yung mga maliliit na habits hindi natin namamalayan na nadadala na pala natin sa buhay in the long term kaya always make sure na even our little habits make us productive for an overall more productive life
Tama, at walang madali sa nasanay na. Kung sa tingin nila na madali lang baguhin ang isang nakasanayan, nagkakamali sila. May mga bagay kasi napakadali lang tingnan pero yung totoo mahirap talaga basta sanay kana sa ginagawa mo.
Hindi lang rin tayo ang maaapektuhan sa ating ginagawa kundi pati na rin yung mga tao sa paligid natin, isa na dyan yung pamilya natin, kaibigan o kasamahan sa trabaho.
- Oo tama ka naman dyan, pero diba sabi nga kung gusto may paraan at kung ayaw madaming dahilan, itong kasabihan na ito ay matagal na at dekada ko ng naririnig at hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ko parin sa totoo lang.
Kaya yung pagtake ng action talaga tama yan, walang mahirap sa gustong gawin ang isang bagay, at siguro naman alam ito ng ibang mga kababayan natin diba?
Agree ako sa kasabihan na yan kabayan. Willingness kasi yung nag-uudyok sa atin para maging madali sa atin yung mahihirap na mga bagay. Pero yan kasi yung problema kung bakit nahihirapan ang isang tao na gawin ang isang bagay, yung walang willingness. Kaya kailangan natin na i-push ang ating sarili na gawin ang mga bagay na kailangan gawin kahit hindi naman natin ito gusto kasi sa tamang panahon magiging madali nalang ito sa atin at magkakaroon na rin tayo ng kagustuhan na gawin ito dahil sanay na tayo.
In short, kailangan natin itong ipraktis sa ating mga sarili, maaring sa simula mahirap o hindi magiging madali kapag ginawa natin, pero kalaunan kapag nakasanayan na natin ay magiging madali nalang itong gawin.
Yung iba kasi na mga tao ginawa nalang nilang habit kaya ayun walang action na nasisimulan puro plano nalang, kaya tama din yung nasa bible na Faith without action is dead na naaakma naman din dito sa ating pinag-uusapan na paksa sa section na ito.