- Sabi nga ng kakilala ko na nagkicrypto din dito sa crypto space nung taong 2017-2018 ay ayos daw ang kalakaran ng coinsph, lalo na yung load features daw nito na sa load regular 30 ay may discount kapa raw na 3 or 4 pesos ba yun hindi lang ako sure. Tapos hindi rin daw ganun kaselan sa withdrawal lalo na kung nasa level 3 ka ay walang ka proble-problema.
Maganda naman coinsph dati, if i remember correctly, yung load nila has 10% discount, pag naka lampas ka na ng 10k load per month, ay magiging 5% nalng yung discount. maraming nagtayung load station dahil sa feature ng coins. At halos lahat ng pwede mo mabili sa kanila is discounted din like yung Steam vouchers and garena shells sa mg gamers, paying bills may discount tapus rebates which is one of the reasons na maraming na enganyo na users sila even those not crypto users.
Nagkandalintik lang daw nung pag bigla nalang hinohold yung account mo tapos hihingi ng mga documents na parehas lang naman daw nung una nyang sinabmit ay sa pangalawang pagkakataon na yun parin naman daw yung sinabmit nya ay bigla daw hindi na tinatanggap kahit valid naman daw yung id na binigay nya like passport at at drivers license. Kaya sa tingin ko hindi na nila maibabalik pa yung nakaraan na madami silang community talaga at naniniwala sa kanila.
It happens when nagkaroon ng interes ang gobyerno, nag karoon ng somewhat regulations and yun, parang taon-taon na need mag verify ka umay din. Okay lang sana if expired na yung ID pero hindi eh, minsan pa nga hindi yearly, basta may ipasok ka na medjo malaking pera ay ipapa verify ka nila uli. Yung account ko s coins di ko na ginagamit dahil sa re-verification na yan since 2015 pa ata ang account na yun.