Everything about Points and token distribution Everything about Ranks and Ranking>> Teleport your account from Bitcointalk Latest news: Community Awards Winners
Sa tinatawang namang airdrop, ang isang proyektong blockchain ay gugustuhing magbigay ng mga libreng crypto sa kanilang komunidad. Nangyayari ito kapag ang isang proyekto ay natapos na ang kanilang tinatawag na ICO o initial coin offering. Sa ICO, ang isang panibagong uri ng cryptocurrency ay ipinakikilala sa mundo bilang kapalit o kakompetensya ng ibang mga naunang crypto tulad ng mga sikat na cryptocurrency na Bitcoin at Ethereum.Kung tapos na ang ICO, at maaari ng gamitin ang isang crypto, madalas ay nagkakaroon ng airdrop. Dito, kung ikaw ay bahagi ng komunidad, maaari kang makakuha ng libreng cryptocurrency. Para maging bahagi ng ganitong komunidad, dapat ay nakapag-sign up ka at mayroon kang naitabi sa iyong pitaka ng mga crypto na katulad ng ganitong panibagong salapi.Ginagawa lamang ito para mas makilala ang bagong digital na salapi.