Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: bettercrypto on March 30, 2025, 09:19:29 PM

Title: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: bettercrypto on March 30, 2025, 09:19:29 PM
Ishare ko ko lang dito, kasi nakita ko lang na kung saan ay nadagdagan na naman yung pwede nating pamilian na mga p2p na gusto nating gawan ng transaction
kapag magconvert tayo ng crypto sa peso natin.

Quote
Alam kung meron ng nagbigay na ka lokal natin dito ng mga exchange na merong mga p2p at ang mga common na ginagamit sa mga ito ay ang Bitget, Bybit, At Bingx.

Ngayon meron lang akong nais na idagdag na tatlong mga exchange na kung saan ay meron ding mga p2p gamit ang gcash na for sure karagdagang option na naman ito sa atin
para meron tayong several na pamimilian at ito ay ang:

HOTCOIN - https://www.hotcoin.com/en_US/c2c/trade/

MEXC - https://www.mexc.com/buy-crypto/p2p

HOUBI - https://www.htx.com/en-us/fiat-crypto/trade/sell-usdt-php/

Yung sa MEXC bago lang nagkaroon ng p2p yan dito sa atin nung last year wala pa yan sa aking pagkakaalam pero ngayon ay meron na at good news yun sa akin, ngayon sa Hotcoin naman wala pang mga merchant na nag-aapply sa platform kaya kung meron sa mga kababayan natin dito ay pwede kayo mag-aaply dahil wala pang merchant sa platform nila sa hotcoin. At siyempre kailangan parin na verified account ka.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Zed0X on March 30, 2025, 11:17:05 PM
Nagpalit na pala ng pangalan ang Huobi to HTX? Mukhang ginagamit pa din yung lumang pangalan para hindi masyado affected yung branding/marketing at para hindi malito mga old-timers nila.  Yung sa MEXC naman , medyo matagal ko na din naririnig na meron din silang P2P
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: BitMaxz on March 31, 2025, 12:40:11 AM
Puro matatagal na exchange na yan kaso ang problema masyado nang marami ang choices kung idadagdag pa itong mga exchanges na to. Ung mexc usually ito ginagamit ng mga indiano sa palagay ko hindi na safe kung gagamitin mo pa itong exchange na ito pero isa yan sa top 20 safe exchanges sa CMC at perahas sila ng Huobi.

Sa hotcoin matagal narin yan kaso masyadong maliit ang exchange na yan at 50/50 pa ang trust score nyan sa CMC/Coingecko kaya mas mainam na mag stay na muna sa mga exchange na alam natin kasi under pa yun ng top 5 exchange at legal pa locally di tulad ng mga exchanges na iba hindi tayo sure.
Chaka alam mo naman yung dating mga exchange walang mga mukha bigla na lang nag rarug pull kasama yung mga assets natin kaya mas safe kung yung gagamitin lang natin is yung mga exchange na mostly ginagamit talaga ng mga pinoy chaka yung mga ginagamit nating exchange ngayon pwedeng habulin sa korte kung sakaling mag karon ng problema sa account natin.
Yung hotcoin hindi ako sure sabi co founder daw ng binance maari nyan pero kulang ang mga information kaya delikado kung mag stocks ka ng mga coins jan para sa trading kasi pwedeng bluff lang yun para ma attrak mga tao gamitin ang exchange na yan.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: TravelMug on March 31, 2025, 02:13:58 AM
Nagpalit na pala ng pangalan ang Huobi to HTX? Mukhang ginagamit pa din yung lumang pangalan para hindi masyado affected yung branding/marketing at para hindi malito mga old-timers nila.  Yung sa MEXC naman , medyo matagal ko na din naririnig na meron din silang P2P

May 2 years na nag re-brand ang Huobi to HTX, so palagay ko marami nang nakapag adjust sa bagong brand nila.

And sa MEXC naman, this year lang sila ng support ng PHP.

Quote
MEXC P2P Now Supports Philippine Peso (PHP)!

2025-01-22

As part of our ongoing efforts to enhance MEXC's P2P trading platform and expand support for more fiat currencies, we are pleased to announce that the Philippine peso (PHP) is now available for buying and selling cryptocurrency.

MEXC P2P offers traders the most convenient, cost-effective service for buying and selling cryptocurrency with zero transaction fees. For Philippines users, P2P supports popular payment methods such as Gcash, Maya, Bank Transfer, and GoTyme Bank.

https://www.mexc.com/support/articles/17827791521499
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Mr. Magkaisa on March 31, 2025, 04:17:51 PM

       -         Oo tama ka dyan yung last year ay wala pang pang php sa p2p nila, itong taon lang nagkaroon ng p2p ang Mexc sa PHP, actually sinubukan ko siya kanina at sa aking naranasan ay okay naman siya smooth yung transaction just like the other exchange na merong p2p din.

So nasa bawat isa nalang sa atin kung nais nilang subukan ba o hindi, basta siguro minsan magagamit ko rin itong p2p ng mexc dahil meron din naman ako kahit papaano na assets sa platform exchange na ito.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Crwth on March 31, 2025, 04:21:14 PM
May mga nakasubok na ba nito ng MEXC na P2P? Planning to do some P2P soon baka maganda na dun ko na padaanin para ma try din. I want to hear opinions din sa ibang tao bago ko subukan.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Mr. Magkaisa on April 01, 2025, 06:28:07 PM
May mga nakasubok na ba nito ng MEXC na P2P? Planning to do some P2P soon baka maganda na dun ko na padaanin para ma try din. I want to hear opinions din sa ibang tao bago ko subukan.

     -     Sinubukan ko siya nung isang araw mate, at so far okay naman yung naging flow ng transaction mabilis din naman sang-ayon sa ginawa ko na 15mins lang yung duration time at parang 5mins lang completed na yung transaction na ginawa ko nasa halagang 9$ lang naman at sa Seabank din sinubukan ko.

So magandang choice din naman itong Mexc dahil kasama naman ang exchange na ito sa top exchange din sa kapanahunang ito na pinagkakatiwalaan din at may malaking volume din ng mga traders sa field na ito. overall okay naman din.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: target on April 01, 2025, 06:40:38 PM

Sa presyohan na lang ata nagkakatalo dahil kung makikita mo sa Hotcoin parang $1 = PHP 56.xx and palitan nila. Habang sa iba ay mga Php57.xx

At kokonti lang tao dun sa Hotcoin. Kung wala kang choice baka yan na langtalaga ang pupuntahan mo. pero gawin nilang no KYC yan baka maraming magsipuntahan jan. Marami parin ang gusto discreet sa crypto.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: bettercrypto on April 02, 2025, 10:58:36 AM

Mukhang bumaba ang palitan ng dolyar ngayon dahil sa bitget nasa 57.1php highest at ang mababa ay nasa 56.85php samantalang sa Mexc naman ay nasa 56.9php at pinaka mababa naman ay 55.05php, so hindi naman sila nagkakalayo ng presyo.

Saka yung no kyc sa mga cex platform sa tingin ko hindi yan posible, dahil parang wala pa akong nakita na mga Cex platform na merong p2p na walang kyc, bakit meron kana bang naencounter na ganun? sang-ayon sa mga nasubukan ko na mga p2p under ng cex platform.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: jeraldskie11 on April 02, 2025, 04:10:33 PM
Salamat sa info kabayan. Expected talaga na yung mga maliliit na exchanges kalaunan ay maglulunsad ng P2P sa kanilang platform. Malaking ambag kasi ito sa kanila upang makakuha ng maraming mga users. Marami kasing mga users na gumagamit ng exchange upang makapagwithdraw gamit ang P2P, nakakadagdag kasi ito ng exposure sa kanila. Yung mga exchanges na namention sa itaas sigurado wala pa masyadong gumagamit sa bagong features nila na P2P pero isa itong magandang hakbang sa pagdevelop ng kanilang platform.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: 0t3p0t on April 02, 2025, 04:50:17 PM
Masarap sa pakiramdam na may mga panibagong options nanaman tayo mga kabayan at sana ay hindi ito magtapos dito at sa tatlong yan dalawa lang yung familiar sakin MEXC which is matagal ko nang gamit at itong Huobi na wala akong account but nakikita ko na sila dati sa cmc yung isa parang ngayon ko lang nalaman yan at sana marami pang darating na ganyan in the future.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: BitMaxz on April 02, 2025, 06:17:55 PM
[quote author=Mr. Magkaisa link=topic=329086.msg1742849#msg1742849 date=1743524887

     -     Sinubukan ko siya nung isang araw mate, at so far okay naman yung naging flow ng transaction mabilis din naman sang-ayon sa ginawa ko na 15mins lang yung duration time at parang 5mins lang completed na yung transaction na ginawa ko nasa halagang 9$ lang naman at sa Seabank din sinubukan ko.

So magandang choice din naman itong Mexc dahil kasama naman ang exchange na ito sa top exchange din sa kapanahunang ito na pinagkakatiwalaan din at may malaking volume din ng mga traders sa field na ito. overall okay naman din.
[/quote]

Diba usually indian ang gumagamit nyan mostly yan nakikita kong exchange ginagamit ng mga indian traders sa youtube?
Di kaya yung mexc based sa indian country? Alam nyu naman mga bumbay hidi dapat pagkatiwalaan. Saakin lang a kasi meron din tayong trusted exchange nuon gaya ng poliniex na naging scam after ng mga ilang years daming mga nag reklamo sa kanila at gigamit nilang panangga yung AML para sa KYC yung iba hindi naka withdraw ng mga coins nila kasi biglang nagkarron din sila ng regulation dito na obvious naman na scam attempt na may kasamang legal way para hindi isipin ng iba nang scam sila.

Kaya ingat ingat lang sobra na daming option kaya ang recommended ko kung gagamit kayo ibang mga exchange make sure lang na maliit lang transaction nyo o idideposit nyo para hindi masakit sa bulsa.

Sa ngayun dun munako sa mga nasubukan ko na ayuko na kasing ikalat pa masyado yung documents ko. At baka mamaya mag karon sila ng leak.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: bhadz on April 02, 2025, 10:30:26 PM
Nagpalit na pala ng pangalan ang Huobi to HTX? Mukhang ginagamit pa din yung lumang pangalan para hindi masyado affected yung branding/marketing at para hindi malito mga old-timers nila.  Yung sa MEXC naman , medyo matagal ko na din naririnig na meron din silang P2P
Oo kabayan, pagkakaalala ko matagal na silang nagrebrand into HTX. Para iisang exchange nalang yan para din sa ibang local huobi users nila dati.

Sa ngayun dun munako sa mga nasubukan ko na ayuko na kasing ikalat pa masyado yung documents ko. At baka mamaya mag karon sila ng leak.
Parehas tayo ng nasa isip natin. Maganda na madami tayong options para kung saan tayo comfortable ay doon tayo. Pero isa ito sa risk na madaming option tapos verified ka sa lahat ng mga exchanges na yan. Nasa sa atin din naman yan pero purong advantage ang maganda kapag mas madaming choices.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: TomPluz on April 03, 2025, 04:54:24 PM
Sa mga tatlong exchanges nasa taas na napag-usapan, mas familiar ako sa MEXC kasi ginamit ko yan noon pa at dyan nawala ang ETH ko kasi di sila (noon ewan ko ngayon) pwede tumanggap ng ETH galing sa isang exchange na gumagamit ng smart contract tulad ng Coins.ph na walang warning sa kanilang site na gumagamit sila nito. Anyway, overall ok naman yang MEXC pero obviously ang mga employees nila sa customer service di masyado nakakaintindi ng English. At dahil meron na rin silang P2P maganda din itong alternatibo sa mga nasa Pilipinas...sana lang di barat ang mga rates na binibigay ng mga local merchants nila.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Mr. Magkaisa on April 03, 2025, 07:19:17 PM
Diba usually indian ang gumagamit nyan mostly yan nakikita kong exchange ginagamit ng mga indian traders sa youtube?
Di kaya yung mexc based sa indian country? Alam nyu naman mga bumbay hidi dapat pagkatiwalaan.

           -     Alam mo kabayan hindi naman sa kinakampihan ko yung mga boombay ha, kasi medyo sablay ka sa sinabi mong ito, sorry pero masyado kang naging mapanghusga sa kapwa mo, porke boombay o indiano ay mga masasamang tao na at di-dapat pagkatiwalaan, ganun ba yun? maiintindihan pa sana kita kung lahat ng mga pilipino ay walang masamang tao. Huwag naman sanang ganyan, pano nalang kung may makabasa nitong sinabi mo na boombay na taga indian naligaw dito sa lokal section natin, at nabasa nya itong sinabi mo, sa tingin mo anong iisipin ng mga boombay o indiano sa ating mga pinoy?  pano kung ibaling nila sa kapwa kababayan na ofw sa bansa nila na naninirahan o nagtatrabaho dun pag-isipan nila ng hindi rin maganda na kahit walang ginagawang masama yung kababayan natin dun ay masama ang magiging tingin nila sa mga pilipino.? pwede nilang isipin na ganyan pala ang pinoy ang baba ng tingin sa ating mga boombay o indiano. medyo ingat din sa pagbitaw ng mga salita kabayan sa ibang lahi.

Oo andun na tayo nagpapaalala ka sa mga kababayan natin dito choice naman nila yan kung gamitin nila o hindi, huwag na sana tayong tumulad sa iba na judgemental. Uulitin ko hindi ako galit sayo kabayan, hindi rin naman siguro masama na magpaalala kung alam natin na mali yung sinabi ng kapwa natin.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: target on April 03, 2025, 08:05:28 PM

Hindi na ba kayo gumagamit ng binance? Marami pa ring namang tao dun sa binance at nagsisi bilihan pa rin naman dun sa P2p nila. Kaya kahit may alternative andon pa rin a ko sa binance.

Wag lang lahatin dahil matino naman sila. Nakatiempo lang ata sya na malokong Indiano. Nong nagrefund ako sa ticket ng sister ko, Indiano lang nag assist sa akin. Sya lang nagtyiaga pero ang ibang lahi ay binababaan pa ako ng telepono.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: gunhell16 on April 06, 2025, 10:43:32 AM

Tama huwag lang lahatin, kahit pa sabihin natin na merong indiano na nanloko o nag-iscam sa kanya ay hindi tamang lahat ng indiano ay hindi mapagkatiwalaan. Meron parin yan at madami parin ang mapagkatiwalaan sa mga yan, dahil yung mga yan diba nga nagpapautang pa nga sa mga kababayan natin na sa bumbay kumakapit.

Ngayon mabalik tayo sa tunay na paksa nasa indibidual naman kung makakatulong ba sa kanila yung binigay na option kapag magsasagawa ng p2p transaction ang mga kababayan natin, malaya naman ang lahat na gawin o hindi na gamitin ang nabanggit ng mga options yun lang naman yun.
Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: BitMaxz on April 06, 2025, 06:36:35 PM
Oo andun na tayo nagpapaalala ka sa mga kababayan natin dito choice naman nila yan kung gamitin nila o hindi, huwag na sana tayong tumulad sa iba na judgemental. Uulitin ko hindi ako galit sayo kabayan, hindi rin naman siguro masama na magpaalala kung alam natin na mali yung sinabi ng kapwa natin.
Overreacted ka boss Hindi ko sinabing lahat. Ang ibig sabihin ko lang dito mag ingat ingat din pero nasa sainyo na iyon kung mag titiwala kayo sa exchange na yan.
Chaka iba iba naman tayo naranasan saakin kasi halos mga nang scam sakin nuon mga indiano kung hindi duon sa kabilang forum dun sa telegram. Crypto din nawala sakin at may mga value ang mga yun.
At hindi ako judge mental yun lang talaga kasagaran kong nakakausap na sinusubukan ulit akong iscamin.
Kung sa exchange naman OK naman ang exchange na yan pero ingat ingat din kasi minsan nag reregulate ang ibang exchange kung based yan sa india pwedeng iprohibited ang pinas.
Chaka kaya ayaw ko rin kayong makaranas ng naranasan ni bibiano sa exchange nayan.
Ito meron syang update na nahack account nya jan sa Mexc pero unresolved padin o walang update kung naibalik ba yung pera nya galimg sa mexc. Kaya ingats na lang sa gagamit ng mexc nasa sainyo na yan.

Title: Re: New Discover P2P exchange sa Peso natin
Post by: Mr. Magkaisa on April 06, 2025, 07:00:43 PM

        -     Napanuod ko yung unang video nyan last year, at nakita ko na hindi complete details yung sinabi nya sa unang video nung napanuod ko yun. Saka nag quote lang naman ako sa isang sentence na sinabi mo na " Di-dapat pagkatiwalaan ang mga bumbay" wala kang binanggit na hindi lahat ng bumbay ay hindi dapat pagkatiwalaan o hindi mo nilalahat.

Well anyway wala tayong dapat pagtalunan sa bagay na yan, nagremind lang ako sa part na sinabi mo na yun, ngayon sa video na yan ay lumalabas na dapat parin na pagkatiwalaan yang mexc kasi hindi naman nila pinabayaan yung tao na mawala yung fund, naka freeze ito maaring may mga requirements pa silang hinihingi para maresolve yung isyu nung tao dahil kung titignan mo nagkaproblema sa unmatch documents  na hindi alam o sure nung tao kung pano nangyari. overall naman lahat naman tayo nagpapaalala lang sa isa't-isa, Magandang araw sayo...