Base sa chart na makikita natin sa ibaba, ang presyo ng Bitcoin ay kasulukuyang gumagawa ng LH at LL, meaning gumagawa ito ng bearish movement sa lower time frame. Sinabi ko dati na may malaking posibilidad na babagsak ang presyo upang kumuha ng liquidity dahil humihina ang demand pagdating ng presyo sa $71k.
Ngayon ano nga ba ang posibleng mangyari sa presyo ng Bitcoin?
Ang analysis ko, gaya ng sabi ko dati na pupunta ito sa around $63k kasi may malaking imbalance na hindi pa nafifill. Pero may posibilidad pa rin naman na pupunta ng below $56k ang presyo at kung mangyari man ay bullish pa rin ako kay Bitcoin at umaasa pa rin ako na aabot ang presyo sa $100k. Para sakin kasi ang ginagawa Bitcoin ay kumukuha lang talaga ng sapat na demand upang i-angat ang presyo ng malakas papuntang $100k.