Ang tindi, samantalang tayo payo natin na huwag mangutang para mag invest sa Bitcoin pero sila binebreak nila mismong laws ng patungkol sa ganitong bagay. Pero hindi din natin sila masisisi dahil tama lang din naman ginagawa nila at alam nila saan papunta itong market na ito. Kaya saludo nalang din ako sa mga ganitong desisyon na ginagawa nila. Kahit na madaming hindi pa alam ng bitcoin sa bansa nila, inadopt pa rin nila ito bilang legal tender. Wala namang pinagkaiba sa mga bansang inaccept ang US dollar bilang legal tender/currency nila.
- Kung tutuusin naman wala namang masama na mangutang, basta sa tama at maayos na paraan mo ito gagamitin. Katulad nalang kung ipambibili mo ng Bitcoin, Ethereum, Solana o Bnb ay paniguradong magkakaroon ng profit talaga. Kaya para sa akin ay tama lang yang ginagaw nila.
ako man gagawin ko rin yan bilang isang indibidwal, kaya ko naman bayaran ng installment at least alam kung may magkakaroon ng profit yung paglalaanan ko ng perang ipapautang sa akin lalo pat nasa bull market tayo ngayon.
Lahat naman ng bansa may utang sa IMF kasi dapat may valid reason ang isang bansa kung bakit nangungutang. Either sa infrastructure, education o iba pang for good ng mga citizens. Pero sa rason ng El Salvador, doubtful sila sa bitcoin. Kaya kung anoman ang napagkasunduan nila, good job ang El Salvador dahil napa-oo nila ang IMF. Ako naman iba ang point ko sa utang, mas pipiliin kong cash kung related sa mga gamit bagay bagay pero sa investment, hangga't maari plain cash na meron dapat ako at hindi utang.
Well ako sa totoo lang yung inuutang ko sa forum pinambibili ko rin ng mga potential altcoins na sa tingin ko ay makapagbigay ng profit sa akin kapag nagrally na ang mga altcoins sa merkado. At kapag nabayaran ko na yung inutang ko palipas lang ako ng ilang weeks uutang ulit ako para ipambili ng mga altcoins then hold.
Ganyan yung ginagawa ko, though minsan yung ibang portion na inutang ko ay ginagamit ko naman sa pangangailang ng pamilya ko, or dinadagdag ko lang din, ginagawa ko ito kasi nasa bull run kasi tayo lalo na ngayon we are running out of time na, ilang buwan nalang talagang take off na tayo