Di naman ako nawalan ng pera sa paggamit ko sa dalawang sikat na payment portals na Gcash at Maya pero nung nakaraang buwan ang account ko sa Gcash ay di na ma-open...everytime na pinapasok ko ang OTP ang sabi ng app ay: WE ARE WORKING ON IT...sadly until now di pa nila natapos ang problema. Wala na akong planong gumamit pa ng Gcash at nasa Maya na ako since halos pareho rin naman ang mga features nila except for the Customer Service...ang Maya may live na customer service pwede mo kausapin while ang Gcash bot lang ang kanila at may mga issues na di kaya iresolba ng bots kaya masisira lang ang araw mo.
Ako so far wala naman akong nagiging problema sa gcash, siguro dahil meron akong mga active loan sa kanila hehehe, saka wala din naman akong kiniklik na any link, at kung sakali man na merong magtext sa gcash no. ko na nanalo daw ako sa isang gambling online ay hindi ako nagaattemp na iopen ito bagkus blocked agad then delete.
Kasi nga matagal tagal na tayo dito sa mundo na ginagalawan natin at alam na rin natin galawan nitong mga kriminal na to at hindi tayo basta basta mag fall sa kanila.
At katulad sa isang thread ko, may problema ako sa Paymaya pero ginagamit ko parin sila dahil mga pwede kang umutang tapos syempre bayaran mo agad para makahirap ka ulit kung may emergency.
- yun lang talaga ang kalamangan natin sa iba na hindi nga aware sa mga gawain ng scammers at hackers, so kung mananatili sila sa kanilang mga ginagalawan at hindi talaga aalamin ang mga bagay na dapat nilang malaman ay talagang mauulit at mauulit lang palagi na sila ay mabiktima kahit na anong ingat pa nila.
although, kahit man ako merong account sa maya kahit madalang ko itong gamitin ay ayos lang dahil tinetake ko nalang itong reserve backup na wallet just in case na magkaroon talaga ng problema sa gcash.
Agree ako dyan. Kaya masaya ako na nalaman ko ang forum na ito dahil marami tayong mga matututunan. Lahat ng mga information na kailangan natin patungkol sa crypto ay malalaman natin dito dahil maraming mga tao ang may matataas na kaalaman sa crypto at willing ishare sa atin ang kanilang kaalaman sa ating mga problema. Lalo na sa mga kababayan natin, marami dito ang mga matutulungin sa kapwa. Kaya kung may mga problema tayo in the future especially related sa crypto huwag mag-atubiling magpost para matulungan tayo.
Iisang bansa at iisang lahi lang naman tayo, huwag tayo tumulad sa iba na sisiraan ang kapwa kakabayan nila kapalit lang ng hindi maintindihn kung saan humuhugot ng tigas ng mukha para siraan ang iba.
Kaya nga dito sa forum ng lokal section natin, sa totoo lang kilala ko sa name lamg naman yung masasabi ko na active at hindi gaanong active dito sa section na ito, ang gusto ko lang dito sa atin at hindi nawawala ang pagpapaalalahanan sa isa't-isa, kaya salamat at happy new year to all here.