Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Jun on August 05, 2018, 02:21:01 PM

Title: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: Jun on August 05, 2018, 02:21:01 PM
 may tamang kasagutan ba kayo ba't tayo tumanda at mamatay?  na may basihan sa sagot sa tanong na ito
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: jings009 on August 05, 2018, 06:17:50 PM
may tamang kasagutan ba kayo ba't tayo tumanda at mamatay?  na may basihan sa sagot sa tanong na ito
Wala kasing forever kabayan, kahit sino kapa, ma pa tao man o hayop lahat tayo may paroroonan pasalamat nalang tayo kung maabot batin ang pinakmataas ng numero sa buhay natin.
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: mikaela23 on August 06, 2018, 08:37:38 AM
Ganon talaga ang buhay ng tao at lahat ng tao dun mapupunta sa kamatayan wala matitira.
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: cheneah on August 07, 2018, 05:24:44 PM
Dahil kabayan  SA ALABOK TAYO NAGMULA, SA ALABOK DIN TAYO BABALIK.Ibig sabihin lahat tayo ay babalik kung saan tayo nanggaling.
Kung kaya’t habang may lakas pa at may hininga, sikaping pahalagahan ang buhay na galing sa Kanya at hindi ang pisikal na kaanyuhan lamang. Manumbalik sa Diyos at sumunod sa Kanyang kalooban. Iaalay ang buhay at paghariin Siya sa ating puso. Upang bumalik man ang katawang-lupa sa alabok, nakatitiyak naman tayong mabubuhay na muli kapiling Niya sa Kanyang kaharian.
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: ChixHunter on August 08, 2018, 11:56:16 AM
Kung hindi sana kinain ni eve at adan ang mansanas na inalok sa kanya ng ahas eh di sana hindi na tayo mamamatay, haha
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: Third on August 09, 2018, 05:19:46 AM
Walang permanente  sa mundong ito kabayan. Ang lahat ay nagbabago at nawawala sa bawat panahon na nakatakda para sa bawat isa. Mainam na na ganito para may tiyak na kapahingahan ang mga bagay.
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: Cordillerabit on August 09, 2018, 01:51:33 PM
may tamang kasagutan ba kayo ba't tayo tumanda at mamatay?  na may basihan sa sagot sa tanong na ito

sasagutin kita na ang basehan ko ay mula sa Bibliya kaibigan. Namamatay ang tao dahil sa tinatawag na “orihinal na kasalanan”- ang pagsuway sa Diyos nina Adan at Eba sa hardin ng Eden. Binalaan ng Diyos ang unang magasawa na ang pagsuway sa Kanyang utos ay magreresulta sa kanilang kamatayan (Genesis 2:17), at iyon nga ang nangyari. “Sapagkat ang ng kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23a). Dapat sana’y mananahang kasama ng Diyos sina Adan at Eba sa Eden magpakailanman, kaya maaaring ni hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang “kamatayan.” Sa kasawiang palad, may nauna ng pagkakasala sa walang hanggang nakalipas sa langit sa pamamagitan ni Satanas at tinukso nito si Eba, at bumagsak si Eba sa kasalanan. Binigyan ni Eba ng prutas ang kanyang asawa, at sumunod si Adan sa kanyang pagkakasala. Ang kasalanang iyon ang nagdala ng kamatayan sa mundo dahil inihiwalay ng sangkatauhan ang kanilang sarili mula sa pinanggagalingan ng Buhay.

Mula noon, namunga ng makasalanang lahi sina Adan at Eba at ang bawat taong isinisilang ng isang babae sa tulong ng isang lalaki ay makasalanan na buhat ng iluwal. Kasamang dinala ng makasalanang kalikasan ng tao ang kamatayan. “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Roma 5:12).

Inilalarawan sa Genesis 3 ang sumpang binitiwan ng Diyos sa mundo. Kasama sa sumpa ang mga pananalitang ito ng Diyos kay Adan: “Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi” (Genesis 3:19). Ang pisikal na kamatayan ang tinutukoy dito ng Diyos. Hindi agad naganap ang pisikal na kamatayan kina Adan at Eba, ngunit dahil sa kanilang kasalanan, namatay ang isang inosenteng hayop (Genesis 3:21).

Ang isa pang uri ng kamatayan na dala ng kasalanan nina Adan at Eba ay ang espiritwal na kamatayan - nahiwalay ang kanilang espiritu sa Espiritu ng Diyos at nasira ang kanilang relasyon. Agad na naganap ang espiritwal na kamatayang ito pagkatapos nilang kumain ng ipinagbabawal ng bunga at ito ang dahilan kung bakit sila natakot at nagtago sa Diyos (Genesis 3:10). Ang espiritwal na kamatayan, gaya ng pisikal na kamatayan, ay ipinasa nila sa atin na kanilang mga anak at inapo (Efeso 2:1).

Mula ng magkasala si Adan, naghirap na ang lahi ng tao sa ilalim ng “batas ng kasalanan at kamatayan” (Roma 8:2). Ngunit sa kabutihan ng Diyos, ipinadala Niya ang kanyang Anak upang pawalang bisa ang batas ng kasalanan at kamatayan at itinatag ang “batas ng Espiritu na nagbibigay buhay” (Roma 8:2). Sinasabi sa 1 Corinto 15:20–26, “Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay... ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.

God bless you kaibigan  ;)
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: Zurcemozz on August 10, 2018, 01:32:44 PM
nasa loob lang tayo ng isang panaginip na may ibat ibang perspective
Title: Re: isinilang, lumaki ,tumanda, at saka mamatay
Post by: rhubygold23 on August 23, 2018, 04:08:37 AM
Alam mo kabayan para sa akin ganyan lang talaga ginawa ang mga tao dito sa mundo ang iba ay para sa mga bagay na pag gagamitan o bilang instrumento para sa ibang tao at ang iba naman kaya maaga namamatay ay para maging inspiration ng ibang tao.