Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Bruks on November 27, 2018, 01:23:17 AM

Title: Bitcoin situation..
Post by: Bruks on November 27, 2018, 01:23:17 AM
Marami akung nababasa patungkol sa kalagayan ngayon sa bitcoin, na wala nang pag asang lamaki ito at patuloy itong baba at pagdating ng panahon wala na itong value o patay na. Ano satingin nyo totoo ba ito o isa lang predication??
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: Cordillerabit on November 27, 2018, 02:47:49 AM
Solid na ang bitcoin bro pwedeng bumaba ang presyo pero hindi pwedeng mawala ang value o mawala ito. Ito lang ang masasabi ko
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: micko09 on November 27, 2018, 06:34:59 AM
wala makakapagsabi nan bro ku8ng patuloy ang pag baba ng presyo ni bitcoin, dahil kung patuloy ang pag ban dito possibleng bumaba ito ng todo pero di ibig sabihin mawawala si bitcoin. as long as my gumagamit sa bitcoin hindi ito mawawala.
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: alstevenson on November 27, 2018, 02:16:22 PM
Malabo yang sinasabi mo kabayan, madami ng gumagamit ng bitcoin bilang payment system nila. Wala ng ibang pupuntahan ang bitcoin kundi ang mass adoption.
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: Nikko on November 28, 2018, 02:15:36 AM
Marami akung nababasa patungkol sa kalagayan ngayon sa bitcoin, na wala nang pag asang lamaki ito at patuloy itong baba at pagdating ng panahon wala na itong value o patay na. Ano satingin nyo totoo ba ito o isa lang predication??
Fake news yung na basa mo papz, walang makakapag sabi kung ano ang future ng blockchain, kung mamatay man si bitcoin mamamatay narin ang lahat ng crypto.
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: alstevenson on November 28, 2018, 04:11:44 AM
Marami akung nababasa patungkol sa kalagayan ngayon sa bitcoin, na wala nang pag asang lamaki ito at patuloy itong baba at pagdating ng panahon wala na itong value o patay na. Ano satingin nyo totoo ba ito o isa lang predication??
Fake news yung na basa mo papz, walang makakapag sabi kung ano ang future ng blockchain, kung mamatay man si bitcoin mamamatay narin ang lahat ng crypto.
Agree madaming kumakalat na mga ganyang balita para magkalat ng FUD para bumaba ang presyo ng bitcoin para makabili sila ng mas marami kaya wag maniniwala sa mga ganyang balita.
Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: sirty143 on November 28, 2018, 07:08:15 AM
Marami akung nababasa patungkol sa kalagayan ngayon sa bitcoin, na wala nang pag asang lamaki ito at patuloy itong baba at pagdating ng panahon wala na itong value o patay na. Ano satingin nyo totoo ba ito o isa lang predication??

Sa aking palagay, lahat ng iyong nabasa ay pawang mga haka-haka lang. Matagal na ako sa digital currency, wala pang Bitcoin at kahit anong crypto noon, at ang kalimitan naming ginagamit ay e-gold, Liberty Reserve, PayPal, etc sa pag-transfer ng aming kita sa mga HYIP,  Paid to click (PTC), at iba pang mga GPT (Get Paid To) sites kasama na ang mga "get-paid-to-surf sites" at get-paid-to-post sa mga forums). Ang masasabi ko mahirap kumita noon, swerte na kung kumita ng $1 sa isang araw...pinakamalaking kinita ko $80 1-month sa isang PTP (paid-to-post) forum. So, to cut the story short nang sumulpot ang Bitcoin, marami sa amin ang di naniwala, isa na ako kasi ang tingin namin isa itong SCAM dahil sa dami ng Bitcoin faucets na nag-sulputan na di naman nag-babayad. Hahaha, sayang maling akala! Nasa ibaba ang price ng Bitcoin noon base sa aking record...

Bitcoin Price: $0.0001 - June 2009 [https://www.reddit.com/r/Bitcoin/comments/38mlbr/bitcoin_price_june_20092015/]
Bitcoin Price: $0.00076392443 or $0.0008 - October 2009 [https://theoutline.com/post/2592/bitcoin-is-none-of-the-things-it-was-supposed-to-be?zd=1&zi=3uclky4f]
Bitcoin Price: $0.07 - July 18, 2010
Bitcoin Price: $0.96 - February 9, 2011
Bitcoin Price: $5.70 - February 11, 2012
Bitcoin Price: $47.41 - March 11, 2013
Bitcoin Price: $135.98 - April 28, 2013

Base sa itaas, nag-simula ang Bitcoin ng $0.0001 (2009) sa napakababang presyo (at wala pang crypto trading noon) at ipinamimigay lang ang Bitcoin pero walang pumapansin dahil ng sobrang baba. Sa madaling salita, di mawawala ang Bitcoin... bakit ba ginawa ito ni Satoshi Nakamoto? Ginawa ba niya ito para sa Crypto Exchange? Marahil hindi... ginawa niya ito dahil ito ang goal niya, "Eliminating banks and other financial intermediaries from needing to be at the center of every financial transaction"

It was "Satoshi's goal & main purpose, and he achieved it with Bitcoin. Kaya maliwanag na di ginawa ni Satoshi Nakamoto ang Bitcoin para sa trading o para sa mga Crypto Exchanges, kasi wala pa naman Crypto Exchanges noon, Forex, Stocks, etc. meron pero crypto exchange WALA! Mga mayayaman at negosyante ang naka-isip ng idea na gumawa ng Crypto Exchange.

Ang tunay na layunin ni Nakamoto sa pag-gawa ng Bitcoin ay para sa mga tao na mag-imbak (store) at maglipat (transfer) ng pera nang ligtas, halimbawa upang bayaran ang nagbebenta ng ilang mga kalakal (https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=58750.msg328200#msg328200). Kaya, ang Bitcoin ay isang sistema ng Pagbabangko at Pagbabayad.

Title: Re: Bitcoin situation..
Post by: ZionRTZ on November 28, 2018, 11:23:42 AM
Sa palagay ko, hindi mawawalan ng value ang bitcoin hangga't may internet  ;D
Pero sa totoo lang, lahat ng nababasa natin tungkol sa Bitcoin, positibo man it o negatibo, ay puro haka-haka o opinyon lamang. Wala talagang nakakaalam kung ano ang mangyayari.