I am just wondering kung may mga representative ng local at international exchanges na nagmamasid dito sa forum or kahit dun sa kabila para naman alam nila yung concern natin about sa inooffer nilang mga services like mga kailangan nilang iimprove at updates na rin nila about legality and future pakulo which very helpful and advantageous din sa part nila kung di ako nagkakamali.
wala ata silang threads kahit sa BTT. pero nakareceive ako sa telegram. nagkunwaring gurl at nagtatanong kung kumusta experience ko sa binance at pano comprison ko sa yobit.
nung pinansin ko ang profile nya na community moderator ng PDAX_official, hindi na sumagot uli.
kung walang choice baka sa kanila babagsak pero until there international exchanges are operating at walang problema sa atin na magtransact, last option parin talaga yung PDAX. sa ngayon coins.ph lang ata nakikita kong nagadvertise.
Naalala ko dati ang Coinsph ay mayroon silang representative sa BTT dati na kung saan nagrereply sila sa mga concerns ng mga tao. Bago palang kasi yung Coinsph dati tapos walang ibang wallet o exchange na puwedeng i-convert ang crypto to peso, ang Coinsph lang talaga. Hindi kagaya ngayon na ang mayroon ng P2P ang mga exchanges kaya hindi talaga magagamit ang Coinsph kasi puwede naman sa Gcash agad ng walang additional fees.
Ako sa tingin ko kahit ilang beses pang magrestrict ang SEC natin ng mga international exchange ay meron at meron paring susulpot ng mga CEX platform na merong p2p na gagamit ng mga ecommerce tulad ng gcash at maya apps.
Kaya yang mga CEX platform dito sa crypto world na merong p2p features ay malaking sakit ng ulo at malaking problema talaga ng coinsph at ng pdax, kaya kahit anong promote din ng ibang mga pinoy sa coinsph ay hindi narin kasi nila maaalis yung pangit na serbisyong ginawa ng coinsph sa mga dati nilang naging mga users sa totoo lang.
kahit yung international exchange ay ganun din ginagawa ngayon. ang ikinaganda lang ay mas maganda ang serbisyo kesa sa coins.ph
kamakailan lang nanghingi uli ang binance sa akin ng ID ko dahil expire na daw ID ko.
pero kung natuto ng mag-organize ng crime ang mga local exchanges baka totoo nga hinala ng mga coiners na dahan-dahan nilang sinosolo ang market dito sa Pilipinas. at sila talaga ang nagpapaban ng mga international exchanges.
- Yeah tama ka dyan mate, yun ang hindi nakikita ng coinsph at ng pdax yung ganda ng services na binibigay ng ibang mga international exchange sa kanilang mga user platform. Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan ang coinsph at pdax, kahit manlang sana gayahin ng coinsph at pdax yung ganda ng services na ng international exchange ay baka magbago isip natin na gamitin ang ating sariling lokal exchange. Kaya lang wala tayong nakikitang ganung initiatives mula sa kanila.
Saka speaking of binance katulad mo ganyan din ang ginawa ng binance sa akin nagpadala ng notif sa email ko na need ko daw magsubmit ulit ng id for verification dahil expire na nga raw at nagsubmit naman ulit ako using binance apps sa playstore.