Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: cheneah on July 26, 2018, 04:43:08 PM
-
Mga kabayan,since nasa off topic section tayo,di muna related sa cypto ang tatanungin ko.Kabayan sa nakaraang sona ni Pres.Duterte,may nais ba kayong idagdag sa mga tinalakay niya or may mga hinaing ba kayo na dapat ay nabigyan niya ng sagot,.
-
Wala na ako masabi pa total para sa akin nginagawa niya naman tungkulin niya kaya maganda nayon lalo na at hindi madaling maging president.
-
Kontento na ako sa pamamalakad ng admistrasyong duterte, Ang importante ginawa nya ang trabaho nya, hindi tulad ng ibang President ang daming mga plano sa bansa pero walang namang na gawa puro pangongorakot lang
-
ako neutral ako djan wala akong comment basta sumonud lang ako at magbayad sa tamang buhis yan ang utos sa dios na sumonud tayo sa mga awtoridad sa lupa
-
ang masasabi ko lang maganda ang ginawa ni duterte at ang platform na build build build at ang kontra droga. Kaya kuntento ako sa sona niya.
-
Sa totoo lang kabayan hindi ko napanood ang SONA ng ating pangulo pero sabi ng karamihan ay maganda raw ang kanyang mga naisabi para sa atin.
-
Hindi ko rin napanood ang sona ng ating pangulo, pero ang sabi ng mag kaibigan ko, hindi daw nabangit ang pag taas ng sweldo ng mangagawa, kung saan yan ang kailangan ngayun ng ating mga kababayan sapagkat ang taas na ng mag bilihin ngayon, dito sa aming bayan ang bigas halos double na ang presyo, at hndi lng yan nagkakaubusan na.
-
Para sa akin kabayan ok na ang ginagawa ni PRRD sa ating bayan lalo na sa mga ilegal na droga pati mga kurakot na tao na naka upo sa gobyerno. Kaso sana mas maganda kung pati ang sahod ng mga nasa probinsya ay baguhin na rin niya para hindi na pumunta ng maynila ang mga tao para maghanap ng trabaho. At sana bumaba narin ang mga bilihin sa ating bansa para naman ang mga mahihirap ay makatikim ng ginhawa.
-
Maganda ang sona ni president. At hanggang ngayon marami parin naniniwala sa kanya.
-
anf ayaw ko lang ay ang tinatawag na train law. Sana masulusyonan ito kasi nagiging dahilan din ito ngayon sa pagtaas ng maraming bilihin.
-
Mga kabayan,since nasa off topic section tayo,di muna related sa cypto ang tatanungin ko.Kabayan sa nakaraang sona ni Pres.Duterte,may nais ba kayong idagdag sa mga tinalakay niya or may mga hinaing ba kayo na dapat ay nabigyan niya ng sagot,.
Naging tampok sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nitong Lunes ang kanyang kampanya kontra droga, ang kahalagahan ng pagsugpo sa kriminalidad at katiwalian, ang batas para sa rehiyon ng Bangsamoro, at ang importansiya ng kapaligiran at ng West Philippine Sea.
Gaya ng ipinangako ng MalacaƱang, maikli lang ang talumpati ng pangulo, at ito ay tumagal lang ng halos 50 minuto kumpara sa 120 minuto noong nakaraang SONA.
Narito ang mga isyung tinalakay ni Duterte sa kaniyang talumpati:
BANGSAMORO
Hindi natuloy ang ipinangako ng MalacaƱang na pagpirma sa Bangsamoro Organic Law dahil nabigo ang House of Representatives na ratipikahin ang panukalang batas.
Naratipika naman ng Senado ang naturang panukala ilang oras bago ang SONA.
Ayon sa pangulo, sa oras na maratipika ng Kongreso ang panukala ay pipirmahan niya ito sa loob ng 48 oras.
Nangako rin si Duterte ng mas malaking pondo para sa Mindanao.