Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Jun on August 05, 2018, 02:35:33 PM

Title: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: Jun on August 05, 2018, 02:35:33 PM
 ako hindi sang ayon kasi nagturo sila na ang dios ay god's is love, kong love siya ba ' pahirapan niya sa imperno hindi ito sang ayon sa kanyang quality na love  kong ganun sadista siya masaya diya na may maghirap sa imperno
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: mikaela23 on August 06, 2018, 08:51:12 AM
Dapat pati sila dun din mapunta kung ang diyos nga nagpapatawad sila pa kaya na tao lang.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: cheneah on August 07, 2018, 05:13:13 PM
Kabayan ganito po yan baka mali lang po ang pagkakaindi ninyo sa narinig niyo sa preaching ng pari or pastor.Una tama ka God is love.Kaya nga sa simula pa lang di pa tayo ipinanganak ay tinubos na tayong lahat ni Jesus sa ating mga kasalanan.Nagpapako siya sa krus upang linisin ang ating mga kasalanan.Kaya sinabi na itatapon sa dagat dagatang apoy ang sinumang di sumunod sa kanyang kalooban.Nakasaad din ito sa holy bible.Di lang sinabi ng Pari or pastor.Sa araw ng paghuhukom ang lahat ay haharap sa ama upang litisin at ang lahat ng namuhay sa marangal at naayon sa kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at magdudusa sa impyerno ang lahat ng di sumunod sa kanya.Ang panginoon ay mabuti.Marangal at dakila.Sa takdang panahon hahatulan tayo.Ang ayaw sumunod sa Panginoon ay hahatulan at ipapaubaya na kay satanas at makakasama niya sa Impyerno.Maraming chance na ang binigay sa atin ang Panginoon ngunit matigas parin ang kalooban kaya marapat lamang na parusahan.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: Quantum X on August 08, 2018, 06:37:19 AM
Kabayan God is love at the same time God is Judge. Kung love and judge ang God anoman gawin niya ay angkop sa kung sino siya. Bago natin paniwalaan o hindi paniwalaan Ang patungkol sa Diyos mainam na tayo rin sa sarili natin magkaroon ng sariling pagaaral at pagkilala sa kung sino at ano ba talaga ang Diyos.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: ngungo26 on August 09, 2018, 01:23:09 AM
Impyerno ay libingan lang naman yan, mababasa mo yan sa word of God. Kaya lang ang iba iniisip nila na ang imperno ay nagaapoy na lugar hindi po yan totoo. May mga simbahan kasi na hindi nila naipaliwanag ng maayos kaya magsaliksik nalang tayo sa sarili natin para may alam tayo.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: Third on August 09, 2018, 05:16:42 AM
Impyerno ay libingan lang naman yan, mababasa mo yan sa word of God. Kaya lang ang iba iniisip nila na ang imperno ay nagaapoy na lugar hindi po yan totoo. May mga simbahan kasi na hindi nila naipaliwanag ng maayos kaya magsaliksik nalang tayo sa sarili natin para may alam tayo.
Malalaman natin ang mga ganitong usapin kabayan kung tayo ay wala na sa mundong Ito pero  naniniwala ako na may lugar sa kabilang mundo Ang Mabuti at masama.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: Cordillerabit on August 09, 2018, 01:23:50 PM
ako hindi sang ayon kasi nagturo sila na ang dios ay god's is love, kong love siya ba ' pahirapan niya sa imperno hindi ito sang ayon sa kanyang quality na love  kong ganun sadista siya masaya diya na may maghirap sa imperno

Sang-ayon ako kabigan na ang impierno ay para sa mga masasama. alam mo ba na ang taong hindi mapupunta sa impierno ay yung taong Tinanggap ang ating Panginoong Jesus bilang personal na tagapagligtas nya (John 1:12; John 3::16) at namumuhay ng naayon ng ikinagagalak nya.

(https://usercontent2.hubstatic.com/12781529.jpg)

Nakatutuwang malaman na mas maraming tao ang naniniwala sa langit kay sa mga taong naniniwala sa impiyerno. Ngunit ayon sa Biblia, ang impiyerno ay kasing-totoo ng langit. Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturo na ang impiyerno ay isang tunay na lugar kung saan inihahatid ang mga masasama/hindi-manampalataya pagkatapos ng kanilang kamatayan. Lahat tayo ay nagkasala laban sa Dios (Rom. 3: 23). Ang nararapat lamang na kaparusahan sa kasalanan ay kamatayan (Roma 6: 23). Dahil ang lahat ng ating kasalanan ay laban sa Dios (Awit 51:4), at dahil ang Dios ay banal at walang hanggan, ang kamatayan na siyang kaparusahan sa kasalanan ay kinakailangang wala ring hanggan. Ang impiyerno ay ang hanggang kamatayan at ang pagpaparanas ng walang hanggang poot ng Diyos sa mga makasalanan.

Ang impiyerno ay inilarawan sa Bibliya na "apoy na di mamamatay" (Mateo 25:41), "apoy na di mamamatay kailanman" (Mateo 3:12), "kaparusahang walang hanggan" (Daniel 12:2), isang dako na ang "apoy ay hindi namamatay" (Markos 9:44-49), isang dako ng "paghihirap" at isang dako ng "apoy" (Lukas 16:23-24). "walang hanggang kapahamakan" (2 Tesalonica 1:9). Isang dako na "ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay paiilanlang magpakailanman" (Pahayag 14:10-11) at "lawang apoy at asupre" na kung saan ang mga masasama ay "pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman" (Pahayag 20:10).

Ang kaparusahan ng mga masasama sa impiyerno ay walang katapusan katulad din ng walang hanggang kagalakan naman ng mga matuwid sa langit. Si Hesus mismo ang nagsabi na ang kaparusahan sa impiyerno ay walang hanggan tulad ng buhay sa langit na walang hanggan din naman (Mateo 25:46). Ang masama ay sasailalim magpakailanman sa matinding galit at poot ng Dios. Tatanggapin ng mga nasa impiyerno ang lubos na katarungan ng Dios (Awit 76:10). Malalaman ng mga nasa impiyerno na makatwiran lamang na sila'y parusahan at sila lamang ang dapat sisihin kung bakit sila napunta doon (Deuteronomio 32: 3-5). Totoo na ang impiyerno ay katotohanan. Totoo na ang impiyerno ay dako ng paghihirap at kaparusahang walang hanggan. Ngunit purihin ang Dios, dahil kay Hesus, maaari nating matakasan ang walang hanggang paghihirap sa apoy ng impiyerno.

Jesus saves God bless you kaibigan:
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: CebuBitcoin on August 11, 2018, 05:21:58 AM
Sa pagkakaalam ko kabayan ang mga taong mapupunta sa imperno ay yung mga taong may immortal sin, example yung mga nakapatay.
Title: Re: sang ayon ba kayo sa teaching sa mga simbahan na ang masama magdusa sa imperno?
Post by: rhubygold23 on August 23, 2018, 04:04:57 AM
Sa akin kabayan hindi ako sang ayon sa salita ng simbahan para sa mga masasama tao. Kung ang panginoon ay nagpapatawad tayo mga tao pa kaya.