Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: emjay825 on September 04, 2018, 04:28:06 AM

Title: World Cryptocurrency International (WCI) Nagbabayad ba?
Post by: emjay825 on September 04, 2018, 04:28:06 AM
May isang kaibigan nag-iimbita sa akin na sumali ako sa WCI - World Cryptocurrency International (https://my-wci.com/), at mag-kikita kami mamayang gabi sa isang local restaurant dito sa lugar namin. Gaya ko wala rin siyang alam tungkol sa nasabing kumpanya, bale isa niyang kakilala nag-iinvite sa kanya at isinasama ako dahil may kaalaman ko sa Bitcoin. Ayon sa kanya matagal ng kasali sa WCI ang kanyang kakilala, malaki na ang kinita at nakabili na ng SUV.

Sa ginawa kong online research napag-alaman ko January 1, 2017 pa pala nag-simula ang WCI (https://www.whois.com/whois/my-wci.com) at akin ding napag-alaman napakaraming negative reviews patungkol sa nasabing kumpanya.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa WCI - World Cryptocurrency International?