Yung mga nakita yung opportunity sa crypto at nag stay, sila na ngayon yung pumapaldo. Kaya may maganda din namang naidulot yan sa karamihan sa mga kababayan natin. Pero sa mga naging manager at nag invest ng malaki, yung talo talaga nasa kanila. Kaya isipin nalang na parang dinistribute nila ang wealth nila sa mga scholars nila na kumikita at nag grind din naman ng paglalaro.
Cguro yung mga nahuling mga investor ang talagang talo pero sa palagay ko hindi naman siguro kasi my presyo parin ang mga token ng axie lalo nung march umakyat presyo ng mga token ng axie at yung mga alaga nila forever naman sa kanina yun unless kung binenta na nila ng mura kasi pwede pang paramihin yun.
Nung time na yan yung alam nilang crypto lang ay yung axie at sabi pa jila maraming yumaman sa axie kaya dun nag simula yung iba magresearch hanggang sa crypto at na diskubre nilang pwedeng mag invest sa crypto parang ginto.
Siguro hindi naman sa term na madaming yumaman, marahil pwede pa umunlad ang buhay o umusad dahil sa manager sila sa axie at nagpapa-iskolar sila ay kalamangan naman talaga kahit saan natin tignan, bagama't nung mga panahon na yan ay masyadong mahal ang axie pa nun.
Kung hindi lang talaga nila binago yung sistema nila for sure ay edi sana maganda parin yung flow ng axie, dahil sa greediness kasi na pinairal ng mga taong nasa likod ng axie ay ayun bumagsak sila at hindi nila pinagtuunan ng pansin yung long-term.