Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: Kyoshiro on September 03, 2018, 02:00:18 PM
-
Bakit square ang lalagyan ng pizza kung bilog naman ito?
Nang may nakita akong sasakyan sa mall, bigla along nagtaka, pano kaya nila ito napasok doon?
Bakit pula ang dugo ng tao?
May mga tanong na minsan Hindi na kailangan ng sagot. Pero kaibigan maniwala ka sa akin, lahat ng tao ay may kinakatakutan. Pero lahat ng tanong ay may sagot kung tama ang pinanghuhugutan. Kahit gaano ka pa katibay ang puso mo, sa likod ng linyang kinabisa, kahit gaano ka pa kalakas, di mo kayang mag-isa.
-
Matalinghaga ka kabayan..oo nga minsan bakit nga red ang dugo ng tao.Marami parin akong mga tanong na mahirap din sagutin..Pero tanging ang Diyos lang ang nakakaalam sa lahat ng iyan.Kahit sino sa atin di rin masasagot.
-
hahaha. .nong bata pa ako lagi ko tong tinatanong sa parents ko, marami talaga tayong mga tanong sa buhay na hindi pa nasasagot, ito rin yung madalas pumasok sa utak ko, Sino ba talaga ang ama ng ating panginoon ?
-
ako din maraming tanong noun sa aking parents ng ako ay paslit pa, gaya ng bat asul ang langit bat may ulap. yan mga tanong noun pero habang lumaki mahahap mo ang kasagutan, pero mas mabuti yong magtanong para masagot ang iyong tanong
-
Haha. Matalinghaga ang kabayan natin na ito. Siguro kahit dilaw ang dugo may magtataka rin. Ang tanong na mahirap sagutin ay nangangailangan ng tamang tao para sa tamang kasagutan.