May mga ganyang tao talaga kaya mas maganda kung may mga malaking investments ka ay dapat isantabi mo lang at huwag ng ipaalam sa mga taong hindi naman mahalaga sa buhay mo. Kahit nga kamag anak o kaya kaibigan, dapat talaga sa mga iilang tao lang na mapagkakatiwalaan mo tulad ng magulang, asawa mo. O mas maganda din na sarilinin mo nalang tapos gulatin mo sila ng isang malaking bagsakan kapag kumita ka na ng malaki.
Mas maganda rin kasi yung show nalang natin yung result kesa magsabi tayo ng lahat ng mga plano sa kaibigan natin tapos kulang tayo sa gawa o kaya kahit anong sikap natin hindi naging nagsuccessful, masasaktan lang tayo. Pero dapat talaga kung may partner tayo, sila talaga ang unang-una natin sasabihan sa mga plano natin, dapat kasama sila plano kasi may mga times na may magandang maitulong din sila para maging successful tayo. Btw, mukhang maganda naman ang galaw ng market ngayon, sana magtuloy-tuloy na.
Mahirap magsabi sa ibang tao, mapakaibigan o kamag anak mo kasi hindi naman lahat nagwiwish sayo ng maganda. Lalo na sa mga investments sa crypto, kapag malaman nilang kumita ka. Sasabihan ka lang ng "sana all", "baka naman" at gusto umutang at magpalibre pero lahat ng risk ikaw lang ang nagtake at ikaw lang ang nagkalakas ng loob para iinvest pera mo. Ganito talaga sa bansa natin kaya dapat magsikat at lowkey lang din kapag related sa crypto ang investments.
Totoo yan kabayan super risky na maglantad ng investments sa crypto lalo na dito sa atin sa Pinas. Di ka lulubayan ng mga taong gusto makakuha ng benefits sayo once nalaman nila na kumikita ka sa crypto. Akala kasi nila easy money lang. Nangyari sakin yan way back 2017 eh ako naman si pauto kaya ayun gastos ng gastos kaya medyo limited lang naipundar ko inabot pa na maubusan ako funds dahil humina ang kitaan sa signature campaigns after nung bear market na kaya ayun nganga.
Marami pala tayo kabayan ang nakaranas ng ganyan. Hindi lang kasi yung pangdodown ng mga tao ang pwedeng mangyari sa atin kondi pati na rin yung risk na baka buhay ang mawala sa atin. Basta pera na pag-uusapan lalo na yung investment tapos sa crypto pa, na akala ng iba malaki talaga investment natin. Baka mabiktima tayo nung $5 wrench, nakakatakot din kasi na baka mabiktima tayo ng maling akala. Gaya ng sabi ng karamihan, stay lowkey lang talaga.
Totoo yang sinabi mo kabayan life threatening talaga sya given na yan yung kadalasan sa mga laman ng balita about crypto lalo na sa atin sa Pinas at ang involve mga foreign nationals pa. Napanuod ko sa balita nung nakaraang gabie andyan parin pala ang love scam kala ko nawala na yan yung masaklap pa is involve ang cryptocurrency which is tayo din ang apektadong mga enthusiasts kasi baka ano nanaman maisipan ng mga nasa gobyerno.
Naku, buhay pa pala yang love scam, sa pagkakaalam ko kasi matagal na yang wala eh. Ganun pa man, hindi rin naman talaga mawawala ang mga scammers, kasi kahit nga sa labas ng crypto may mga scam na nangyayari, at hanggang ngayon effective pa rin itong paraan ng pagnanakaw ng pera ng mga masasamang tao. Mas medyo advance lang talaga ang pamamaraan nila ng pang-iiscam sa crypto kaya maraming mga baguhan ang nabibiktima.