Wala na atang QR code o address ang PHP, hindi ko pa nacheck ulit pero kapag nagwiwithdraw ako ay cash in at cash out lang ang nasa PHP. Kaya siguro kung may qr o address ka pa ng sa php wallet mo dati, mas maganda huwag mo nalang gamitin kasi baka masayang lang pinaghirapan mo pero kung magkamali ka, pagkakaalala ko ay puwede mo pa rin namang maretrieve pero need mo na magbayad kay coins.
At yun nga chineck ko sya tama ka nga kabayan cashin at cashout na nakalagay wala ng address di tulad dati na makakasend tayo Bitcoin at matic convert to PHP na. So kapag nagsend tayo ng Bitcoin papuntang coins.ph dadaan talaga sysa sa Bitcoin wallet saka natin iconvert which is time consuming di ko lang sure sa fees.
Tama, rekta na lahat sa mga mismong addresses nila tapos need mo iconvert into PHP kung gusto mo. Sa fees naman mababa na ngayon kung network fees ang tinutukoy mo pero kung sa trading fees naman, mababa lang naman kung iconvert mo o di kaya sa coins pro ka dadaan. Pero madaming may ayaw ng convert kasi ang laki daw masyado ng spread.
Ano kayang dahilan bakit tinanggal nila yun since yun naman yata ang pamamaraan na gagamitin nila kaya nag-expand sila sa ibang bansa kasi target nila mga OFW's mas convenient kasi yung ganun para sakin at newbie friendly pa kesa dadaan pa ng conversion tulad ng mga Altcoins na maaaring maging hadlang sa mga takot at hindi tech savvy nating mga kababayan.
Baka kasama yan sa rebranding nila kasi buong wallet app at desktop nila naging iba na. Kung sa mga OFWs naman, mapagaaralan naman nila yan at okay pa rin siya para sa akin kahit wala na yung ganung php wallet na may qr.