Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Zed0X on February 05, 2025, 10:33:15 PM
-
According sa interview with the SEC's General Counsel (https://bitpinas.com/regulation/exclusive-ph-sec-bitcoin-security/), hindi naman automatic na security ang Bitcoin dahil hindi nito na-meet yung ibang qualifications nung howey test. Walang voting rights, dividends, at corporate governance. Magkakaproblema lang siguro kung ikaw na nagbebenta ay nangako o nagbigay ng guarantee na kikita.
Medyo play safe yung sagot ng ating SEC counsel. Although alam niya sa sarili na hindi talaga security, nagbigay pa din ng caution para hindi sumabit dahil wala pa din naman talaga clear crypto laws sa bansa.
-
- Lahat tayo dito alam naman natin na hindi naman talaga security ang Bitcoin. Unless maging centralized ang bitcoin, kaya lang sa reality ay decentralized ang bitcoin sang-ayon sa features nito, na ito ang pangunahing reason kung bakit none of the countries ay walang makakontrol sa bitcoin all around the world.
Kahit hanggang ngayon wala paring makakontrol sa bitcoin, kaya nga karamihan na mga kilalang bansa ngayon na mauunlad ay inadapt nalang nila ang concept ng bitcoin.
-
Ito talaga yung power ng decentralization kaya yung mga regulatory commisions ay hugas kamay nalang or magbigay babala na lang sila sa mga potential investors dahil di nila hawak ang kontrol nito though hawak nila leeg ng mga crypto exchanges but still wala parin naman silang magagawa kung ipagbabawal nila ang crypto kung ang dahilan lang nila ay di ito matatawag na security dahil magkakaroon parin naman tayo ng access nito sa ayaw at gusto nila pero what I like sa desisyon nila ay neutral lang imbes na ifully ban ang pag-offer ng mga decentralized assets dahil makikinabang din naman talaga ang gobyerno natin dyan in a good way. Pero yung gusto ko talagang marinig mula sa kanila ay yung salitang they will try to explore more on the potential of cryptocurrency I mean they should do something for crypto dito sa ating bansa na papabor sa ating mga investors at enthusiasts or crypto community as a whole just like what other countries did dahil you know na palagi nalang tayong naiiwan sa trend at opportunities kumbaga saka kapa nangisda nung tuyo na ang ilog you know what I mean mga kabayan.
-
Tama naman talaga na hindi security and Bitcoin, kahit anong angulo mo tingan hindi ito mag fall sa category na to. So hindi naman sa playing safe ang sagot nya, talaga lang na hindi ito security kahit anong klaseng paikot ikot ang gawin nila.
Pero ok na tong nilinaw ulit nila para walang duda sa mga baguhan at syempre pinakapakita na talagang decentralized ang Bitcoin at walang ino-offer sa kahit kanino. Ikaw mismo ang bahala kung gusto mong mag invest o hindi o kailan ka mag invest o kailan ka mag benta.
-
Tama naman talaga na hindi security and Bitcoin, kahit anong angulo mo tingan hindi ito mag fall sa category na to. So hindi naman sa playing safe ang sagot nya, talaga lang na hindi ito security kahit anong klaseng paikot ikot ang gawin nila.
Pero ok na tong nilinaw ulit nila para walang duda sa mga baguhan at syempre pinakapakita na talagang decentralized ang Bitcoin at walang ino-offer sa kahit kanino. Ikaw mismo ang bahala kung gusto mong mag invest o hindi o kailan ka mag invest o kailan ka mag benta.
Tama, mas okay na yan at clear. Standard na nila yan at mas okay yan sa lahat at para na din sa mga baguhang magi-invest para mas aware sila kung ano ba talaga ang Bitcoin. Yung mga investor na nagreresearch talaga, malalaman nila yan at hahanapin pero para sa mga hindi naman ganyang tulad na investor. Sapat na yung nakita nila yung iba na kumita at aware sila sa mga basic features na meron si BTC tulad ng pagiging volatile.
-
Iba kasi ang structure ng Bitcoin dahil sa decentralization feature nya kaya mahirap i classifiy ito kaya nga ako ingat din ako kapag nanghihikayat ako mag invest sa Bitcoin, kasi hahanapan ka talaga ng expectation of profit na di naman sigurado dahil sa taas ng volatility ng cryptocurrency market.
Pero sa kalaunan ang SEC ay mag kaka clasify din sa kung ano ang Bitcoin dahil sa ang Bitcoin ay permanente na sa ating kamalayan, hindi ko alam kung ano ang magiging classification nila pwede sila gumawa ng bago, pero hindi ito maaring maging security.
-
Para sa akin, kung hindi security ang Bitcoin, ito pa rin ang pinakasafe pag-iinvestan na coin sa lahat ng cryptocurrencies. Madami ang reason kung bakit hindi ito security, at isa dyan ay ang hindi matukoy kung sino si Satoshi Nakamoto. Napakasafe pag-investan ng Bitcoin kasi napakababa ng volatility nito, ito yung sinabi ni Satoshi noon sa kabilang forum na ayaw nya na i-promote ang Bitcoin dahil hindi magkakaroon ng strong foundation ang Bitcoin, gusto nya kasi na walang investors na maghold ng napakalaking share. Kaya ayun, napakadami ang mga holders nito at maliit lang yung mga holders na naghohold ng malaking shares.
-
Marami ng discussion and debate regarding about this, na hindi naman talaga considered na security ang Bitcoin. Even US SEC told so kahit yung mga anti-bitcoin na chairman ng SEC, eh hindi nag-consider ng security ang Bitcoin because it doesn't fall to that category.
-
Walang voting rights, dividends, at corporate governance. Magkakaproblema lang siguro kung ikaw na nagbebenta ay nangako o nagbigay ng guarantee na kikita.
Sa tingin ko klarong-klaro na di talaga security and Bitcoin base sa definition na nasa taas...kahit pa man tumataas ang presyo nito sa open market. Di tulad ng stocks na pwede ka kumita sa dividend earnings dito sa Bitcoin wala nyan...di talaga security in fact mas maraming "insecurities" dito dahil sa kanyang volatile na nature. Kaya para sa akin, wala ng maari pang magtanong sa SEC tungkol sa kung ano ang kalagayan ng Bitcoin di tulad ng ibang mga coins or tokens lalo na yung mga bago. Ngayon, di ko ma-imagine na may magbenbenta ng Bitcoin na may kasamang promise na kikita...oo kikita ang buyer kung tataas ang price ng Bitcoin pero wala namang guarantee yan kasi sa biglang pilik mata maaari itong bumagsak at maging walang kwenta (nagbibiro lang ako). Kaya nga maigi at mabuit sana na meron ng isang regulatory law para sa cryptocurrency industry sa USA para maging clear and defined ang halos lahat ng bagay...at posible ito dahil crypto-friendly and kasalukuyang White House administration.