Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: bisdak40 on March 11, 2025, 08:28:53 AM

Title: [Politics] Ano kaya ang epekto ng pag-aresto kay FPRRD sa ating bansa?
Post by: bisdak40 on March 11, 2025, 08:28:53 AM
Yon lang ang tanong ko, ano kaya ang epekto sa ating bayan nitong pag-aresto nila kay former President Duterte. Tingin ko may kinalaman ito sa budget, i mean diversionary tactics to ng Marcos administration para litohin tayong mga mamamayan.

Kayo, ano tingin nyo dito?
Title: Re: [Politics] Ano kaya ang epekto ng pag-aresto kay FPRRD sa ating bansa?
Post by: bhadz on March 11, 2025, 01:28:53 PM
Yon lang ang tanong ko, ano kaya ang epekto sa ating bayan nitong pag-aresto nila kay former President Duterte. Tingin ko may kinalaman ito sa budget, i mean diversionary tactics to ng Marcos administration para litohin tayong mga mamamayan.

Kayo, ano tingin nyo dito?
Posibleng diversionary tactics yan pero parang ganti ganti lang din ang nangyayari. Ang siste bakit wala ang pangulo sa bansa natin at nasa US sila? hindi binabalita kung ano ang ginagawa nila dun? ang dumi ng pulitika at kita natin ang mga kapwa nating pinoy nakikipaglaban sa kung ano ang gusto nila. Sobrang dami ng nangyayari sa bansa natin, kaya sana talaga ay "GOD save Philippines".
Title: Re: [Politics] Ano kaya ang epekto ng pag-aresto kay FPRRD sa ating bansa?
Post by: Zed0X on March 11, 2025, 02:27:28 PM
Yes, part ng diversionary tactics nila yan para mawala pansamantala sa kanila yung attention about sa budget at pagkulimbat nila ng philhealth funds. Tingin ko ang main agenda dito ay para tuluyang alisin si PRRD sa eksena sa paparating na impeachment hearing laban kay VP ISD. Isa siya sa magiging abugado at kahit hindi na siya presidente, malakas pa din ang hatak niya sa tao.

All of this para manatili sa pwesto ang angkan ng marcos/romualdez. Hindi naman sila magpapamudmod ng pera (akap, tupad, 7-7-7, atbp.) para lang matalo sa susunod na mga eleksyon. May umamin na nga na kaya pumirma sa impeachment para hindi daw maipit yung pondo na mapupunta sa bulsa este probinsya niya.