Kamakailan lang sinabihan ko yung kapatid ko na ibenta na ang kanyang XRP dahil baka magkaroon ng malaking retracement ang Bitcoin at kasali ito sa mga babagsak pero dahil yung plan nya ay maghold ng long term hinayaan ko nalang. Ngayon, natutuwa ako dahil mas tumaas yung presyo nito at nagkaroon ng panibagong ATH. Pero sana maibenta nya ito bago matapos ang bull season para naman hindi nya maranasan yung nangyari sa akin dati.
Walang problema kung naibenta niya at sumunod siya sayo. Sa sobrang tagal ba naman bago mabreak ang last ATH nito, mas okay talaga magbenta. Pero kung bullish naman siya sa XRP, nasa kaniya na yan at concern ka lang naman din sa kapatid mo. Pero ika nga, to each their own.
Nag-alala lang kasi ako dahil ayaw ko lang talaga na mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Pero good decision naman yung ginawa nya kabayan dahil mas tumaas nga ang presyo, mas mabuti na rin na hindi nya muna nabenta dahil baka magsisi sya. Iba kasi kapag baguhan sa crypto, parang big deal sa kanila ang ganitong mga bagay. Gusto nila to the max yung profit. At dahil gumawa ng panibagong ATH si XRP, bullish ako sa kanya at dahil may magandang structure ito na nagsasabi na magpapatuloy ang pag-akyat nito.
Totoo yan, gusto nila max profit agad kasi yun ang tingin nila sa market. Pero kapag naranasan na niya yung sobrang tagal ng paghihintay tapos bumagsak ang market, manghihinayang siya at sana nga nakapagbenta na siya. Ganun pa man, at least naging maganda ang takbo ng XRP ngayon at bullish naman pa rin yan at kung below $1 siya nakabili at nakapag accumulate ay sulit na sulit ang pagkakakuha at paghohold niya.
- May point ka naman sa sinasabi mo na yan, honestly before nag-iipon din ako ng XRP kaya lang recently I decided to convert it in other crypto assets in which I think mas makakakuha ako ng mas magandang profit in the future. At hindi naman ako nagsisisi sa bagay na ginawa ko, dahil para sa akin mahirap maghold ng isang crypto asset na manipulated ng mga whale holders tulad ng Xrp.
Ngayon, kung may iba na naniniwala sa Xrp ay gawin nila yung pinaniniwalaan nila sa asset na yan basta sa akin kahit pa na umangat price nyan hindi ko pagsisisihan yun, and besides madami naman na ibang crypto assets na makapagbigay sa atin ng higit pa sa xrp para sa aking opinyon lang naman.