Kung 4 years pa kabayan, panibagong halving na naman yan. Every 4 years kasi nangyayari ang halving, kaya walang duda na good news ang taon na yan. Kung pagbabasehan natin ang history ng Bitcoin, gumagawa talaga ng panibagong ATH ang presyo before or after ng halving. So bullish ako nyan, expected ang manipulation na kung saan mapapaisip tayo na baka bearish na, pero manipulation lang pala. Manalo o matalo si Trump dyan ay bullish pa rin ako dyan.
I doubt next halving will outdo the effect of the law amendment (with the next president decision, if ever) ng trump admin towards bitcoin/crypto. Pero yeah, since ang tagal pa nito marami pang ways and chances to make all the law makers at senate ng US at majority ng political parties ay makita ang benefits ng bitcoin towards the economy, investment at ng isinusulong ng current Trump admin.
If mangyari man yan kabayan o kahit anong malalaking balita sa panahon ng halving, walang duda na manipulation lang ito para makabili ang mga big players sa mas murang halaga para mas malaki ang kikitain nila pag-explode ng presyo. Yan naman talaga kasi ang ginagawa ng presyo sa history ng halving, may mga masasamang balita talaga o mga humors na magcause sa atin ng fear para mabenta yung mga assets natin o kaya upang hindi makabili para mapag-iwanan tayo sa market. May kaibahan lang talaga yung galaw ng presyo latest halving kung ikukumpara natin sa dati, pero still gumawa pa rin ng panibagong ATH. I believe na sa susunod na halving na aabot ang $150k price kung hindi ito mahihit sa taong ito,
Lahat ng mga bitcoin holders pangarap naman nilang mangyari ang bagay na yan, at dahil nga halving parin sa panahon na matatapos ang termino ni Trump, that means anuman ang mga balita na mangyayari sa panahon na yan tiyak na maganda ang price ng bitcoin sa pagkakataon na yan.
So siguro sa ngayon mas maganda na ienjoy na muna natin itong bull run na ito pakinabangan yung mga hold nating mga crypto assets sa araw mismo ng rally ng mga holdings natin bukod sa bitcoin na siyang hahatak sa majority top altcoins sa merkado.
Tama, at hindi lang din naman si Trump ang makakapagtrigger ng presyo para umakyat, marami ang pwedeng maging dahilan upang umakyat ang presyo ng Bitcoin sa panahon ng halving gaya nalang ng mga ETFs, sa pagkakaalala ito yung pinaka-inaasahan ng mga tao na kapag maaaprobahan sigurado na lilipad talaga ang mga presyo. At dun din sinasabayan na rin ng TA, kaya maiisip nalang natin na parang sinasadya yung mga pangyayari.
Speaking of ETF na yan, parang meron akong nabasa na isinusulong na ETF sa Ripple at Solana, na nabasa ko sa isang articles hindi ko lang alam kung anong article platform yun. hindi lang ako sure kung alinman sa dalawang ito ang maaprubahan ay makakatulong ba sa pagkaroon ng rally sa mga altcoins sa merkado.
At sa aking nakikita na sa tingin ko na mas mabibigyan ng aproval ay ang solana kumpara sa Ripple. At kapag nangyari ito ay malamang yung mga utility coins na under ng solana network na nasa top 10 ay malamang mahatak din pataas sa aking palagay.