(https://images.cointelegraph.com/images/740_aHR0cHM6Ly9zMy5jb2ludGVsZWdyYXBoLmNvbS9zdG9yYWdlL3VwbG9hZHMvdmlldy8yNGViMWUzZWY5NGM0YWU5YTNmMDkwODBkNjZkNjNkNC5qcGc=.jpg)
Ang CEO ng Galaxy Digital na si Michael Novogratz ay naghatid ng isang sariwang bullish price prediction para sa Bitcoin (BTC) nitong ika-5 ng Nobyembre. Sinabi ni Novogratz sa U.K. business publication Financial News na ang nangungunang cryptocurrency ay maaaring umabot ng "$20,000 o higit pa" sa 2019.
Sa pagsasalita sa publication, Novogratz, na mas kilala sa kanyang maasahang pananaw tungkol sa mga presyo Bitcoin, nag-forecast na ang BTC/USD ay aabot ng around $8,900 sa pagtatapos ng taon.
"Kinakailangan ng Bitcoin na makuha ang $6,800, at pagkatapos niyan matatapos natin ang taon sa $8,800-9,000," sabi niya.
Ang pinakamalaking cryptocurrency ay nagpigil sa mga pataas o pababa na paggalaw noong mga linggo na nagdaan, sa halip ay naghahayag ng isang bahid ng katatagan, na kung saan ang mga komentarista tulad ng analyst ng Fundstrat Global Advisors na si Tom Lee ay pinupuri bilang isang senyales na ang markets ay nagma-mature.
Sa susunod na taon, gayunpaman, ang mga kondisyon ay nararapat na mabago nang husto, sabi ni Novogratz, sa mga institutional investors '"FOMO" (‘fear of missing out’) na nagdudulot ng biglang pagtaas ng presyo.
"Magkakaroon ng isang kaso ng institutional FOMO, kahalintulad ng sa tingian," patuloy niya.
Iyong pagdagsa sa mamuhunan ay dapat makita ang Bitcoin "mailabas ang $10,000" sa pagtatapos ng Q1, mula diyan ay patuloy na lalagpasan ang December 2017's all-time highs at magpapatuloy sa "$20,000 o higit pa."
Dati nang ginawa ni Novogratz ang mga kahalintulad na hula noong nakaraang buwan, partikular na tinatarget ang unang kalahati ng 2019 para sa interes na institusyonal at ang presyo ng Bitcoin ay hindi mas mataas sa $9,000 ngayong Disyembre 2018.
Ipinagpapatuloy rin ni Lee ang kanyang matinding pananaw para sa Bitcoin sa maikling termino, sa isang panayam sinabi niya sa Cointelegraph na ang Bitcoin ay "naghahanda na lumabas."
Pinagmulan: COINTELEGRAPH (https://cointelegraph.com/news/after-taking-out-6-800-bitcoin-will-hit-new-highs-in-2019-says-galaxy-digitals-novogratz)