Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: Nikko on July 30, 2018, 04:54:54 PM

Title: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Nikko on July 30, 2018, 04:54:54 PM
Kung kayo ang tatanongin mga kabayan naniniwala ba kayo sa gayuma ? Kasi kung totoo ang gayuma baka pwde naman paturo dyan kung paano gawin ?hahaha
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Angkoolart10 on July 31, 2018, 01:08:56 AM
Naisip ko rin yan noon kabayan na totoo kaya yung gayuma? may mga nagsasabi na totoo daw dahil may mga kaibigan sila na ginayuma ng mga asawa nila, Para sakin naman naniniwala ako pero meron din akong kunting pagtataka dito dahil kung totoo yun ei bakit yung ibang marurunong ei hindi rin kagandahan o kagwapuhan ang napangasawa nila, syempre dapat kung marunong ka piliin mo na yung maganda at may pera :-D.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Zurcemozz on July 31, 2018, 03:08:41 AM
kung meron man siguro nyan, marami ng nagkainlaban, pero palagay ko hindi, dahil malawak ang pag iisip ng mga tao :D
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: jings009 on July 31, 2018, 03:51:56 AM
Dito ako natawa dati, pag may nakita na pangit ang asawa sabihin ginayuma daw, haha hndi ba pwdng magaling lng talaga.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: peterruby on July 31, 2018, 08:56:39 AM
para sa akin mga guys ang gayuma dala rin yan sa mga bad spirit at iniimplowence nla sa mga taong selfish... kaya yon mayrong nagayuma dahil takot at naniniwala sila.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Nikko on July 31, 2018, 09:08:51 AM
Naisip ko rin yan noon kabayan na totoo kaya yung gayuma? may mga nagsasabi na totoo daw dahil may mga kaibigan sila na ginayuma ng mga asawa nila, Para sakin naman naniniwala ako pero meron din akong kunting pagtataka dito dahil kung totoo yun ei bakit yung ibang marurunong ei hindi rin kagandahan o kagwapuhan ang napangasawa nila, syempre dapat kung marunong ka piliin mo na yung maganda at may pera :-D.
Siguro papz, magaling lang talaga dumiskarte pero di talaga ako naniniwala sa gayuma kasi kung totoo yan eh di yung mga bilyonaryo o milyonaryo na babae/lalaki ang punterya ng mga marunong gumawa ng gayuma.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: cheneah on July 31, 2018, 04:25:02 PM
Ako kabayan hindi ako naniniwala.May mga taong naghihikayat sa mga ganyang gawain.May mga gumagawa ng gayuma daw kuno.kasi hanapbuhay nila yun.kung titingnan mo talaga kung paano nila ginagawa at pinapakinggan mo ang kanilang sinasabi,mukhang mapapaniwala ka talaga pero lahat ng yan ay puro kasinungalingan lang.Wala pang nakakapagpatunay na isang tao na nagsasabi na ginayuma nga siya,.may nagsabi sabi pero walang ebedensya.Bawat tao naman may mga nakatakdang destiny.Tanging ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung sino siya at kailan.May mga gwapo/maganda at meron naman pangit.Yung tito ng papa ko sabi nag gagayuma dw pero bakit siya walang partner in life.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: CebuBitcoin on August 01, 2018, 04:10:53 AM
Di totoo ang gayuma, may mga tao lang talaga na magaling mambola, kasi kung totoo yan marami na sanang mga artista ngayon na nakapag asawa ng pangit o tambay.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Jun on August 01, 2018, 05:45:42 AM
ako maniwala sa gayuma kasi act's of spiritesim yan pero hindi lsa lahat tumalab yan  lalu na kong ang panampalataya mo sa dios totoo at totoo ang dios mo
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: ngungo26 on August 02, 2018, 01:57:05 AM
Hindi naman siguro yan totoo kasi nung nailabas sa tv yung gusto syang balikan ng exbf nya, naloko sya  ng dahil lang sa gayuma. Piniperahan na sya nung tagagawa kuno ng gayuma at ang laki na ng halaga ang naibayad nya walang epekto.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: rhubygold23 on August 02, 2018, 10:18:42 AM
Sa totoo lang kabayan hindi ako naniniwala sa gayuma kung mga pangit na tao na may nag kagusto ng maganda o pogi ibig sabihin nagayuma agad sya. siguro talaga sila ang para sa isat isa. Kasi kung totoo yang gayuma na yan e d marami ng ang nagpagawa niyan diba.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Nikko on August 02, 2018, 07:01:21 PM
Sa totoo lang kabayan hindi ako naniniwala sa gayuma kung mga pangit na tao na may nag kagusto ng maganda o pogi ibig sabihin nagayuma agad sya. siguro talaga sila ang para sa isat isa. Kasi kung totoo yang gayuma na yan e d marami ng ang nagpagawa niyan diba.
Tama ka papz, Siguro yung ibang babae hindi nila ginawang basihan ang itsura ng isang lalaki, basta ang importante ay mabait siya at hinding hindi ka sasaktan.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Shen033112 on August 03, 2018, 04:48:42 AM
Hindi yan totoo paps,paniniwala lang yan ng mga ninono natin pero ngayon ginagamit lang yang pangalan na gayuma para mabenta sa mga tao na gusto dumami ang chicks at ginagamit ng taong Hindi marunong manligaw,o yung taong nabasted para makuha yung taong minamahal nila pero sa huli Hindi gumagana naloko lang pala sila.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Quantum X on August 03, 2018, 06:47:10 AM
Sa tingin ko lang kabayan totoo ang gayuma kasi marami Ang nagsasabi tungkol rito mapaprovince man o sa syudad.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Nikko on August 03, 2018, 09:33:04 AM
Sa tingin ko lang kabayan totoo ang gayuma kasi marami Ang nagsasabi tungkol rito mapaprovince man o sa syudad.
Pero kung totoo talaga ang gayuma papz, bakit wala pang matibay na evidence na nag eexist talaga ito in real life ?
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: mikaela23 on August 04, 2018, 04:58:19 AM
hindi ako naniniwala jan eh kung may gayuma sana nagayuma na ako.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: arielcryp on September 23, 2018, 07:34:31 AM
Ako hindi ako naniniwala jan!!Gawa gawa lang yan ng tao na paguluhin ang ating isip.Tanging ang maykapal lang ang nakakaalam sa school ating kapalaran sa pag ibig.
Title: Re: Totoo ba ang Gayuma ?
Post by: Nikko on September 23, 2018, 10:08:53 AM
hindi ako naniniwala jan eh kung may gayuma sana nagayuma na ako.
haha. .siguro marami ang may gusto sayo o siguro maganda ka, dahil na sabi mo yan, Oo, hindi po totoo ang gayuma, dahil kung totoo ito marami na siguro akong nagayuma. haha