Napanood nyo ba yung hearing kanina sa senado at yng mga ibinalita sa mga news channel, nainterview yung sundalo na naputulan ng daliri at sya mismo ay nagsasabi na intentional talaga ang ginawa sa kanila ng mga Chinese mukhang ayaw na nila mag resuply ang Pilipinas sa Sierra Madre.
Ang pinaka nakakatakot na scenario dito ay lagyan na nila ng harang ang paligid ng Siera Madre o worse o i occupy na nila ang Barko na nakakatakot na scenario na pwedeng mag trigger na gumanti na tayo o dumepensa na tayo.
sasadyain talaga nila yan. kahit US ang magpunta dyan sasadyain rin nilang harangin ang US. dahil tinurin na nila na sa kanila yang mga lupa jan.
wala rin naman palang wenta yang mga UNCLOS na yan dahil hindi rin naman pala sila makakapagpapa-alis ng nag-occupy sa mga borders. bakit pa sila nagkunwaring may mga agreement.
kasi kung talagang may kakayanan ang US na paalisin ang China jan bago pa man sila naka pwesto at naka establish ng Naval base jan, pinaalis na sana nila. nabili naa ata ng China sa US ang mga isla jan. sila-sila lang naman ang totoong may-ari at hindi ang pilipinas.
kung gusto nga nilang magkagera ang Mindanao at Luzon, kaya nilang gawin yan. supportahan lang nila kunyari ang mga separatist jan at palabasing freedom fighter sa tulong ng media. kaya nilang gawin yaan.
a little bit of conspiracy theory lang.
naalala nyo ba since last year na ang daming mga pagawaan ng paputok na nasunog? even sa kabisayaan merong mga sumabog na pagawaan ng paputok. ang teorya lang naman ay baka sinadya silang pasabugin para hindi makagawa ang pilipinas ng sariling mga ammo.
Parang di masyado connect sa current state ng bansa yung pagsabog ng mga pagawaan ng paputok kase mostly mga illegal mga yun, at walang mga license, at tsaka nag announce ang government ng totally ban sa mga illegal nag gagawa ng paputok.
About naman sa mga manufacturers ng arms dito satin, eh meron naman, nakakapag export pa nga sa ibang bansa, sadyang need lang ng number of active personnel sa atin since +100k active meron lang ang AFP at need ng modern equipments.
While china has greater numbers if everything, but kulang sa experience since walang active war/fights na nasasangkutan nila even local wars wala kase fully controlled nila lugar nila unlike dito satin na bihasa ang AFP in jungle warfares plus sa experience ng US. Pero at the end of the day sana nga walang giyera maganap, pero malaki chance if gustong ng china na pilitin yung illegal rights nila sa EEZ ng PH. Tang*na kase napaka obvious na ang lapit nung karagatan sa PH tapus aangkinin ng China hundred of KM yung pagitan nila sa gusto nilang angkinin, mapapa facepalm ka na lang talaga
kung sino lang naman ang may malakas ang military kaya nilang mag-agaw. ang US nga ang layu-layo nila from Guam, occupied nila yang Guam. kahit Hawaii panay reklamo sa kanila. isinama pa ring bilang state. yang Falkan island jan sa Argentina pagmamay-ari rin ng British.
sa mga susunod na century baka province na tayo ng China.