Yes, pwede rin talagang abusuhin, pero katulad nga ng sinabi ni @bitterguy28 pwede mo naman i-report ang nagbigay sa yo ng negative karma. Pero parang bihirang mangyari na meron magbigay sa yo ng negative karma unless talagang nang trip lang ito sa yo. Pero may nakikita akong account na may negative karma, isang dahilan yata eh copy and paste or plagiarism ang kaso nya.
Lahat naman ng bagay kahit magaganda ay pwede abusuhin ng kahit sino at sa pagbibigay ng karma eh ay maaaring may mga tao na walang magawa sa kanilang buhay kundi mambwiset ng ibang tao. Pero sigurado ako bibihira lang sila sa forum na to...usually pag may negative karma ay may ginawa talagang mali lalo na ang spamming at plagiarism na di dapat gawin dito sa forum. Ako bawat araw ay nagbibigay ng karma sa maraming users na sa tingin ko ay nakakaambag ng mabuti sa forum at minsan negative karma naman pag di ko nagugustuhan ang post lalo na at isa din akong moderator. Patuloy lang tayong mag-share sa forum at matuto sa mga karanasan ng ibang tao habasng andito pa tayo sa mundo ng cryptocurrency at kahit papaano eh kunikita ng kunting pera pambili ng load at ice cream...kasama na rin ang bigas na malapit na maging P20 per kilo (joke lang).