Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Nikko on August 27, 2018, 02:49:27 PM

Title: Naniniwala ba kayo sa imperno at kalangitan ?
Post by: Nikko on August 27, 2018, 02:49:27 PM
Marami ng meron daw imperno at kalangitan, pero wala pa namang concrete evidence kung nag eexist ba ito, sa tingin ninyo totoo kaya ito ?
Title: Re: Naniniwala ba kayo sa imperno at kalangitan ?
Post by: Cordillerabit on August 27, 2018, 03:39:04 PM
Marami ng meron daw imperno at kalangitan, pero wala pa namang concrete evidence kung nag eexist ba ito, sa tingin ninyo totoo kaya ito ?

ang saakin lang base sa sinabi sa Bible ang langit at impierno ay totoo para saakin

Sagot patungkol sa kalangitan/Langit base sa Bible

Ang langit ay isang lugar na totoo. Sinasabi ng Bibliya na ang langit ay ang trono ng Diyos (Isaias 66:1; Gawa 7:48-49; Mateo 5:34-35). Pagkatapos na mabuhay na muli ni Kristo at ng Kanyang pagpapakita sa kanyang mga alagad sa lupa, "Siya ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos" (Markos 16:19; Gawa 7:55-56). "Sapagkat pumasok si Cristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo'y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin" (Hebreo 9:24). Hindi lamang pumunta si Hesus sa langit para sa atin kundi Siya ay nabubuhay magpakailanman at may gawain doon bilang ating Dakilang Saserdote sa tabernakulo na ginawa ng Diyos (Hebreo 6:19-20; 8:1-2).


Sagot patungkol sa Impierno base sa Bible

Ayon sa Biblia, ang impiyerno ay kasing-totoo ng langit. Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturo na ang impiyerno ay isang tunay na lugar kung saan inihahatid ang mga masasama/hindi-manampalataya pagkatapos ng kanilang kamatayan. Lahat tayo ay nagkasala laban sa Dios (Rom. 3: 23). Ang nararapat lamang na kaparusahan sa kasalanan ay kamatayan (Roma 6: 23). Dahil ang lahat ng ating kasalanan ay laban sa Dios (Awit 51:4), at dahil ang Dios ay banal at walang hanggan, ang kamatayan na siyang kaparusahan sa kasalanan ay kinakailangang wala ring hanggan. Ang impiyerno ay ang hanggang kamatayan at ang pagpaparanas ng walang hanggang poot ng Diyos sa mga makasalanan. Ang impiyerno ay inilarawan sa Bibliya na "apoy na di mamamatay" (Mateo 25:41), "apoy na di mamamatay kailanman" (Mateo 3:12), "kaparusahang walang hanggan" (Daniel 12:2), isang dako na ang "apoy ay hindi namamatay" (Markos 9:44-49), isang dako ng "paghihirap" at isang dako ng "apoy" (Lukas 16:23-24). "walang hanggang kapahamakan" (2 Tesalonica 1:9). Isang dako na "ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay paiilanlang magpakailanman" (Pahayag 14:10-11) at "lawang apoy at asupre" na kung saan ang mga masasama ay "pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman" (Pahayag 20:10).
Title: Re: Naniniwala ba kayo sa imperno at kalangitan ?
Post by: Jun on September 02, 2018, 07:28:01 AM
toong may langit pero maraming langit, ang airplane nasa langit lumipad, ang ibon  sa langit din lumipad ang star at mga planet nasa langit din ,pero ibang langit din kong saan ang kaharian ng dios.    ang imperno na niwala ako pero ang paniwala ko hindi gaya sa paniwala sa iba na ito raw ay lake of fire  and place of torment  kong saan ang masasamang tao doon ang hantongan, kong totoo na lake of fire ito bat ayon sa  bible sa marcos 9:48 ang kanilang uod/worm hinhi mamatay sa imperno. kong totoong apoy to bat may worm?  mas resistance ba ang worm sa fire?.  ang imperno sa English hill sa espanyol impernos sa bbisayan lubnganan sa tagalog libingan.