Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Balita Cryptocurrency => Topic started by: Kyoshiro on September 15, 2018, 04:39:33 AM

Title: Presyo ng Bitcoin bumalik sa Markang $6500, Ethereum Tumataas na Ulit
Post by: Kyoshiro on September 15, 2018, 04:39:33 AM
Bahagyang tumataas ang presyo ng halos lahat ng nasa Top 100 cryptocurrencies. Makikita na unti-unting nagiging positibo ang pag-angat ng mga ito sa pangkalahatang merkado.

Ang nangungunang 20 cryptocurrencies at mapapansing dobleng bilang ang itinataas, na pinapangunahan ng Ethereum (ETH), na halos labing-waling porsyento ang iniangat sa loob ng isang araw ayon sa ipinapakita ng Coin360.

(https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/927fa0041cf77a10071dea41a928dd6b.png)
Market visualization ng Coin360

Ang Ethereum ay nagbadya ng pagbabalik noong Setyembre 12 na naipagpalit ng $207 kahit na nahihirapan itong bumangon mula sa $170 na mabilisang pagbaba. Halos tatlumpu't limang porsyento ang ibinaba nito ngayong buwan.

(https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/f7fdcc3e2c7a5a13f5301a008ae29c6b.png)
Ethereum 24-hour price chart. Reperensiya: Cointelegraph Ethereum Price Index

Ang Bitcoin naman ay nagbalik sa dati nitong pwesto na $6500 at bahagyang tumaas ng 2.76%.

(https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/382df7c703aab12e91b94b8c639384eb.png)
Bitcoin 7-day price chart. Reperensiya: Cointelegraph Bitcoin Price Index


Ang Monero naman at pumalo sa $116 na may ranggong ika-siyam nitong mga nagdaang araw. Umakyat ito ng halos 3%. Ngayon, tumaas na ito ng halos $119.

(https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/382df7c703aab12e91b94b8c639384eb.png)
Ang 7-day price chart ng Monero galing sa CoinMarketCap

Halos lahat ng cryptocurrencies at tumaas ang presyo. Kasama ang Litecoin, Dash, Cardano, Dogecoin at iba pa.
(https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/8c63f6a0c78db3a7fa0e1aff41347411.png)
Pitong araw naTsart ng lahat ng Cryptocurrencies

Inaasahan na mananatili ang pagtaas nito sa pagpasok ng panibagong buwan.

Reperensiya:
https://www.cointelegraph.com
Title: Re: Presyo ng Bitcoin bumalik sa Markang $6500, Ethereum Tumataas na Ulit
Post by: CebuBitcoin on September 15, 2018, 05:21:10 AM
Puro green na naman ang nakikita ko sa coinmarketcap, I think may price correction pa ito, baka next week mag dudump na naman ang bitcoin at ang altcoins.