Ating saliksikin po ito kung ano nga ba ang Networking? Madalas naririnig natin sa social media ito sabi ni kabayan @Hector2005
May sample ka ng HYIP dyan brader? Ngayong ko lang kasi narinig yong term na yan eh. Networking lang kasi nababasa ko sa social media.
Sa crypto, you can earn something basta you know what you are doing lalo na pag papasok ka sa trading. Medyo risky pero kung marunong kang maglaro medyo may pera din dyan.
Kadalasan sa iniisip natin na ang Networking ay nagtatrabaho sa internet at kumikita through internet.
Pero matagal ko na naririnig ang networking at sumali din ako nito nung araw at uma attend din ng mga seminar di pa nauuso noon ang crypto, ang celpon ko lang noon ay nokia 3315 magagamit ko lang sa text at tawag at walang data, pero nakakapag networking ako na di gumagamit ng internet, mga produkto lang nila ang mga dala ko na sobrang mahal at hirap ibenta, sa pagrerecruit lang din ako minsan kumikita pero tulad sa inaasahan, di talaga ako nagkaka kotse! sa pagsali ko sa mahabang panahon. 😥
Hindi ba natin naisip na ang pagsali natin sa mga ganitong programa ay isang networking din, naglaan tayo ng oras, tiyaga, panahon at pera para tayo'y kumita so it means nag networking din tayo dito tama ba ako? Salamat po sa inyong mga sagot kabayan.