Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: CebuBitcoin on January 11, 2019, 03:55:57 PM

Title: Last supply ng bitcoin ?
Post by: CebuBitcoin on January 11, 2019, 03:55:57 PM
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung namina o naubos na ang last supply ng bitcoin ? At ano kaya ang mangyayari sa mga nagmimina ng bitcoin?
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: Ozark on January 13, 2019, 07:45:41 AM
Sa kasalukuyan ay mga 4.3 milyong na lang ang natitirang Bitcoins na hindi pa namimina, medyo malapit na ngang maubos... malakas kasi mag-mina ang Intsik.  :( ... Pero sa taong 2140 pa mauubos ang Bitcoin o last supply. Meron akong nai-share dito... How many Bitcoins are left? (https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=90429.0)
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: alstevenson on January 13, 2019, 01:54:20 PM
Kapag naaabot na ng bitcoin ang kanyang total supply ay hindi na ito magagawa pa ng panibagong bitcoin kumbaga fix na sya sa supply na iyon. And regarding naman sa mga miners, syempre sa simpleng termino kung wala ng mamiminang bitcoin may magmimina pa ba? Hindi ganun ang takbo ng mekanismo ng Proof of Work, base sa nalalaman ko, once na maabot na ng bitcoin ang total supply ang matatanggap na rewards ng mga miner sa network ay yung mga transaction fee sa network.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: Nikko on January 13, 2019, 02:18:57 PM
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung namina o naubos na ang last supply ng bitcoin ? At ano kaya ang mangyayari sa mga nagmimina ng bitcoin?
21 million lang ang supply ng bitcoin once na abot na ang total supply nito syempre tataas ang presyo nito at ang mangyayari sa mga miners ay sa mga transaction fees nalang sila kikita nito.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: jdcruz1412 on January 13, 2019, 06:09:36 PM
Sa tingin ko depende ang mangyayari ay nakadepende sa kung gaano pa karami ang gustong gumamit ng bitcoin. Kapag na reach ng bitcoin ang max cap nito na 21 million ang mangyayari ay mawawalan na ng block reward ang mga miner ng bitcoin kaya yung transaction fee na lang ang makukuha nilang reward. Kapag presyo naman ang pag uusapan, tataas ang presyo nito kapag marami pa din ang gustong gumamit ng bitcoin at bababa naman ang presyo nito kapag umuunti ang gumagamit nito dahil nakadepende ang presyo ng bitcoin sa supply at demand at dahil nakafix na ang supply ng bitcoin na 21million kapag na reach na ang cap ay dedepende na lang talaga ang presyo sa demand o sa kung gaano pa karami ang gagamit pa ng bitcoin.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: micko09 on January 14, 2019, 05:52:24 AM
sobrang tagal pa bago maubos 0 mamina ang lahat ng Bitcoin kahit sabihin nating 4 million plus nalang ang mamimina dahil mamimina pa ang last bitcoin sa 2140, wala padin makakapag sabi kung sakaling mamina ang 21 million na bitcoin dahil nakadepende padin ito sa demand ng bitcoin.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: @Royale on February 09, 2019, 08:16:40 PM
Sa kasalukuyan sa total na 21 million, ay halos 17 million Bitcoins na ang nasa sirkulasyon. Lumalabas na halos 4 million na lamang ang natitirang hindi pa namimina. At sapantaha nila na dahil nga fixed lang ang bilang nito, kapag namina na ang huling Bitcoin sa taong 2140 ay tataas ng todo ang presyo nito sa merkado sabay ng transaction fees niya.


Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: sirty143 on February 10, 2019, 08:19:47 AM
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung namina o naubos na ang last supply ng bitcoin ?

Napakatagal pa niyan... 131 taon pa bago maubos... buhay pa kaya tayo pag-sapit ng taon 2140?

Quote
At ano kaya ang mangyayari sa mga nagmimina ng bitcoin?

Marahil baka wala ng magmimina dahil namina ng lahat (opinyon ko lang)... Please read this, What Happens to Bitcoin Miners When all Coins are Mined? (https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=95473.0)
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: LogiC on February 21, 2019, 09:51:35 AM
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung namina o naubos na ang last supply ng bitcoin ? At ano kaya ang mangyayari sa mga nagmimina ng bitcoin?

Mahirap masabi ang posibilidad na mangyari dyan. Sa tingin ko depende sa market if maganda pa din ng buy and sell ng btc since wala ng block reward ang miners pero hindi ko lang sure kung makakaapekto ba ang energy consumption neto bababa ba? or tataas since sa transaction na lang sila magbased ng income.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: shadowdio on February 21, 2019, 01:44:08 PM
Sa tingin ko pag naubos na ang supply ng bitcoin ang mangyayari ay wala na gumagamit nito the end na ang bitcoin.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: alstevenson on February 25, 2019, 03:41:30 PM
Sa tingin ko pag naubos na ang supply ng bitcoin ang mangyayari ay wala na gumagamit nito the end na ang bitcoin.
Hindi ganun ang mangyayari kabayan, napakaganda ng whitepaper ng bitcoin at kung umabot man na maubos na ang supply ng bitcoin ay tuloy pa din ang pagmimina sa network dahil kapag wlang nagmimina walang transactions na magagawa. Transfer fee na bale ang makukuha ng mga miners at mas lalo pang tataas ang presyo ng bitcoin dahil karamihan din sa mga nagbebenta ng bitcoin ay yung mga miners para sa expenses at gastos nila sa pagmimina.
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: comer on March 03, 2019, 03:53:38 PM
panahon na yan para magpahinga ang mga minero. kapag wala ng miminahin wala kanang kikitain kaya hinto na ang lahat o dili kaya lipat na sa ibang coin para mag mina..
Title: Re: Last supply ng bitcoin ?
Post by: kreiskleidolon on March 04, 2019, 05:50:53 AM


meron principle sa ekonomiks mga kabayan.. basic. nung high school pa.

mas mataas na demand, mas bababa ang supply.
... then, magkakaroon ng "scarcity" or kakulangan ng supply... which is magiging dahilan ng pagtaas ng presyo.

ung value ng bitcoin... well, halos almost every token.. tataas kung maunti ung supply.