Mga peke kasi at tuwing bull run lang ata nagtetrade yung mga yun. Samantalang itong si gunhell, all time nandito talaga yan kahit dati pa. 
Matagal ko na rin napapansin si gunhell sa kabilang forum, at napaka-active talaga nya. Kung talagang isa siya sa mga nagtitrade kahit bearish yung bias ng market, sana naman magbigay sya ng sample trades nya sa market para naman maencourage yung mga traders dito sa atin at maniwala talaga sa lahat ng sasabihin niya. At baka na rin marami ang mag-pm sa kanya para maging mentor, at baka isa rin ako sa kanila. By the way, magkakilala ba kayo ni gunhell sa totoong buhay kabayan o dito lang sa forum?
Para sa akin, okay na kahit hindi siya magbigay ng mga trades niya. Sa mga turo niya sapat na saka yung shinare niyang dream house na naacquire niya galing sa trading at iba pang mga sources niya sa crypto at real life. Sobrang proof na iyon at madami na siyang napatunayan. Di tulad ng iba na meron na talaga at nagtrade lang tapos imimislead ang mga tao na kunwari doon galing sa profits nila yung mga assets at luxuries nila.
- Oo sang-ayon ako sa sinabi mo na yan mate, yung iba na binigay nyang guidelines okay naman talaga, at ang pinaka-nagustuhan ko na tinuro nya ay yung Fibonacci, hindi ako honestly marunong gumamit ng Fibonacci, dahil ayaw ko rin alamin at aralin, sapagkat one time lang akong nanuod nyan sa youtube at ayun hindi ko naintindihan para kasing ang gulo at ang hirap unawain yung fibo sa youtube.
Pero sa ginawa ni op parang pinasimple nya at minodify nya kaya naging madaling intindihin, in fact, kahit yung episode 1 lang na ginawa nya dito sa Fibo effective nga siya in short, maganda siyang gamitin talaga, nakakakuha nga ako ng profit through dun sa fibo episode 1 na tinuro nya.
May mga tinuturo naman sa youtube na tinuturo rin ng mga mentors at isa dyan yung SMC. Ang daming mga videos patungkol at dyan at halos wala talagang kaibahan kaya lang parang shorten nalang sya. Gayunpaman, hindi ako naniniwala na lahat ng yun ay profitable talaga sa trading, yung iba gusto lang magkaviews para magkapera sa youtube. Kaya hanga ako sa mga mentors na pinapakita yung PnL nila o kaya naglalive trade.
- Sa tingin ko parang hindi naman nya gagawin yan, dahil sa aking palagay ay wala naman siyang dapat patunayan dito, and bukod dyan discretion nya yan at wala sia obligasyon para gawin yan sa aking opinyon lang naman ito. Yung lang magshare siya ng ganito para sa akin okay narin ito at sapat na.
Dahil kung tutuusin at kung ikukumpara ko sa mga nagpapaseminar kuno tungkol sa trading na mga feeling expert na trader na kada session ay may bayad ay mas may sense pa nga yang binibigay na tutorial ni kabayan, at nakikita at nasaksihan naman natin yun. Very detailed pa nga ito kumpara sa umatend ka ng session o seminar na may bayad pero wala kang makikita na ganitong tutorial sapagkat sa kanila more on orientation at theory lang. Pero yung tools pano iexecute to obtain profit walang ganun.
Hindi naman talaga kinakailangan na gawin nya yan dahil wala naman syang obligasyon na ipakita nito. Pero syempre kung gusto naman talaga nya tumaas yung kumpyansa ng mga baguhang trader, lalo na yung matagal na trader na hindi pa rin profitable, gagawa sya ng hakbang na mapapaniwala sila na gumagana nga talaga. Syempre depende na rin yan sa kanya kung gagawin nya yan, siguro hindi naman mahirap na magpakita ng mga sample trades eh kahit yung winning trades lang ay sapat na yun.
Magandang araw sa inyo, una sa honest na sagot ko, hindi ko kailangan na pataasin ang kumpyansa ng ibang mga traders dito sa platform na ito para lang paniwalain sila dito sa strategy tutorial na binabahagi ko, dahil natuto akong magtrade sa sariling sikap na walang nagturo, walang mentor as in zero knowledge, hindi tumaas ang kumpyansa sa pagpupursigi sa pagtrade dahil nakita ko sa ibang traders na kumikita sila ng malaki, walang ganung nangyari sa akin kundi determinasyon, dedication at passion itong mga nabanggit ko ang dahilan kung bakit ako natuto. Kasi hindi naman ako katulad ng ibang influencers sa crypto na nagsheshare ng tutorial na wala rin namang sense yung iba hindi ko nilalahat pero ginagawa nila yun dahil merong balik yun sa kanila na kung saan profit galing kay youtube bilang sahod nila through ads. Hindi nila gagawin yun na wala silang aasahan sa tutorial na ituturo nila. In short, hindi nila ginagawa yun ng kusang loob na libre.
Ako kusa kung ginagawa ito ng libre na hindi ako nageexpect in return sa ginawa ko na pagbahagi ng kaalaman sa trading strategy na natuklasan ko batay sa karanasan ko, basta ang sa akin ay kung may makaappreciate ng ginawa ko ay salamat sa kanila o sa inyo, at kung wala naman ay salamat parin, at least ako nagshare lang, no commitment, dahil wala naman akong hiningi sa kaninuman dito. Hindi naman ako nagpapabida dito, nagbabahagi lang talaga ako ng mga natututunan ko sang-ayon sa karanasan ko sa trading, ngayon kung mamasamain ng iba dito yung ginagawa ko na tutorial ay ititigil ko na ito, ganun lang yun.
kaya continuous learning lang tayo sana....
