Siya ang naglagay at Siya din naman ang magtatanggal. Hindi Niya pahihintulutan na magkaroon ng sobrang laking gulo dito sa bansa natin. Pero kung pahintulutan man Niya, wala tayong magagawa kaya awa na lang Niya ang aasahan natin. Lalo ngayon nagkaroon girian ang US at China sa tariffs. Ang admin naman ay kampi sa US pero sana huwag naman tignan yun ng China para sugurin nalang tayo basta basta maliban nalang kung magpapakasuicide ang gobyerno natin na makikisali sa giyera na pwedeng mangyari sa Taiwan.
Uto-uto kasi at himod tumbong itong gobyerno na meron tayo sa totoo lang sa US, iniisip ng gobyerno kapag inatake tayo ng China ay tutulungan tayo ng US, isipin hihingi ng saklolo ang gobyerno ng bangag na admin ngayon sa US ang ginawa ng US binentahan pa tayo ng missile, isipin mo yun diba? ang tingin talaga sa atin ng US sa gobyerno ni bangag talagang gullible at hindi nag-iisip.
Hindi talaga malabong atakihin tayo ng US, dahil once na makialam ang US sa China ay hindi naman US ang unang titirahin ng China kundi bansa natin dahil alam nilang nagkaroon ng base militar dito ang US tapos bumili pa si bangag ng mga missile, so ang mas delikado talaga ng husto yung mga kababayan na natin kung san naroon ang base militar na pinagtayuan ng US.
At yung mga armas na yan ay second hand lang. Samantalang sa past administration, mga brand new ang binili at binenta sa atin. Parang naging tapunan lang tayo ng mga pasira ng gamit nila tapos ang mamahal pa ng benta. Tama, isa pa yang mga base militar na yan. Libre na nga tapos tingin pa ng China, may nakatutok na missile na sa isa sa mga land mass nila kapag sakaling mangyari, ang magiging casualty niya, sa mga kababayan natin na malapit sa mga base na yan.
Saka sa aking pagkakaalam before nung time ni DU30 yang mga Marcos ang naging pangunahing hiningan nila ng tulong ay ang mga intsik, ngayon itong si Lizatanas kung tawagin nila, nagtayo yan ng company para mga intsik na importer na lahat ay dadaan sa company ni Lizatanas na iimport ng Chines businessmen at meron silang commission.
Tapos nung nakabalik na nga ang mga Marcos sa malacanang aba biglang sumisipsip sa US at nagtraydor sa China o mga chinese person. Ibig sabihin talagang may ugaling TRAYDOR itong si BBM, nung panahon ni Tatay Digong wala naman tayong nabalitaan na hinaharass ng Chiness vessels ang mga pinoy vessels natin, pero ngayon sa bangag admin binobomba ng tubig, may napuputulan ng daliri at iba. Bakit nila ginagawa yun? dahil nagtraydor ang Marcos sa mga Chinese so nadamay ang mga kababayan, Second, pinadala si Tatay digong sa the HAGUE kahit na dahil kay digong naipalibing sa libingan ng mga bayani ang Marcos Sr., Second nagtraydor din sa SMNI na tanging mainstream media na tumulong at nag-adopt sa kanya nung time ng campaign dahil nga lahat ng mainstream media ay galit sa kanya. Tapos ngayon si VP inday pinagtangkaan na iassasin, at pinaiimpeach pa, pagpapakita ito na talagang TRAYDOR ang mga MARCOSES kita mo nga kahit si IMEE nagtraydor sa kapatid pero hindi ko parin siya bet.