Yeah tama kabayan tinignan ko 30 minutes timeframe nagbreakout na sya ulit panibagong retracement nanaman yata sana tuloy-tuloy na pag-akyat lalo na kapag nagconfirm sa $60k breakout, if tama hula ko tibatiba mga nakabili sa $49k+.
Solved talaga mga nakabili sa $49k dahil sobrang bilis lang nag stay doon ni BTC. Ngayon $56k-$57k, bawing bawi na agad lalong lalo na yung mga institutions na laging bumibili kapag nagkaroon ng dip. Mahaba haba pa itong buwan na ito, expect ko na magiging mabagal lang ang galaw ni BTC pero posibleng bumalik sa $60k. Ang nakakatakot na sinasabi sa mga analysis, kapag gumanti ang kalaban ng Israel baka maapektuhan nanaman ulit ang market.
Yeah advantageous talaga kapag merong capital to buy kabayan lalo na sa pullbacks na ginawa ni Bitcoin na sobrang bilis parang nagkiss lang sa $49k bumaliktad na agad. Yung mga nakaDCA profit na sila ngayon sana ol na lang. Kung meron lang sana tayo pambili eh di profitable na rin tayo ngayon haha.
Ok lang yan kabayan. May mga pagkakataon talaga na meron at minsan wala. Basta kapag may chance na makabili mapamababa man o medyo nasa gitna, basta gustuhin mong bumili, makakabili ka. Ganito talaga sa market na ito, pana panahon lang din kung may pagkakataon na makabili ng magandang presyo. At mukhang hindi pa rin maganda ang estado ng pagrerecover ni BTC at ng buong market. Pero hintay hintay lang at sana makabalik na din sa $60k soon.