Post nyo naman dito mga kabayan yong process ng mga negosyo nyo baka makapulot tayo ng idea para naman masundan yong mga yapak nyo hehe.
Simple lang naman yung negosyo ko kabayan, paupahan lang na nabili ko na mura mga ilang taon na nakalipas. Ngayon sobrang mahal na ng mga lote at bahay. Ewan ko ba, yung bentahan lagpas sa zonal value at grabeng tubo ng mga seller. Tingin ko magkakaroon ng bubble pop sa mga real estate lalo na sa mga area malapit sa POGO dahil nga i-close na daw sila.
Ang maganda sa negosyo ay tayo ang boss at yong oras ay hindi mahigpit.
Totoo yan kabayan kaya para sa karamihan, paupahan talaga ang number 1 basta nasa magandang location ka at meron kang budget. Maraming style diyan sa financing, i-cash at fully paid o kung anoman ang maganda at magaan para sayo.