Ang
Market Structure ay ginagamit upang malaman kung ano ang kasalukuyang takbo ng presyo sa market.
Tatlong Uri ng Market Structure1.
Up trend - Kung ang galaw ng presyo ay gumagawa ng higher highs and higher lows.

2.
Down trend - Kung ang galaw ng presyo ay gumagawa ng lower lows and lower highs.

3.
Consolidation - Ito ay kung saan ang presyo ng market nanatili sa kanyang range.
Bakit nga ba napakahalaga ng Market Structure sa trading?Kung alam natin kung ano ang kasalukuyang trend ng market ay makakatulong sa atin upang malaman kung ano ang bias at mababawasan ang pagkalito sa market.
Halimbawa:
Kung ang Market Structure ay Up trend, ang hahanapin mong setup sa market ay for longing, kung Down trend naman ay for shorting na kaharmonya sa trading strategy mo.