Ang mahalaga kabayan mayroon kang source of income at multiple pa. Kaya hangga't merong pagkukuhanan at meron kang ibang pinagkakaabalahan para mas matustusan mo at ng pamilya mo ang pang araw araw niyo, okay yan. At tama ka diyan dapat karamihan habang may permanenteng trabaho ay dapat side hustle lang at huwag kalimutan na mag invest habang kumikita kaya HODL din kung may natitira pa sa kita.
Dapat talaga multi tasking para hindi ka mawalan kasi mamaya yung trabaho mo mawala kaya dapat may business ka nakahanda o may extra kang trabaho.
Sa panahon ngayon ang hirap ng buhay taon taon tumataas ang presyo ng mga pagkaen kaya kung wala kang extra baka magutom kayong pamilya.
Ilang araw kaya akong di nakatulog dahil sa problema namin nanakawan kami ng motor nung lunes buti nabalik pa samin dahil sa mga cctv kaso nga lang inubos yung mga sticker at tinanggalan ng plaka.
Sa hiurap talaga ng buhay ito ang nang yayari sa ibang tao kahit di nila pag aari nanakawin. Dapat mag hanap sila ng ibang source of income yung gawa sa mabuti.
Baka boss may alam ka jan na iba pang source of income para yung ibang mga libre kong oras malaan ko jan.
Mabuti naman at nabawi mo pa yung motor mo dahil sa mga cctv, ang mga kawatan talaga walang sinasanto basta nakitaan nilang pagkakaperahan ay hindi na nila iisipin kung masama itong gagawin nila.
Ako nga bukod sa ginagawa ko dito sa crypto/bitcoin trading ay nagbebenta ako ng diswashing liquid, kung alam mo yung size ng C2 na malaking bottle isang ganun 30 pesos lang ang bentahe ko tapos dinedeliver ko dito sa mga residente sa subdv. dito tapo puhunan ko 200 pesos pagnabenta ko lahat nasa 1000 pesos ang nagagawa ko tapos libre na yung diswashing ko personal, hehehe, samahan mo pa ng perfume na puhunan ko 30 pesos then binebenta ko ng 70 pesos.