Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: TomPluz on April 25, 2025, 11:29:56 AM

Title: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: TomPluz on April 25, 2025, 11:29:56 AM

(https://fitzvillafuerte.com/wp-content/uploads/2017/01/pera-investment.jpg)

Sang-ayon ba lahat dito na PERA talaga ang habol natin at dahilan kaya napasok tayo sa industriya ng kriptokarensi? Sa ganang akin, talagang aaminin ko yan kasi nagsimula ako dito ng walang kaalam-alam sa mga detalyeng teknikal o mga adhikain na akin na lang nalaman nung nandito na ako. Sa madaling salita, kung nagkataon na walang oportunidad ng kitaan dito eh malamang di ako mag-aksaya ng oras at di magsikap kaya umabot na ako ng ilang taon dito. Yun nga lang ang masakit eh di pa ako yumaman sa kadahilanang meron akong mga mali na ginawa noon na talagang pinagsisihan ko ng lubos.

Napaisip tuloy ako,,,pera pera bakit ba ikaw ay ginawa? Pampatawa lang po yan para maibsan naman ang hirap ng araw na araw sa buhay dito sa ating mayamang bansa na maraming mahihirap (pero nakangiti pa rin).

Ikaw..."mukha ka rin bang pera" tulad ko o iba ang pananaw mo sa buhay?

Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Zed0X on April 25, 2025, 12:37:09 PM
Meron ba sa atin ditong mga tipong scientist? Yung mga tipong obsess sa mga bagay-bagay ;D Walang masama na isipin ang benepisyo (madalas pera) na maibibigay sa'yo bago mo gawin ang isang bagay. Yung salitang 'hanapbuhay' kung isasalin sa ibang salita ay hanap pera na din yan. Hindi ka naman talaga mabubuhay kung wala ka nyan. Malayo naman yan sa 'mukhang pera'.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: 0t3p0t on April 25, 2025, 03:27:10 PM
Well yeah to be honest pera talaga ang hinahanap ko kabayan dahil naalala ko pa nuon na nagresearch ako ng pwede maging gawing source of income or side hustle online at yun nakilala ko ang crypto. I am not here for the technology and other technicalities ng crypto but I like how it works lalo na ang decentralization and any other crypto related job na pwedeng tutukan upang kumita ng pera ng di na kailangan lumabas ng bahay.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: bhadz on April 25, 2025, 03:29:28 PM
Noong una parang curiosity lang tapos naging meme na ngayon yung tipong 'for the tech' na sinasabi dahil nga sa blockchain. Pero katulad mo OP pera talaga. Bakit tayo nagi invest dahil para kumita, bakit nagstay sa industry na ito para sa pera. Bakit nagtetrade, para sa pera. Kaya walla ng bolahan, yan ang totoo. Ang kinagandahan lang talaga ng crypto, ang daming nabuong mga communities at hanggang ngayon nandito tayo, may kaniya kaniya mang buhay pero pinagtatagpo ng crypto.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: gunhell16 on April 25, 2025, 03:57:52 PM
Meron ba sa atin ditong mga tipong scientist? Yung mga tipong obsess sa mga bagay-bagay ;D Walang masama na isipin ang benepisyo (madalas pera) na maibibigay sa'yo bago mo gawin ang isang bagay. Yung salitang 'hanapbuhay' kung isasalin sa ibang salita ay hanap pera na din yan. Hindi ka naman talaga mabubuhay kung wala ka nyan. Malayo naman yan sa 'mukhang pera'.

Bakit pag wala kabang pera mamamatay kaba o tayo agad? Parte ang pera sa mga bagay na nais nating makuha sa buhay, like gusto nating magkabahay at lupa, sasakyan,  at sariling negosyo at iba pa na related sa mga pangarap na gusto natin para sa ating pamilya.

Ngayon, nakita natin na para magkaroon tayo ng pera sa mabilis o tamang panahon, itong cryptocurrency o bitcoin pwedeng maging tools o instrumento para mangyari yung mga bagay na naisin natin. Kaya dumidiskarte ang tao para makasurvive, saan? gastusin o bayarin or else sa lansangan tayo pupulutin, hindi sa term na hindi tayo mabubuhay kung wala tayong pera, no, hindi ganun, hindi lang natin mabibili yung mga bagay na kailangan natin para sa pamilya na meron tayo or else magiging tulad tayo ng ibang mga tao sa lansangan na palaboy-laboy o nanlilimos at umaasa sa bigay ng iba tulad pagkain o barya para may pambili sila. In short, pagmadami kang pera makukuha natin o mabibili yung mga gusto natin at kung walang pera hindi natin mabibili yung mga pangarap na gusto natin.  Opinyon ko ito.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: bitterguy28 on April 25, 2025, 04:32:36 PM

(https://fitzvillafuerte.com/wp-content/uploads/2017/01/pera-investment.jpg)

Sang-ayon ba lahat dito na PERA talaga ang habol natin at dahilan kaya napasok tayo sa industriya ng kriptokarensi?
sigurado ako na marami sa atin ang pumasok sa industriya na ito dahil sa pera pero sa simula lamang ito dahil kalaunan sigurado akong marami sa atin ang nakarealize ng mga benefits ng bitcoin o crypto maliban lang sa pera

marami sa mga unbanked ang ngayon ay nasa crypto na at isa ito sa mga pinaka malaking benefits ng crypto at hindi lang ito tungkol sa pera aminin natin na pera ang nagattract satin sa industriyang ito pero madaming dahilan para manatili tayo
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: target on April 25, 2025, 04:52:41 PM

Trading na talaga habol ko kahit noon pa na napadpad ako sa foreign exchange. Pinag-usapan lang sa Forex forum ang Bitcoin kaya ako nagka-interest noong 2016.

Pero investment na rin ang nahanap ko dahil para naman kasin stock market ang crypto. Totoo naman na pera din habol ko. Meron akong pamilya at mga anak na pinapaaral. Hindi ko sila maitataguyud kung walang tulong mula sa crypto.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Mr. Magkaisa on April 25, 2025, 05:55:44 PM

Trading na talaga habol ko kahit noon pa na napadpad ako sa foreign exchange. Pinag-usapan lang sa Forex forum ang Bitcoin kaya ako nagka-interest noong 2016.

Pero investment na rin ang nahanap ko dahil para naman kasin stock market ang crypto. Totoo naman na pera din habol ko. Meron akong pamilya at mga anak na pinapaaral. Hindi ko sila maitataguyud kung walang tulong mula sa crypto.

         -     Karamihan naman siguro sa atin mga pamilyadong tao, at pare-parehas lang din naman siguro tayo na ang tingin sa cryptocurrency o bitcoin ay parang katulad ng stockmarket naman din talaga. Nataon lang siguro na mas madali nating naunawaan at naintindihan yung benefits nito kumpara mismo sa stocks talaga.

Lahat naman tayo dito ay pera ang reason wala ng iba pa, naging isa lang sa dagdag na paraan ang bitcoin o cryptocurrency na makatulong sa ating pangangailangan na financials para sa ating mga pamilya.

Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: robelneo on April 25, 2025, 06:50:51 PM
Honest ako na tanggapin na pera ang isa sa dahilan at ikalawa ang innovation na dala ng cryptocurrency, naging mdali ang pagpasok sa crypptocurrency kasi dati naman ako involve sa MLM, HYIP noon pa sa moneymakergroup forum.
Kaya napadali ang pagkakaintindi ko sa Bitcoin at potential nito, at di naman ako nagkamali kasi talagang gumanda ang buhay ng marami sa atin dito dahil sa cryptocurrency, iba talaga pag early bird ka sa isang bagong technology at pagkakakitaan.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Zed0X on April 25, 2025, 10:28:01 PM
Honest ako na tanggapin na pera ang isa sa dahilan at ikalawa ang innovation na dala ng cryptocurrency, naging mdali ang pagpasok sa crypptocurrency kasi dati naman ako involve sa MLM, HYIP noon pa sa moneymakergroup forum.
Napaisip tuloy ako ng comparison nung dalawa/tatlo. Hindi ba yung MLM/HYIP ay parang sa mga taong may pagka-extrovert dahil kailangan talaga kumausap o mag-prisinta sa mga tao? Yung sa crypto naman, pwede na sa sulok ng kanyang kwarto para kumita.

~ Hindi ka naman talaga mabubuhay kung wala ka nyan.
Bakit pag wala kabang pera mamamatay kaba o tayo agad?
Alam ko naman na alam mo ang talagang ibig sabihin nyan.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: BitMaxz on April 25, 2025, 11:59:49 PM
Hindi naman ako mukang pera.  ;D talagang kailangan lang talaga ng pera dahil sa mga pangangalangan.

Pero hindi lang yung mahilig kasi rin ako sa bago at mga technology na bagay tulad ng crypto. Nakiuso ako dahil narin sa nakikita ko na ito talaga future. Hindi lang naman pera lang pero sa palagay meron ditong mga ganon yung mga posible na greedy at scammers.

Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: jeraldskie11 on April 26, 2025, 05:20:01 PM
Ako sa totoo lang, nung bago palang ako sa crypto ay pera talaga ang naging dahilan kung bakit ako nandito. Wala akong kaalaman sa crypto nung una, nalaman ko lang ang tungkol sa crypto dahil sa forum. Nainterest kasi ako sa mga pay per post na magkakapera daw kaya pumasok ako, at sa forum ko na nalaman ang tungkol sa crypto. Hindi pwede na hindi tayo mag-aral sa crypto dahil wala tayong mai-aambag sa forum tapos maraming mga opportunity sa crypto dati na pwedeng makakapagbago ng buhay mo kaya worth it talaga na kumuha ng kaalaman sa crypto.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Mr. Magkaisa on April 26, 2025, 06:59:19 PM
Honest ako na tanggapin na pera ang isa sa dahilan at ikalawa ang innovation na dala ng cryptocurrency, naging mdali ang pagpasok sa crypptocurrency kasi dati naman ako involve sa MLM, HYIP noon pa sa moneymakergroup forum.
Kaya napadali ang pagkakaintindi ko sa Bitcoin at potential nito, at di naman ako nagkamali kasi talagang gumanda ang buhay ng marami sa atin dito dahil sa cryptocurrency, iba talaga pag early bird ka sa isang bagong technology at pagkakakitaan.

        -     Galing karin pala dyan sa moneymakergroup forum, niyaya din ako ng kaibigan ko dyan, oo tama ka hindi rin ganun naging kahirap sa akin na aralin o unawain itong forum kung ano ang meron dito. Ang bottom line naman talaga kaya ako napunta dito sa forum na ito o sa industry na ito ay pera parin.

Kasi nga madami tayong gustong makamit sa buhay at parte ang pera para mangyari na makuha natin ang mga bagay na ito. Nakakadagdag kasi ang pera na mapabilis na makuha ang nais natin kung madami tayong maipon na pera kaya naman nakitaan natin ang bitcoin o cryptocurrency sa bagay na ito.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: 0t3p0t on April 26, 2025, 08:51:21 PM
Noong una parang curiosity lang tapos naging meme na ngayon yung tipong 'for the tech' na sinasabi dahil nga sa blockchain. Pero katulad mo OP pera talaga. Bakit tayo nagi invest dahil para kumita, bakit nagstay sa industry na ito para sa pera. Bakit nagtetrade, para sa pera. Kaya walla ng bolahan, yan ang totoo. Ang kinagandahan lang talaga ng crypto, ang daming nabuong mga communities at hanggang ngayon nandito tayo, may kaniya kaniya mang buhay pero pinagtatagpo ng crypto.
Totoo yan kabayan, halos lahat tayo ay ganyan talaga ang pakay kaya napadpad sa mundo ng mga immortal este cryptocurrency haha I am not sure kung meron dito na ang habol eh yung tech lang talaga or ginagamit as payment method every single day ang Bitcoin.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: robelneo on April 26, 2025, 08:58:42 PM
I am not sure kung meron dito na ang habol eh yung tech lang talaga or ginagamit as payment method every single day ang Bitcoin.

Later on meron na rin yung mga business owners na gustong gamitin ang Bitcoin o iintegrate sa kanilang business pero kahit ang main intention mo ay business integration hindi mo pa rin maiiwasan na tignan at aralin ang profit side ng cryptocurrency kasi malaki talaga ang profit kung marunong ka talaga laruin ang trading at investing.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: gunhell16 on April 27, 2025, 07:47:57 AM
I am not sure kung meron dito na ang habol eh yung tech lang talaga or ginagamit as payment method every single day ang Bitcoin.

Later on meron na rin yung mga business owners na gustong gamitin ang Bitcoin o iintegrate sa kanilang business pero kahit ang main intention mo ay business integration hindi mo pa rin maiiwasan na tignan at aralin ang profit side ng cryptocurrency kasi malaki talaga ang profit kung marunong ka talaga laruin ang trading at investing.

oo tama ka dyan, time will come talaga na madaming mga merchans o mga businessmen ang iaadopt talaga nila ang Bitcoin at ibang mga cryptocurrency sa kanilang mga negosyo na meron sila. Ngayon pa nga lang dito sa bansa natin meron ng merchants na gumagawa nito.

Kaya hindi malabong mangyari ito sa lahat ng dako ng bansa natin, hindi lang natin alam kung kelan talaga, Pero alam ko madami talagang mga kababayan natin in the future na gagawin nila itong source of income talaga para maging fiat sa bansa natin.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Baofeng on April 27, 2025, 10:55:36 AM
Hindi naman masama ang pera, at mali ang paniniwala na Money is the root of all evil. Kung wala tayong pera, hindi tayo mabubuhay ng maayos. So hindi lang naman sa industry na to, sa lahat din, kaya nga tayo nagtratrabaho o nag nenegosyo eh para meron tayong mapakain sa pamilya at mapag aral ang anak.

So lahat ang patutunguhan at para sa pera o salapi. At tiyak ako marami na ring nakapag pundar dito diba?
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: Mr. Magkaisa on April 27, 2025, 05:54:14 PM
Hindi naman masama ang pera, at mali ang paniniwala na Money is the root of all evil. Kung wala tayong pera, hindi tayo mabubuhay ng maayos. So hindi lang naman sa industry na to, sa lahat din, kaya nga tayo nagtratrabaho o nag nenegosyo eh para meron tayong mapakain sa pamilya at mapag aral ang anak.

So lahat ang patutunguhan at para sa pera o salapi. At tiyak ako marami na ring nakapag pundar dito diba?

      -    Naniniwala ako na money is the root of all evil, at vice versa din na naniniwala ako na hindi masama ang pera. Kaya lang kadalasan sa kapanahunang kahit noon pa karamihan na mga tao sa buong mundo ay nakakagawa ng masamang bagay dahil sa pera.

Sapagkat may mga tao na nagiging sakim dahil sa pera, nakakagawa ng krimen, dahil sa kahirapan, nakakagawa ng pagnanakaw dahil sa pera at iba pa. Lahat ng ito dahil sa pera, kumbaga pwede naman na hindi maging ganyan ang isang tao kung hindi natin hahayaan na makontrol tayo ng pera sa halip tayo ang kumontrol sa pera.
Pero dahil sa pera sa panahon na ito makakamit natin yung mga bagay na nais natin na maipundar para sa ating sarili o pamilya na meron tayo.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: target on April 27, 2025, 06:59:04 PM

Sa panahon ngayon mas masama ka kung wala kang pera dahil hindi mo mabibili gusto ng mga taong dependent sayo. Meron kang babayrain gaya ng tubig at kuryente, kung hindi mo babayaran ang mga yan nako ang sama mong tao dahil tamad ang ituturin sayo.

Kung meron lang talagang lugar na hindi kailanganin ang pera para mabuhay ay baka andun papunta ang mga tao. Pero wala ng ganyan ngayon kahit sa kasulok sulukang bundok ng Pilipinas maghihirap ka kung wala kang pera.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: bitterguy28 on April 27, 2025, 07:02:19 PM
Hindi naman masama ang pera, at mali ang paniniwala na Money is the root of all evil. Kung wala tayong pera, hindi tayo mabubuhay ng maayos. So hindi lang naman sa industry na to, sa lahat din, kaya nga tayo nagtratrabaho o nag nenegosyo eh para meron tayong mapakain sa pamilya at mapag aral ang anak.

So lahat ang patutunguhan at para sa pera o salapi. At tiyak ako marami na ring nakapag pundar dito diba?

      -    Naniniwala ako na money is the root of all evil, at vice versa din na naniniwala ako na hindi masama ang pera. Kaya lang kadalasan sa kapanahunang kahit noon pa karamihan na mga tao sa buong mundo ay nakakagawa ng masamang bagay dahil sa pera.

Sapagkat may mga tao na nagiging sakim dahil sa pera, nakakagawa ng krimen, dahil sa kahirapan, nakakagawa ng pagnanakaw dahil sa pera at iba pa. Lahat ng ito dahil sa pera, kumbaga pwede naman na hindi maging ganyan ang isang tao kung hindi natin hahayaan na makontrol tayo ng pera sa halip tayo ang kumontrol sa pera.
Pero dahil sa pera sa panahon na ito makakamit natin yung mga bagay na nais natin na maipundar para sa ating sarili o pamilya na meron tayo.

Sa panahon ngayon mas masama ka kung wala kang pera dahil hindi mo mabibili gusto ng mga taong dependent sayo. Meron kang babayrain gaya ng tubig at kuryente, kung hindi mo babayaran ang mga yan nako ang sama mong tao dahil tamad ang ituturin sayo.
ang mali lang ay kung gagawin nating centro ng buhay natin ang pera importante naman talaga ang pera at kung wala tayo nito maghihirap talaga tayo kung wala kang pera, mahirap mabuhay at kung magkasakit ka ay lalong delikado ka

mas mabuti ng may pera ka pero alam mo na hindi lang ito ang nagiisang source of happiness mo
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: 0t3p0t on April 27, 2025, 10:38:18 PM
I am not sure kung meron dito na ang habol eh yung tech lang talaga or ginagamit as payment method every single day ang Bitcoin.

Later on meron na rin yung mga business owners na gustong gamitin ang Bitcoin o iintegrate sa kanilang business pero kahit ang main intention mo ay business integration hindi mo pa rin maiiwasan na tignan at aralin ang profit side ng cryptocurrency kasi malaki talaga ang profit kung marunong ka talaga laruin ang trading at investing.
Yan din naiisip ko kabayan na iadopt nila ang Bitcoin sa mga susunod na mga panahon dahil syempre makikitaan nila ng potential ito dahil sa pandaigdigang adoption. I am not sure lang kung ano na nangyari dun sa Bitcoin Island dito sa Pinas.
Title: Re: Pera ang dahilan ng lahat kaya nandito tayo sa industriya na ito...?
Post by: bisdak40 on April 28, 2025, 09:55:52 AM
Ikaw..."mukha ka rin bang pera" tulad ko o iba ang pananaw mo sa buhay?

Hindi ako mahihiyang aaminin na pera talaga ang nag-udyok sa akin para mapunta ako dito sa mundo ng cryptocurrency. Tulas mo, wala rin akong alam noong ako'y unang pumasok dito pero sa kalaonan ay medyo may natutunan na rin kahit kaunti pero still learning pa naman at hoping na giginhawa ang buhay sa mga darating na panahon kung papalarin.