ating bansa. Tanong kulang bakit ka napa tanong ng ganito, IT teacher ka ba o nag aaral pa ng IT.

Kabayan hindi po ako I.T Teacher. Computer Technician po ako kaya naisip ko yan para makatulong sa iba na gusto magkaroon ng part time
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: cheneah on July 12, 2018, 11:33:42 AM
Pwede rin siguro!pero sa ngayon kasi parang malabo pa siya na maisama sa discussion sa class dahil ayun sa observation ko dahil nga naipatupad ang kto12 sikipan ang mga estudyante sa isang paaralan.Karamihan lalo na dito sa lugar namin,yung mga senior highschool ay halfday lang ang pasok.50 mins per subject lang ang binubuhos nila kaya mabilisan ang discussion ng teacher.Kaya wala ng time ang it teacher mag explain about sa cryptocurrency.Mas ok rin sana yan kung kasama sa curriculum.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: richelle13 on July 15, 2018, 01:19:41 AM
Isa sa magandang ideya din  yan mga kababayan ang ituro sa mga studyante upang magkaroon din sila ng sariling income para makatulong sa mga magulang . Makatulong din ito para matustusan ang tuition fee ng mag-aaral .
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Den03 on July 15, 2018, 01:23:05 AM
Ituro sa mga studyante ng maayos at ipaliwanag ng maayos upang hindi abusuhin . May magandang maidudulot ito sa mga kabataan kung gagamitin nila ito ng maigi at para na rin makatulong sila sa pamilya .
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: jet on July 15, 2018, 02:44:42 PM
I agree this investment scheme to teach to student! This will help them to learn the art of trading. Mas madali matototo Ang mga studyante paano mag invest at kumita sa merkado
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: fortescorde21 on July 15, 2018, 03:17:01 PM
Pabor ako na ituro ito sa mga estudyante Lalo na dagdag allowance ito para sakanila
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Mlhits1405 on July 15, 2018, 04:48:51 PM
Pwde naman yan paps pero dapat detalyado ang pagkaturo mo sa kanila alam mo naman ngayun maraming fake news about crypto currency para mahikayat mo sila ganung paraan makatulong ka sa kanila at matulungan karin nila sa referrals mo kasi every referrals ngayun may 60 tokens kana ata.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: kenj28 on July 16, 2018, 03:47:13 AM
Magandang idea yan paps kasi marami pa sa mga estudyante ang hindi nakakaalam about sa crypto kaya kung ituturo mo ito ay malaking tulong ito sa mga estudyante at pare pareho kayong kikita pero kailangan na pumayag ang school na ituro iyon
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Invasion on July 16, 2018, 07:17:47 AM
Pwedi naman ang ganitong pamamaraan pare kaso lang di kaya maabala sa pag-aaral ng mga bata ang ganito? baka mas pagtutuonan pa nila ng pansin ang crypto kesa sa pag-aaral naisip mo ba iyon? kung tayo nga ay naadik sa crypto much more pa sa kanila lalo na may phone na lahat ng studyante so habang si sir ay nagdidiscuss walang nakikinig kase ayun nasa forum nag cocomment.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: llvroyxd on July 16, 2018, 12:33:43 PM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.


Mas ok ung gnyan atleast may alam sila regarding this technology unang una dpat maunawan nila yung cryptocurrency baka pag isipin nila they can make rich in a short period of time or baka atupagin lng nila is pag bbounty campaign which is hndi nkakatulong dito sa community
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: mikaela23 on July 17, 2018, 07:21:23 AM
Siguro kung ituturo ito kabayan marami syempre matututo sa bitcoin at marami narin makakaalam at pwede marami ng sasali sa forum na ito.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Lansboy143 on July 17, 2018, 09:01:55 AM
Sa tingin Ko kung ituro ito sa mga estudyante maganda yan kasi matuto Sila tungkol sa cryptoworld at halos mga estudyante ngayon magaling na sa mga teknolohiya masa madali na sa kanila
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Jhon Cover on July 17, 2018, 04:59:42 PM
Mas maganda yan kabayan dahil mas lalong lalawak Ang furom Na ito.Pweding pwede pero kung papayagan ba Yan sa skwelahan Na ituro yan.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Erza on July 17, 2018, 06:53:34 PM
Magandang idea yun kabayan para lumawak at maraming maka alam sa crypto currency,pero ingat lng kaibigan baka hindi yan pinaghintulotan ng paaralan.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: mrphilippine on July 17, 2018, 07:26:54 PM
Magandang ideya yan bro kkita ka na may mga matutulungan ka pang mga bata. Pero konting ingat lang dahil ang alam ko bawal yan sa loob ng klase. Siguro pumili k lang ng mga maasahang mong mga estudyante.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Power on July 18, 2018, 01:29:10 AM
Astig ang naisip mo kabayan. Malamang I.T teacher ka. Tama ba, malaki ang kikitain mo kapag ganyan maliban sa bagay na maitutulong mo sa mga students mo.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on July 18, 2018, 06:02:13 AM
Astig ang naisip mo kabayan. Malamang I.T teacher ka. Tama ba, malaki ang kikitain mo kapag ganyan maliban sa bagay na maitutulong mo sa mga students mo.

Kabayan isa po akong Computer Technician dito sa aming bayan. naisip ko lang ito dahil may ilan na,mga teacher na nagpapaayos sakin.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Mr.Pig on July 20, 2018, 03:52:38 PM
Para sa akin uo naman pwede pero pagkatapos na ng klase, pero kung ituturo ito sa paaralan baka hindi na papasok ang mga students kasi naging busy na sa crypto currency at baka malimutan na ang iba nilang curriculom.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Dreamer02 on July 25, 2018, 02:39:19 PM
Magandang ideya na turuan ang mga studyante tungkol sa bitcoin para mahubog ang kanilang kaalaman sa cryptocurrency. Para sa akin sa college lang pwede ituro dahil pag high school ituturo maaring mawalan na nang gana ang mga studyante na magporsige sa pag aaral dahil sa kagustohan niyang kumita hindi na siya papasok sa skwelahan.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Shen033112 on July 25, 2018, 02:50:03 PM
Magandang ideya yan na ituro sa mga studyante ang Cryptocurrency pero mas unahin nila yung pag aaral nila,dapat gawin nila ang Cryptocurrency pagkatapos ng pag aaral nila dahil malaking tulong ito para kumita sila at may magasto sila sa mga gastusin sa skwelahan na Hindi na humihingi sa mga magulang.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Neechan on July 26, 2018, 07:26:58 PM
it depens on the student. kung ituturo man ito sa school dapat ay college level para mas maintindihan nila ang kahalagahan hindi lang ng pag aaral kundi pati narin ang ibang bagay. just saying
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Nikko on July 27, 2018, 04:08:08 AM
Magandang idea sana yan kabayan pero wala pang curriculum about sa crypto education unlike sa ibang bansa may nag aadopt na na ituro ang blockchain technology sa kanilang bansa.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: micko09 on July 27, 2018, 05:37:11 AM
Hindi pwede kung sa loob ng klase mo sya ituturo at gagawin nyo side job, hahaah, lalabag kayo sa rules ng DEPED. pwede kung sa labas ng school nyo sila gagawin, kung baga sa loob ng school prof sya pero pag sa labas na ng school ay mentor na sya sa crypto.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: rhubygold23 on July 27, 2018, 08:13:50 AM
Sa tingin ko kabayan kong ituturo magiging ok sa mga studyante at magkakaroon na din sila ng kaalaman sa cryptocurrency pero sa tingin ko rin kung ituturo ito siguro maganda kung parang seminar lang ang gagawin kasi baka kung sa paaralan baka tamarin na ang mga studante mag aral. Para kasi sakin ok lang ituro sa kanila at subukan na paniwalain na malaki ang maitutulong ng crypto currency sa buhay nila pero mas maganda kung makatapos sila na pag aaral.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Jun on July 31, 2018, 04:49:57 PM
ako ok djan dapat maituro sa mga istuyante ang crypto currency  para may kaalaman sila sa future currency maituro lang ito pag may batas na nagpahintulot na gawin itong curriculum
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: jings009 on August 01, 2018, 06:19:02 AM
magandang plano yan ka bayan.. Sigurado na kikita ka at same time kikita ka rin yung mga student naka tulong kapa sa economy ng ating bansa. Tanong kulang bakit ka napa tanong ng ganito, IT teacher ka ba o nag aaral pa ng IT.

Kabayan hindi po ako I.T Teacher. Computer Technician po ako kaya naisip ko yan para makatulong sa iba na gusto magkaroon ng part time
Sa tingin pwde naman yan isingit ng mga teacher sa pag tuturo, para matutu din ang mag student ngayon.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on August 01, 2018, 08:56:18 AM
Isa sa magandang ideya din  yan mga kababayan ang ituro sa mga studyante upang magkaroon din sila ng sariling income para makatulong sa mga magulang . Makatulong din ito para matustusan ang tuition fee ng mag-aaral .

yun nga din po ang ginagawa,ko sa mga pamangkin ko kabayan ang turuan sila mag invest at madagdagan ang kanilang kaalaman sa crypto
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: peterruby on August 22, 2018, 03:24:54 AM
Pwidi talaga kabayan ituro ito sa mga istudyante ang crypto makakatulong ito sa kanila lalong lalo na sa mga maheherap na kababayan nating istudyante kasi kikita cla ng pera habang nag iiskwela e at natutulongan pa nila mga magulang nila sa kahirapan ..pero kabayan duble ingat lang sa mga teachers  kung ituturo ito sa mga istudyante nila di dapat sa luob ng school dapat sa labas nlang ito ituturo pagkatapos sa trabaho nala...
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: ngungo26 on August 22, 2018, 09:11:16 AM
Maganda ang naisip mo kaibigan, kasi maraming mga studyante ngayon na naghihirap at kailangan nila ng sideline katulad nito. Madali lang siguro nila maiintindihan ito kasi nga palagi naman silang gumagamit ng phone. Ipaliwanag mo lang ng maayos para hindi sila mahirapan.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Zurcemozz on August 22, 2018, 02:49:28 PM
at mas maganda kung mag sasama ung I.T prof at isang magaling na accounting students para pwede sila mag combine it terms kung mag papatayo sila ng sarili nilang coin or token. Mas mabibigyang pansin ng bawat isa kung paano tatakbo ang kanilang negosyo :D
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: kudinking09 on August 23, 2018, 09:42:16 AM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.

Para sakin hindi yan matatawag na tulong kundi negosyo.. Bakit ? ang tulong walang kapalit na hinihingi pero ang negosyo kapag nag turo ka tapos bibigyan mo ng referral parang ginagamit mo lng sila..
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Angkoolart10 on September 22, 2018, 04:27:01 AM
Para sakin hindi yan matatawag na tulong kundi negosyo.. Bakit ? ang tulong walang kapalit na hinihingi pero ang negosyo kapag nag turo ka tapos bibigyan mo ng referral parang ginagamit mo lng sila..

Sa ngayon kabayan kahit anu gawin natin meron kapalit yun, Halimbawa umupo lang tayo sa isang tabi at may natumbang tao sa harap natin tapos tinulungan natin at syempre sasabihin ng tinulungan natin salamat. pero pano kung hindi nagpasalamat sayo at umalis nalang sasabihin mo bang ang pangit ng ugali ng taong yun dahil hindi ka pinasalamatan?

Sa ngayon kabayan tumulong man tayo ng bukal sa kalooban or hindi merong kapalit yun. gaya ng suggestion ko na ito. Ako ba ang kikita or lahat tayong dito sa forum ay matutulungan? pano kung ang taong yun ay may magaling na ideya sino ang matutulungan?

Ngayon sa tanong mong negosyo ito? Oo kaya nga tayo nandito sa forum diba para kumita at ang nagnenegosyo ay kumikita tama? 
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Leebarnes on September 22, 2018, 08:19:45 AM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.
Hindi kanais-nais sa isang guro na mag impluinsya sa mga estudyante  lalo na sa crypto sapagkat ang crypto ay halos buhos ang atensyon mo dito baka ito pa ang dahilan nag pagkasira ng kanilang pag-aaral isa bawal sa kanila yan baka ito pa ang dahilan upang bawiin ng gobyerno partikular na ng SEC at BSP ang ipinagkaloob nitong panuntunan maari nating palawigin ang kamalayan ng tungkol sa crypto pero dapat maging maiingat tayo at huwag na natin idamay ang ating mga estudyante alam ko darating din ang panaho  na para sa kanila
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: cheneah on September 22, 2018, 08:26:00 AM
Pwedi naman ang ganitong pamamaraan pare kaso lang di kaya maabala sa pag-aaral ng mga bata ang ganito? baka mas pagtutuonan pa nila ng pansin ang crypto kesa sa pag-aaral naisip mo ba iyon? kung tayo nga ay naadik sa crypto much more pa sa kanila lalo na may phone na lahat ng studyante so habang si sir ay nagdidiscuss walang nakikinig kase ayun nasa forum nag cocomment.
Agree ako sayo part!Pag I.t kasi ang.course mo mostly on basic lang sila ...Nasa estydyante nalang yan kung maparaan siya na maghanap ng extra income pwede siya mapasama sa mga forum na tulad nito.Ang tao naman kasi kahit di napag aaralan sa school basta maparaan,matututo parin siya tulad  itong crytocurrency.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: Unknown on September 22, 2018, 04:57:25 PM
Maganda sana kung wag lang ituro kung paano kumita, ituro rin sana kung paano matututo at makapagaambag dito sa forum para hindi matawag ang pilipinas na spammers :)
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: comer on September 23, 2018, 06:30:29 AM
Sa tingin ko pwede naman itong ituro lalong lalo na sa kolehiyo.. finance and economics pwede itong e part sa klase, cryptocurrency is an investment strategy, teaching your students to be more business minded and more prepared in their future as an interpreneurs. para kasi itong forex stock market and it involves investment. kaya sa tingin ko wala naman akong nakikitang problema kung ituturo ang logical ecosystem ng isang investment. ang hindi dapat ay iyong sinasabi nyo na referal na kikita ang teacher, para kasing pino promote mo yun project and in return kikita ka ng pera. bawal po yun... gawin nalang sa labas ng paaralan ang mga bagay na ganun.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: CebuBitcoin on September 23, 2018, 02:45:08 PM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.
bawal po yan Op, kung wala sa corriculum mo ang crypto na subject, siguro kung out side school mo ito ituturo pwde, pero kung sa loob ng paaralan hindi po pwde, unlike sa ibang bansa mayroong na silang blockchain technology na subject.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: alstevenson on December 02, 2018, 05:15:23 PM
Naisip ko lang anu kaya mangyayari kung isa kang I.T teacher tapos ituro mo ang Cryptocurrency sa mga studyante mo at ikaw ang referral pwede kaya yun? may kita ka na makakatulong ka pa sa mga studyante mo at kikita din sila.
Maaari yun kabayan, at sa tingin ko magkakaroon na rin ng teacher sa blockchain technology pagdating ng tamang panahon.
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: fgg57fg7 on December 03, 2018, 04:11:29 AM
Para sakin pede ituro ang crypto currency kung kasali sa curriculum sana ito para Hindi maging ignorante ang mga studyante pagdumating ang araw na hinaharap na crypto na ang gagamitin natin. Malaking tulong to para mapalaganap ang crypto
Title: Re: ITURO SA MGA STUDYANTE!
Post by: alstevenson on December 03, 2018, 09:09:55 AM
Para sakin pede ituro ang crypto currency kung kasali sa curriculum sana ito para Hindi maging ignorante ang mga studyante pagdumating ang araw na hinaharap na crypto na ang gagamitin natin. Malaking tulong to para mapalaganap ang crypto
Yes kabayan, meron ng institution na nagtayo nyan dito sa Pilipinas na tinawag nilang Amberlab na ang NEM Philippines ang gagawa ng curriculum dito.