Ako hindi ko na talaga nagamit ang Binance at hindi narin ako nagbalak gumawa ng ibang paraan para ma access to.
Ako rin, hindi na nagamit ng binance pero sa mga nangyayari parang nagtatalo yung isipan ko pero lamang yung hindi na talaga gagamitin. Mas okay na sumunod nalang kung ano ang prompt ng gobyerno natin tungkol sa kanila kahit na masakit man at mahirap, may habol din talaga na mga taxes ang gobyerno natin kay binance kaya pinagbawalan na. Kahit na ganun pa man, madami pa rin akong nakikitang mga kapwa pinoy natin na gumagamit ng binance.
Hindi na rin ako gumagamit sa Binance kasi masaya naman ako sa Bybit feeling safe na rin ako dun. Kaya lang nung nag-airdrop ang DOGS ang ginamit ko ay Binance, medyo kinabahan ako dahil sabi ng mga kakilala ko baka hindi ko raw matanggap ang DOGS ko kasi banned ito sa Pilipinas, kinabahan ako baka mawala, pero inisip ko naman yan bago ako nagdesisyon na Binance ang gamitin, at ayun nakatanggap ako ng additional 10k, tuwang-tuwa ako pagkatanggap ko. Marami ding mga pinoy nakatanggap sa Binance, ibig sabihin marami paring gumagamit ng Binance na mga pinoy.
Madami pa din talagang gumagamit ng Binance. Kaya sa mga airdrops na ganyan tapos may pa bonus pa, madaming tuwang tuwa gaya mo kabayan. Kaya sa mga paparating ng mga airdrops pa, kapag may mga ganitong bonus ulit galing sa ibang exchanges, maghihintay lang din muna ako pero baka hindi ko na din talaga pipiliin si binance dahil nga nag iingat na lang din ako pero good job sa inyong mga gumamit ng binance.
Sayang din naman kasi baka mawala lang yung pinaghirapan natin at hinintay ng matagal kapag pinilit nating gamitin ang Binance kahit may risk dito. Hindi ko lang kasi talaga kasi masasabi na gagalawin ng SEC yung about sa DOGS, hindi ko maisip talaga na posible ang ganun. At dahil wala pa naman silang nagawa sa Binance at magagamit pa naman, ayun ginamit ko na lang din
. Pero ingat lang din at kailangan isipin ang risk bago gawin ang anumang hakbang para wala tayong pagsisisihan.
- Meaning, di-mo pagsisisihan if ever man na magkaroon ng consequences yung ginawa mo na yan sa paggamit mo parin ng binance platform? Saka ang risk lang naman na nakikita ko ay yung baka hindi mo na ma uksan pa yung account mo sa binance diba?
Saka sa ngayon ay parang wala pa naman akong nakita na mga kababayan natin na nagkaroon ng isyu sa paggamit parin nila ng binanace apps after ng ginawa ng Sec natin hanggang ngayon.
Hindi ko talaga pagsisisihan kasi wala namang babala na kapag mananatili tayong gumamit ng Binance app ay magkakaproblema tayo. Ang di pagkakaroon ng license ng Binance ang problema ng SEC, at hindi ang mga users nito. Hindi rin naman nawala sa playstore yung Binance app kaya hanggat nandyan yan pwede tayong gumamit ng app nila. Siguro kung maglabas ng announcement ang SEC na magkakaroon ng penalty ang mga users kapag mananatiling gumamit ng app, ay dyan na siguro ako hihinto, pero imposible namang mangyari yan kasi problema yan ng SEC, hindi ng mga users ang bagay na yan.