Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Tulong para sa baguhan => Topic started by: Actzuki on October 25, 2018, 04:38:56 PM

Title: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: Actzuki on October 25, 2018, 04:38:56 PM
Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?

Ano nga ba ang H.Y.I.P?

Ang ibig sabihin ng H.Y.I.P ay High Yield Investment Program. Lahat ng hyip ay Ponzi schemes, sa una lang magaling at pag tumagal bigla nalang sila magsasara at mag closed.

Ano ba dapat ang gagawin para makaiwas sa SCAM?

Laging tandaan ang mga sumusunod!




Karagdagang mga detalye!

Basahin at unawain ng maiigi!


Kung may karagdagan kayo at gustong i share na mga tips feel free to comment para mabasa ng iba at makatulong sa kapwa nating investors. Kung may gusto kayong ipa edit sa post comment lang po kayo. :)
Title: Re: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: Cordillerabit on October 26, 2018, 02:38:23 AM
good job kaibigan this is brilliant guides wala na sigurong maloloko pa + karma ka sa akin maganda ang ganitong thread para magkaroon tayo ng sapat na kaalaman at para ma-inform ang bawat isa hindi lang baguhan kundi pati na rin sa mga nagbabalak ulit subukan ang ganitong scheme.
Title: Re: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: Vasilias on October 31, 2018, 09:05:50 AM
ngayon ko lang Naintindihan ang meaning ng hyip. Pero kabayan ang ibig sabihin talaga ng hyip is totally Ponzi scheme or malaki lang ang pagkakatulad pero magkaiba?
Title: Re: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: alstevenson on November 29, 2018, 10:51:19 AM
Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?

Ano nga ba ang H.Y.I.P?

Ang ibig sabihin ng H.Y.I.P ay High Yield Investment Program. Lahat ng hyip ay Ponzi schemes, sa una lang magaling at pag tumagal bigla nalang sila magsasara at mag closed.

Ano ba dapat ang gagawin para makaiwas sa SCAM?

Laging tandaan ang mga sumusunod!

  • Lagi niyong tandaan sa H.Y.I.P walang Legit | Reliable | Safe High Yield Investment Programs.
  • Bago kayo mag invest matuto kayo mag RESEARCH | MAG TANONG | MAGBSA NG REVIEWS AT COMMENTS | MAG EXPLORE SA FORUM AT MAG BASA NG MGA FEEDBACKS AND EXPERIENCES NG IBA.
  • Mag ingat kayo sa pag sali sa HYIP program lalo na sa mga matatagal na. Dahil pag masmatagal nang online ang isang program mas delikado na sumali (Example: 30 Days Old) Mas recommended sumali sa HYIP kung ito ay nasa 1 to 3 days old ayon din sa ibang eksperto.
  • Sa HYIP hindi ito biglang yaman ka agad.
  • Sumali lang kayo sa HYIP na mayroon na rates na 2% to 7% max but it's your own choice kung mag invest kayo na higit pa sa 7%. Pero recommended ang range ayon din sa ibang eksperto at sa mga reviews.
  • Pag kumita na kayo sa isang HYIP program masmaigi na lumipat na kayo sa ibang program kung baga HIT and RUN strategy. Wag na manatili sa isa at dapat ikalat niyo mga basket niyo wag lang sa iisang program. Sumali lang kayo sa mga short term plan.
  • At sa huli ito ang pinaka mahalaga at laging itatak sa isipan HUWAG KAILANMAN MAMUHUNAN  KUNG ANO ANG HINDI MO KAYANG MAWALA in English NEVER INVEST WHAT YOU CANNOT  AFFORD TO LOSE!



Karagdagang mga detalye!

Basahin at unawain ng maiigi!

  • Dapat ang mga website na sasalihan niyo maganda ang security (Example: DDOS Protection, HTTPS and etc)
  • Dapat ang website na sasalihan niyo ay may unique na design. Karamihan sa mga scammer na website ay simple lang ang design at copy cat lamang sa ibang program.
  • Check niyo kung meron nabang deposit na pumapasok sa system nila.
  • Check niyo kung ang domain ba nila ay okay trusted ba? Gumamit kayo ng Whois Tool.
  • Dapat ang sasalihan niyo ay may Live chat or Group chat gaya ng Telegram at Discord.
  • Make sure ang HYIP na sasalihan niyo ay may Active social media account like Facebook at Twitter.
  • Alamin niyo rin kung nag re-reply ba ang contact support nila sa chat man or sa Email.
  • Make sure ang minimum investment nila ay 10$ above ang below 10$ karamihan scam. Invest at your own risk!
  • Bago mag invest mag compute na muna kayo at alamin ang kanilang minimum withdrawal amount. Dahil minsan malaki ang kailangan bago makapag withdrawal.

Kung may karagdagan kayo at gustong i share na mga tips feel free to comment para mabasa ng iba at makatulong sa kapwa nating investors. Kung may gusto kayong ipa edit sa post comment lang po kayo. :)
Salamat dito kabayan, ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng acronym na HYIP. Ang ginagawa ko lang para maiwasan ang mga ito ay umiiwas na ko sa mga investments para hindi ako mascam.
Title: Re: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: Unknown on December 04, 2018, 10:15:00 AM
salamat sa post na ito at may natutunan ako, tanong ko lang okay bang sumali dito sa HYIP.COM (https://hyip.com/?go=1416) forum na to na puro tungkol sya sa hyip?
Title: Re: Para sa mga baguhan | Ano ba ang H.Y.I.P at Paano mag ingat sa SCAM?
Post by: crypto101 on April 02, 2019, 01:26:18 AM
salamat sa pagbabahagi laking tulong to sa mga baguhan at gustong umiwas sa scam, marami na nagkalat na scammer ngayon at ginagamit ang bitcoin..
salamat sa post na ito at may natutunan ako, tanong ko lang okay bang sumali dito sa HYIP.COM (https://hyip.com/?go=1416) forum na to na puro tungkol sya sa hyip?
okay rin siguro sumali diyan kabayan, may nakikita din ako dito na nagpopost ng mga HYIP