Kabayan, payo ko lang na wag mo ng subukan pang muli ang mga HYIP programs dahil scam talaga yan at walang investment program ang magoofer ng ganung kalaking return rate. Iwas na tayo dyan para wala na ding kitain ang mga nagtatag ng mga ganyang investment program at matapos na ang panloloko sa mga kapwa natin Filipino.
Salamat sa payo mo kabayan, pero yung mga sinalihan kung HYIP man ang tawag sa mga iyan, ang puhunan ko lang ay ang pagpapagod, oras at yung data ko lang, katulad lang yan sa pag-oonline natin sa facebook at paglalaro ng mga video games at ng ibang mga kababayan natin, walang saysay ang pag iinternet, di pinapahalagahan ang bawat oras, ganoon din ako noong una kapag nabobored ako, pero ngayon natuto na ako kung papaano natin bigyan ng halaga ang bawat oras at data natin, pwede tayo kumita sa internet at mag enjoy sa pagma-mining ng btc, captcha, surfing ads, at iba pa na di kailangan ng mga kababayan natin na mag invest sila ng pera, kono membership or kung ano ano pa sinasabi!, Maraming nagpopost sa mga social media niyan! paasa! naging biktima din ako noong una nagbabayad ako ng 1k noong araw, pero di na mauulit yun!
Marami naman pagkakakitaan sa internet kahit maliit lang atleast kumikita tayo at pumapasok sa mga account natin.
Walang maloloko sa taong ayaw magpaloko mga kabayan
