Posible nang magcash in sa inyong Coins.ph Peso wallet gamit ang SM Bills Payment Center option sa pamamagitan ng pagbayad sa DragonPay.
Para masubukan ito, sundin lamang ang madadaling hakbang na ito:
1. Magverify ng inyong ID and selfie.
Dahil sa Know Your Customer (KYC) at Anti-Money Laundering regulations, magagamit lamang ang opsyon na ito kapag ID at selfie verified ang inyong Coins.ph account.
Para makita ang inyong account limits at makapagverify ng inyong account, pumunta lamang kayo sa inyong Limits and Verifications page at magfill up ng form. Matapos makumpleto ang form, kinakailangang magsubmit ng isang valid government ID at ng inyong selfie kung saan hawak niyo ang inyong valid ID. Maaaring abutin ng tatlong (3) business days (di kasali ang weekends at non-working holidays) ang pagproseso ng inyong verification.
2. Gumawa ng cash-in order and piliin ang Robinson's Department Store option.
Kung sakaling hindi pa verified ang account ninyo, hindi po makikita o hindi po makiclick ang opsyon na ito.
Matapos ilagay ang mga detalye ng cash in, i-click ang Pay with Dragonpay. Kay ay mareredirect sa DragonPay website kung saan niyo makikita ang mga panuto para makumpleto ang inyong cash in.
Siguraduhin na Robinsons's Department Store ang pipiliin sa drop-down box at i-click ang “Select”.
Sa susunod na screen, ibibigay sa inyo ang reference number na may walong (

numero at final amount na inyong babayaran.
Tatanungin din kayo ng email address kung saan isesend sa inyo ang payment instructions. PAng ibibigay niyo po dito ay ang email address na nakalink sa inyong Coins.ph account.
Huwag kalimutan ang reference number at ang due amount, sapagkat kailangan itong ibigay kung magbabayad na sa payment center.
3. Pumunta sa pinakamalapit na Robinson’s Department Store at magbayad.
Mag-fill up ng BPS Validation Slip na makukuha sa counter at ilagay ang sumusunod na detalye:
Biller Company: DragonPay.
Card/Account/Policy No.: 8-digit reference number na ibinigay ng DragonPay.
Account Name: (inyong buong pangalan)
Markahan ang kahon ng “Cash” at isulat ang amount sa kabilang dulo.
Ibigay itong BPS Validation Slip sa teller at ang inyong bayad. Matapos ito, bibigyan po kayo ng teller ng resibo.
4. Maghintay ng email na magbibigay kompirmasyon na Mark as paid na ang inyong cash in.
Ipapahiwatig ng confirmation email na naipasa na ng DragonPay ang impormasyon ng inyong cash in sa aming system. At kapag naconfirm na namin ito, mapoproseso na namin ang inyong cash in.
Ganun lamang kadali! Mapapasok na ang funds sa inyong Coins.ph Peso wallet!
More info:
coins.phCebuano Version