mukhang pinakamababa yung rate ng Bitget. at meron pa rin pala gumagamit ng Polo.
Bybit ang madalas kong gamit ngayon. Dati rati, optimistic ako sa mga apps tulad ng gcrypto pero nawalan ako ng gana sa kanila dahil parang hindi alam ng mga supports nila yung mismong produkto at serbisyo na inooffer nila. Kapag may pondo ka doon tapos biglang nag pump, mayayari ka sa maintenance at namana nila yung mismong nangyayari sa pdax na madalas din ang maintenance. Ang sarap sana suportahan mga local exchanges natin kaso palpak karamihan.
parang coinsph lang dati. ewn ko lang kung ginagawa pa rin nila yan hanggang ngayon.
parang sinsadya nilang mag maintenance habang nagpump samantalang gustong-gusto mong magbenta, sila naman gusto kang pigilang kumita. kapag nagdump ang presyo, gustong-gusto nila na magbenta ka.
Isa rin ako sa gumagamit ng coinsph kabayan kasi wala pang P2P sa Binance noon. Naranasan ko rin na kapag tumataas ang presyo ng mga crypto, nagkakaroon talaga ng maintenance. Marami pala tayong nakapansin sa anomalyang iyan. Siguro sinasadya nila yan kasi napakalaki ng fee kapag may ganitong pangyayari, alam naman natin na kahit nasa normal lang yung dami ng transactions ay napakataas pa rin ng kanilang fee at kung sakaling hahayaan nilang mag run ang app sa ganyang sitwasyon ay mapipilitan silang taasan ang fee na kung saan ay maaaring mapansin ito ng kanilang mga users at magreklamo sa kanila.
Mahabang panahon din tayong pinagloloko ng coins.pm kunyari maintenance pero ang totoo iniipit nila ang mga bitcoin natin noon para wag natin agad mailabas at ibabalik nila ang normal pag bumaba na ang presyo sa susunod na mga araw.
isa din to sa dahilan kaya sumama na ang tingin ko sa coins and naghanap ng ga options para sa aking coins out.
- Salamat nalang talaga sa mga old users ng coinsph dati na nagsasasbi ng inyong mga karanasan before, grabe naman pala yang ginagawang istilo ng coinsph wallet na yan, may nabasa nga ako na okay naman daw nung una ang coinsph, maganda pa nga daw yung loading system nila na kapag nagload ka daw ng regular 30 ay may discount paraw ata na 3 pesos lumalabas 27 nalang ata.
Nasira lang daw talaga sa fees at mga kung ano-anong mga requirements ang hinihingi sa kanilang mga users, na kapag naibigay na yung kailangan ay manghihingi na naman ng ibang documents na parang ayaw ka nilang aprubahan talaga.