I have watched some of their videos and commentaries well and I think they have great insights on the market. They probably have a lot of information to share at that conference. Feeling ko sulit pumunta diyan lalo na meron silang pa airdrop. Malay mo, it will be free money for those who attend.
I think ang importante dito is it's free.
Yeah yun naman talaga ang importante kabayan lalo na sa isang tulad ko na mahirap lang kaya kapag may nakikita akong mga paid seminars or workshops ekis na kaagad yan pero since free itong sa GCash I think marami talaga manunuod dyan lalo na at marami ang gumagamit ng kanilang services marami ang mga baguhan na maging curious dyan so nice move ito ng gcash para mapalawak pa yung awareness ng mga users nila.
Kadalasan sa mga free seminars ay napakalimited lang na mga informations ang kanilang binibigay, minsan hindi nila ginagalingan at parang walang saysay yung mga binibigay nilang impormasyon. Kaya yung mga inpormasyon na kinakailangan natin kadalasan nakukuha talaga sa paid seminars kaya sumasali ako sa mga ganyan. Pero sabi ni Crwth na marunong talaga sila kaya worth it talaga pumunta dyan, bihira lang kasi yung ganyan.
- Well, kahit mga paid seminars pa yan madami prin sa mga attendees ang hindi naman nila nagets din yung mg narinig nila sa session o seminar. Minsan pa nga may mga ibang attendees din na parang nagsisisi pa sila kung bakit sila umattend sa paid seminars na ang discussion ay about sa crypto.
Dahil nga hindi nameet yung expectation nila na maririnig sa session dahil madalas more on hype and motivational ang ginagawa ng ibang mga speakers para magmukha silang mas may alam sa mga dumalo, kaya para sa akin talaga hindi ako bilib sa tatlong guess nila dyan, mas bilib pa ako sa mga ibang elders na dito sa forum kesa sa kanila kung malalim na understanding sa bitcoin o crypto ang pagbabatayan ko.
Kaya gusyo ko lang din linawin na hindi ko ito sinasabi para siraain sila kundi nagsasabi lang ako ng totoo, subukan nio panuorin yung mga content n ginagawa nila, dun nio sabihin sa akin na malawak kaalaman nila sa bitcoin o crypto, at kung bakit nila ginagawa na gumawa ng content about sa crypto, makikita ninyo yung intensyon at motibo nila.