Bahagyang tumataas ang presyo ng halos lahat ng nasa Top 100 cryptocurrencies. Makikita na unti-unting nagiging positibo ang pag-angat ng mga ito sa pangkalahatang merkado.
Ang nangungunang 20 cryptocurrencies at mapapansing dobleng bilang ang itinataas, na pinapangunahan ng Ethereum (ETH), na halos labing-waling porsyento ang iniangat sa loob ng isang araw ayon sa ipinapakita ng Coin360.

Market visualization ng Coin360
Ang Ethereum ay nagbadya ng pagbabalik noong Setyembre 12 na naipagpalit ng $207 kahit na nahihirapan itong bumangon mula sa $170 na mabilisang pagbaba. Halos tatlumpu't limang porsyento ang ibinaba nito ngayong buwan.

Ethereum 24-hour price chart. Reperensiya: Cointelegraph Ethereum Price Index
Ang Bitcoin naman ay nagbalik sa dati nitong pwesto na $6500 at bahagyang tumaas ng 2.76%.

Bitcoin 7-day price chart. Reperensiya: Cointelegraph Bitcoin Price Index
Ang Monero naman at pumalo sa $116 na may ranggong ika-siyam nitong mga nagdaang araw. Umakyat ito ng halos 3%. Ngayon, tumaas na ito ng halos $119.

Ang 7-day price chart ng Monero galing sa CoinMarketCap
Halos lahat ng cryptocurrencies at tumaas ang presyo. Kasama ang Litecoin, Dash, Cardano, Dogecoin at iba pa.

Pitong araw naTsart ng lahat ng Cryptocurrencies
Inaasahan na mananatili ang pagtaas nito sa pagpasok ng panibagong buwan.
Reperensiya:
https://www.cointelegraph.com