Agree ako sa sinabi mo kabayan na may mga Devs talaga na ang intensyon ay pagkakitaan ang mga tao at hindi rin ito bago sa atin. Noon pa man, mayroon ng mga coins na iniiwan ng mga Devs, lalo na sa memecoins halatang marami ang hindi seryoso dito. Siguro na inspired ang iba dahil sa Dogecoin na maggawa rin ng mga coin na nagbabakasali na maging hype in the future.
Akala ko rin na walang mangyayari na Tge kasi hindi sila tumutupad sa usapan pero nung inanunsyo sa Binance, ay sigurado na ako na mangyayari ito.
Hindi ko inaaalis ang posibilidad na magkakaroon ng mga rug pull sa tapping platform na ito yung gagawa sila ng mga plano at features na sa tingin mo ay pangmatagalan pero ang mangyayari ay trap lang pala para mag rug pull sila pagkatapos nilang maging cash cow ng mga ilang buwan kaya kung mag iinvest kayo siguruhin nyo na yung project ay pangmatagalan.
At matalas din dapat ang pakiramdam nyo na mag rug pull sila.
Yang rugpull nakikinita ko talaga yan sa hmstr, pansinin mo yung mga content creators, nabuhayan na naman sila ng loob at mapagkakakitaan para utuin at ihyped yung mga uto-utong mga viewers na karamihan. Todo hype na naman yung mga hinayupak, pero before nung makita nilang madaming nadismaya unti-unti na silang tumigil sa paggawa ng content kay hamster.
Tapos ngayon nung nag-anunsyo na mallilist sa binance aba nagbalik sigla na naman sila, at ngayon may mga pa hyped sila na kesyo maging 0.5$ daw isang hamster, dyan sila magaling sa panlilinlang, at pagsisinungaling, at kesyo may tricks daw silang ituturo mga tolongges talaga, kaya kawawa maniniwala sa kanila sa totoo lang.
Napakaimpossible na aabot ito ng $0.5 pero hindi ko pa masasabing magkakaroon ng rugpull sa hamster. Napakadami kasing user ng game na to kaya di masyadong malaki ang nakukuha ng mga influencers. Sa tingin ko babagsak ito kasi maraming magbebenta pero baka aakyat ang presyo dahil wala na yung mga panic sellers. Papunta na kasi tayo sa bull run stage, kaya bihira na gawin ng mga investors na magbenta ng maraming assets nila.
Eto para sa simpleng computation kabayan, merong 100B total supply ang hmstr diba? example ko nalang si xrp na meron ding 100B total supply at ang nasa circulatinh supply nito ay nasa 56B sa presyo ma 0.5$ something ni Xrp meron siyang 33Bilyon marketcap, while si hamster nasa 53 bilyon lang yung nasa circulation, take note kasama yan sa top 10, isa pang example dyan Trx merong itong 88Bil total supply while ang nasa circulation ay parehas ng total supply na nasa price na 0.15$ each na merong 13B marketcap.
Na ibig sabihin dapat ungusan muna ni hmstr yung naza top 11-20 na mga crypto at meme coins, kazama na dyan yung ton,.. kaya in their dream talaga yang sinasabi nilang maging 0.1$-0.5$. anu yan ilang buwan lang mauungusan agad ni hmstr yung top 20 ngayon,.. eh sa istilo pa ng team nyan puro liars pa.. suntok sa buwan talaga yan,.. saka hindi naman nakabatay sa dami ng users yang hamster. Tignan natin, pagnagpump bigla yan ng walang dahilan goodbye ang mga investors dyan dahil dun magsisimula ang rugpull nyan ng biglaan..