Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Mga palitan at crypto sites => Topic started by: sirty143 on October 02, 2018, 05:47:30 AM

Title: Coins Pro - The Philippines' First Digital Currency Exchange
Post by: sirty143 on October 02, 2018, 05:47:30 AM
Ang Coins Pro ay isang digital currency exchange na produkto ng Coins.ph. Nag-o-operate sila sa Pilipinas at nagsisilbing plataporma kung saan ang mga mamimili ay makakonekta sa mga nagbebenta at makipagpalitan ng digital na pera sa mga presyo na tinutukoy ng merkado. Maaaring gamitin ng mga kostumer ang aming exchange ng order-book upang bumili ng digital na pera gamit ang Philippine peso, sa mas malaking volume, at para sa mga mas mababang bayad.

Ang kanilang layunin ay gawing mura at mabilis ang digital currency. Sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga serbisyong pampinansyal na digital na may kalidad na propesyonal, layunin nilang mabawasan ang gastos ng pagbili at pagbebenta ng digital currency sa Pilipinas.

Para sa katanungan at kaalaman, mangyari lamang na bisitahin ang kanilang website, https://pro.coins.asia/
Title: Re: Coins Pro - The Philippines' First Digital Currency Exchange
Post by: Cordillerabit on October 02, 2018, 08:28:52 AM
Ayos ang ginawa mo bro sa katunayan inumpisahan ko nang magtrade dito pero hindi masyadong malaki testing testing lang muna  :D
Title: Re: Coins Pro - The Philippines' First Digital Currency Exchange
Post by: CebuBitcoin on October 09, 2018, 10:09:01 AM
Di ko na try ang exchanges na ito, pero sabi ng kaibigan ko maganda daw platforms nila dahil direct to coins.ph na ang funds mo.
Title: Re: Coins Pro - The Philippines' First Digital Currency Exchange
Post by: MaluWang on October 20, 2018, 11:32:01 AM
Maganda ito, kabayan. Sana naman, mag-post dito ang mga member na sumali at magti-trading na ngayon. Gustong-gusto ko talagan matuto na crypto trading, sa tingin ko kasi ang trading (gaya ng forex) isa sa isang pinakamagandang pagkakitaan kahit na sabihin pang napaka-risky nito... ana alam ko lahat naman may 'risk' .