Bilib ako sa mga tulad mo kabayan at iilan lang kayo dito at sa kabila na totoong traders talaga na may sariling analysis at binabahagi niyo sa bawat isa sa amin. Hindi talaga ako magaling na trader at investing approach lang ang ginagawa ko at parang naguilty ako sa sinabi mo na imbes gamitin yung oras sa paglalaro, mas ginagamit mo sa pagch-chart. Sa totoo ang, mas mahusay pa kayo sa mga guru guruhan sa fb na mga content creators na puro wins at chamba lang ang pinapakita na walang actual basis at explanation kung paano at saan papunta yung trend line na pinapakita sa mga charts nila.
Experience lang kasi talaga chaka hindi pa ko pro na trader may marami pang magagaling na trader chamba lang yung mga prediction ko chaka base na rin sa mga pattern.
Pero yung galawan ngayon ng BTC undecision pa sa ngayon at maraming manipulatation o nasa accumulation phase pa.
Kaya lumipat muna ko ng coin na minomonitor kasi walang magandang entry ngayon sa Bitcoin ko mag ka breakout man e fakeout pala pero ang mahalaga stable tayo sa risk natin yun talaga ang pinaka mahalaga sa lahat risk management.
Chaka minsan lang ako mag entry pag hindi ako sigurado sa papermoney ko talaga sya tinatry muna kung tama ang analysis ko kasi pag hindi ako sure dun muna sa papermoney ko tinetest pang build lang ng confidence para sa susunod na ganun ulit ang mang yari o ganong galaw ulit alam ko na ang gagawin ko.
Meron pang mas maraming magagaling na trader ewan ko yung mga influencer ano ang purpose nila sa youtube kasi kung totoong kumikita sila ng maganda sa trading bakit mag sasayang pa sila ng oras gumawa ng video na ambis mag monitor na lang sila ng chart sa mga potential good entry. Ang mga professional na trader hindi talaga maiingay yan kasi meron na silang proven na strategy na working hindi nila isheshare yan kung ang win rate nyan more than 80% o mas mataas pa. Sa ngayon wala pa akong ganong win rate mag iisang taon palang naman akong na focus sa trading kasi dati naman kahit matagal na tayo sa crypto buy, hold at sell lang naman ginagawa natin chaka mga airdrop.
Yung pinag tetrade ko nga lang galing lang din sa airdrop yun lang pinang lalaro ko chaka iniingatan kong hindi maubos yung hawak ko na yan kahit pa 1% lang ang risk ko kada trade matagal maubos yan basta may risk management.